Tuwing sasapit ang Mayo at Hunyo, nag-uumpisa ang madalas na pag-ulan kasama ang malalakas na hangin. Ito rin ang panahon kung saan maaari tayong makaranas ng iba’t ibang sakuna gaya ng mga flash floods at mga landslide.
Para maging ligtas ang mga mahal natin sa buhay sa sakuna, napakahalaga ang wastong paghahanda. Anu-ano ang mga bagay na kailangan para makapaghanda sa anumang sakuna?
Maghanda ng isang galong tubig sa bawat miyembro ng pamilya para maiwasan ang pagiging dehydrated o kakulangan ng katawan sa tubig.
- Pagkaing hindi napapanis o matagal ma-expire
Posibleng walang mabilhan ng pagkain kapag bumagyo at bumaha. Kaya siguraduhing may sapat na pagkain ang pamilya at, hangga’t maaari, hindi ito agad-agad mapapanis o masisira. Mag-stock ng mga pagkaing delata, lalo na yung mga hindi na kailangang lutuin pa.
- First Aid or Emergency Kit
Sa loob ng first aid kit, siguraduhing may iba’t ibang klase ng medisina, gaya ng aspirin (pananakit ng katawan), antacid (hindi matunaw ang kinain), gamot sa ubo, loperamide (pagtatae), at paracetamol (lagnat at sakit ng ulo).
Dapat may mga bendahe, bulak, povidone iodine at agua oxinada para sa sugat.
Importanteng mayroong dalang flashlight o pang-ilaw dahil posibleng magkaroon ng blackout kung mayroong bagyo sa inyong lugar.
Huwag din kalilimutan ang pagdadala ng ekstrang baterya para sa flashlight o kung wala namang flashlight, maaaring ipalit ang kandila kasama ng posporo bilang ilaw.
Ang multi-purpose tool, minsan kilala sa tawag na Swiss knife, ay mayroong kutsilyo, gunting, screwdriver, at iba pang mga tools. Dahil ito ay all-in-one, hindi na kailangan maghagilap ng kutsilyo o disturnilyador sa oras ng pangangailangan.
Ang cellphone ang isa sa pinakamahalagang kagamitan sa oras ng sakuna. Para tuluy-tuloy ang komuniksayon, importante ang pagkakaroon ng mga powerbanks para laging charged ang cellphone.
Siguraduhin naka-charge ang mga powerbank bago pa tumama ang bagyo at magsimula ang mga brownout.
Sa ganitong panahon, mahalagang mapanatili ang kalusugan. Kaya naman huwag kalilimutang i-handa ang mga tissue, shampoo, sabon, toothbrush, toothpaste, tuwalya, at iba pang panglinis ng katawan para mapabayaan.
- Extrang kopya ng mga mahahalagang dokumento
Halimbawa na lamang ay ang mahahalagang IDs tulad ng passport, SSS, TIN, Postal, at iba. Magdala rin ng ilang impormasyon tungkol sa bawat miyembro ng inyong pamilya.
Kunan ang mga dokumentong ito gamit ang camera ng iyong phone. Bilang panigurado, pwedeng ilipat ang mga litratong kinunan sa isang flash o USB drive.
Maging alerto sa balita at sa ilang mahahalagang paalala na posibleng makaapekto ng lugar niyo.
Importante ito para hindi mabasa o masira ang mga importanteng dokumento, mga gamot, at maging mga gadgets gaya ng cellphone. Pwede ding gumamit ng ordinaryong plastic bags bilang alternatibong pambalot sa kagamitan.
References:
https://www.redcross.org/get-help/how-to-prepare-for-emergencies/survival-kit-supplies.html
https://medium.com/galaxy-digital/the-importance-of-being-prepared-before-a-disaster-strikes-75c55b69267
https://www.nytimes.com/2016/01/09/your-money/the-importance-of-being-prepared-for-a-natural-disaster.html