Ang buwan ng Hunyo ay idineklarang Dengue Awareness Month noong 1998. Ang dengue ay isang pang-buong taong banta sa kalusugan ng mga tao. Ayon sa Department of Health, ang kaso ng dengue na naitala para sa buwan ng Enero ngayong taon ay 1,121. Ito ay mas mababa ng 38% kung ikukumpara sa 1,815 na kaso noong Enero 2016. Dose katao ang namatay dahil sa dengue noong Enero 2017.
Dengue 101
Ang dengue fever ay isang malubhang sakit na nakukuha sa kagat ng babaeng Aedes aegypti mosquito at sanhi ng isa sa apat na dengue viruses. Ang sakit na ito, kung hindi agad maagapan, ay maaaring maging sanhi ng pagkamatay ng pasyente.
Sintomas ng Dengue
Ang mga sumusunod ay ang mga sintomas na ang isang tao ay may dengue fever:
-
Mataas na lagnat sa loob ng dalawa hanggang pitong araw.
-
Pagsusuka at pagkahilo
-
Pananakit ng tiyan
-
Panghihina
-
Pagdurugo ng ilong at gilagid.
-
Red spots sa mukha at ibang parte ng katawan
Hakbang sa Wastong Pag-aalaga sa Taong May Dengue
Kung ang isa sa mga kasama sa bahay o kamag-anak ay may dengue fever, ang mga sumusunod ang mga maaaring gawin:
-
Huwag hayaang ma-dehydrate ang pasyente. Dahil sa mataas na lagnat at pagduduwal, maaaring bumaba ang fluids ng katawan. Painumin ng maraming tubig, juice o di kaya’y rehydration fluids.
-
Dalhin agad sa ospital ang pasyente kung makaranas ito ng pagdurugo ng ilong at gilagid, matinding pananakit ng tyan, patuloy na pagsusuka, panlalamig ng kamay at paa. Dapat ding agad isugod sa pagamutan kung mayroong red spots sa balat, itim na dumi at hirap sa paghinga.
Narito ang mga signs na magaling na at wala ng dengue fever ang pasyente.
-
Normal na blood pressure, heart beat at breathing rate
-
Normal na body temperature
-
Wala ng pagdurugo
-
Bumalik na ang gana sa pagkain
-
Hindi na nagsusuka
-
Maayos na ihi
Tips Para Makaiwas Sa Dengue
-
Panatilihing malinis and walang lamok ang bahay at kapaligiran. Itapon ang mga naipong tubig sa timba, flower vase para hindi bahayan ng lamok. Ang mga lamok ay tumitira at nanganganak sa mga lugar na may naiipong tubig. Siguraduhing natatakpan ang mga lalagyan ng tubig sa inyong bahay. Pagkatapos gamitin ang mga balde, palangana o tabo, siguraduhing walang matitirang tubig dito. Linisin o alisin ang tubig na maaaring naiipon sa paligid ng iyong tahanan, gaya ng estero, gulong o lata. Kapag may natagpuang tubig na tinitirahan ng lamok, agad itong itapon.
Photo from NBC Today
-
Gumamit din ng kulambo sa gabi para hindi makalapit ang mga lamok habang natutulog.
-
Hangga't maaari, magsuot ng pajama o long sleeves na damit para hindi makagat.
-
Palaging isara ang pinto at bintana sa bahay para hindi makapasok ang lamok.
-
Palakasin ang resistensya ng katawan sa pamamagitan ng pagkain ng masusustansyang pagkain at palagiang pag-eehersisyo.
Sources:
- http://www.sunstar.com.ph/cebu/local-news/2017/02/03/1121-dengue-cases-january-2017-523625
- http://newsinfo.inquirer.net/696969/did-you-know-dengue-awareness-month-2
- http://www.gov.ph/2011/06/02/dengue-awareness-month/
- http://abcnews.go.com/Health/ColdFlu/dengue-fever-101-common-questions-answered/story?id=11281610
- http://www.doh.gov.ph/node/1063
- https://www.cdc.gov/dengue/resources/cs_205910-a.dengue-patient-ed-eng.final.pdf
- http://nrhmchd.gov.in/Disease_updates/dengue.pdf
- http://www.philstar.com/punto-mo/2013/04/21/933144/doh-labanan-ang-dengue