We use cookies to ensure that we give you the best experience on our website. By continuing to browse our site, you are agreeing to our use of cookies.
Bakit Kailangan Maligo Bago at Pagkatapos Lumangoy?
August 14, 2025
Check icon
Copied to clipboard
Ang paglangoy ay hindi lang basta libangan, isa rin itong mahusay na ehersisyo para sa katawan at isipan. Maraming tao ang naaakit sa kasiyahan at benepisyo ng paglangoy, lalo na tuwing tag-init. Ngunit bago tayo sumabak sa paglangoy, sa pool man o sa dagat, may isang simpleng hakbang na madalas nakakaligtaan: ang pagligo bago at pagkatapos lumangoy. Bagamat tila maliit na bagay, malaki ang epekto nito sa kalinisan, kalusugan, at kaligtasan ng lahat.
Sa artikulong ito, aalamin natin kung bakit mahalaga ang hakbang na ito, ang mga mabubuting epekto nito, at ang posibleng panganib kapag ito’y hindi nabibigyang pansin.
Kahalagahan ng Pagligo Bago Lumangoy
1. Pag-alis ng mga Dumi at Langis sa Katawan
Ang ating katawan ay natural na may mga dumi, pawis, langis, at mga produkto tulad ng lotion, sunscreen, at cosmetics. Kapag hindi naliligo bago maligo sa pool, ang mga ito ay napupunta sa tubig, na nagdudulot ng kontaminasyon. Ang mga dumi at langis ay nagiging sanhi ng pagdumi ng tubig at nakakaapekto sa mga kemikal na ginagamit upang panatilihing malinis ang pool. ng mga dumi mula sa katawan ay maaaring magdulot ng pagdumi ng tubig at pagbawas ng bisa ng disinfectants tulad ng chlorine.(2)
2. Pinapahusay ang Bisa ng Chlorine
Ang chlorine ay isang kemikal na ginagamit upang patayin ang mga mikrobyo sa pool. Kapag nag-react ang chlorine sa mga langis at pawis sa katawan, nabubuo ang chloramines — mga compound na nagdudulot ng iritasyon sa balat, mata, at respiratory system, pati na rin ng masamang amoy sa pool. Ang pagligo bago lumangoy ay nakatutulong upang mapanatili ang bisa ng chlorine sa tubig.(2,6)
3. Pag-iwas sa Sakit na Dulot ng Tubiga ng Chlorine
Ang mga recreational water illnesses (RWIs) ay mga sakit na maaaring makuha mula sa maruming tubig sa pool o iba pang anyo ng tubig na ginagamit sa paglilibang. Kabilang dito ang mga impeksyon sa balat, tenga (swimmer’s ear), mata, at mga gastrointestinal illnesses. Ang mga mikrobyo mula sa katawan ng mga taong hindi naliligo bago lumangoy ay maaaring magdulot ng mga sakit na ito. Halimbawa, ang Cryptosporidium, isang uri ng bakterya, ay maaaring mabuhay nang higit sa pitong araw sa tubig kahit ito ay nilinis gamit ang chlorine, at nagdudulot ng matinding pagtatae at iba pang gastrointestinal symptoms.(1,2,3)
Dahil dito, mahalagang mag-shower bago pumasok sa tubig upang alisin ang mga mikrobyo at dumi na maaaring magdulot ng sakit, at para maprotektahan hindi lamang ang sarili kundi pati na rin ang ibang manlalangoy.(1,2)
4. Mas Komportableng Paglangoy
Bukod sa mga benepisyong pangkalinisan, ang pagligo bago lumangoy ay nakatutulong upang masanay ang katawan sa temperatura ng tubig. Ito ay nakakaiwas sa biglaang pag-init o lamig na maaaring magdulot ng discomfort.
Kahalagahan ng Pagligo Pagkatapos Lumangoy
1. Pagpapanatili ng Kalinisan ng Balat at Buhok
Habang epektibo ang chlorine sa pagpapanatili ng kalinisan ng pool, ito ay kemikal na maaaring makairita sa balat at buhok kapag nananatili sa katawan. Ang chlorine ay nagdudulot ng tuyong balat, pangangati, at pagkasira ng buhok. Ayon sa American Academy of Dermatology, ang pagligo pagkatapos lumangoy ay nakatutulong upang alisin ang mga kemikal na ito at mapanatili ang kalusugan ng balat at buhok.(6,7)
2. Pag-iwas sa Iritasyon at Impeksyon
Ayon sa American College of Allergy, Asthma & Immunology, maaaring tumaas ang panganib na magkaron ng hika at iba pang mga allergy sa paghinga, dulot ng madalas na paglangoy sa mga chlorinated na pool. Ang chlorine ay nakakatuyo din ng balat at maaring magdulot ng irritant dermatitis o hives. Para maiwasan ito, ang pagligo pagkatapos lumangoy ay nakakatulong sa pagtanggal ng chlorine at swimming pool water sa balat.(8)
Ano ang Nangyayari Kapag Hindi Naligo Bago at Pagkatapos Lumangoy?
Pagdumi ng Tubig ng Pool: Nadadala ang pawis, langis, cosmetics, at mikrobyo sa tubig, na nagiging sanhi ng pagdumi at paglabo ng tubig. Kapag marumi ang tubig, nagiging panganib ito sa kalusugan ng mga manlalangoy.(1,2)
Mas Madaming Kemikal ang Kinakailangan: Ang sobrang dumi ay nagpapataas ng pangangailangan ng chlorine, na nagdudulot ng mas malakas na amoy at iritasyon sa balat at mata.(2,3)
Pagkakaroon ng Iritasyon at Sakit: Ang chloramines ay nagdudulot ng pangangati sa balat, mata, at respiratory system, at maaaring magpalaganap ng waterborne illnesses tulad ng swimmer’s ear, skin infections, at iba pang impeksyon.(2,4)
Pagkalat ng Mikrobyo: Maliit na traces ng dumi tulad ng fecal matter ay maaaring magdala ng harmful bacteria tulad ng E. coli na nagdudulot ng gastrointestinal illnesses. Kapag hindi naligo bago lumangoy, mas mataas ang panganib na kumalat ang mga ito sa pool.(1,5)
Paano Magandang Isagawa ang Pagligo Bago at Pagkatapos Lumangoy?
Upang masiguro ang kalinisan at kaligtasan, narito ang ilang mga tips sa tamang pagligo bago at pagkatapos lumangoy:
Gumamit ng sabon: Mahalaga ang sabon upang matanggal ang pawis, langis, at dumi sa katawan.(9)
Linisin ang buong katawan: Siguraduhing malinis ang mga kamay, paa, kilikili, at iba pang bahagi ng katawan na madalas may dumi.(9)
Mag-shampoo at conditioner: Pagkatapos lumangoy, hugasan ang buhok upang matanggal ang chlorine na maaaring makasira nito.(9)
Gumamit ng moisturizer: Dahil ang chlorine ay nakakatuyo ng balat, siguraduhing gumamit ng moisturizer upang mapanatili ang malambot na balat.(9)
Ang pagligo bago at pagkatapos lumangoy ay isang simpleng gawain na may malaking epekto sa kalusugan at kalinisan. Nakakatulong ito upang mapanatili ang kalidad ng tubig sa pool, maiwasan ang mga sakit, at mapanatiling komportable ang karanasan sa paglangoy. Sa pamamagitan ng pagsunod sa mga simpleng hakbang na ito, pinoprotektahan natin ang ating sarili at ang ibang manlalangoy mula sa mga recreational water illnesses at iba pang impeksyon.