RiteMED | Mga Pagkaing Makakatulong Laban Dysmenorrhea
Mga Pagkaing Makakatulong Laban Dysmenorrhea

June 15, 2016

Photo Courtesy of Kaz via Pixabay

 

Karamihan sa mga babae ay maaaring nakaranas na ng matinding pag sakit ng puson tuwing kabuwanang dalaw o menstrual period na kadalasan ay nagtatagal ng tatlo hanggang limang araw. Ayon sa Philstar, mahigit kumulang 50% ng kababaihan ang nakaranas na ng pagsakit sa puson tuwing may regla.  Ang sintomas na ito ay tinatawag na dysmenorrhea; ang medical term para sa menstrual cramps o sakit sa puson na nararanasan tuwing mayroong menstruation. Kahit na natural ang sakit na ito, may mga panahon na matindi ang sintomas na nararanasan. Ang ilan sa mga kababaihan ay nakararanas ng back pain at pelvic pain na nakaaapekto sa pang araw araw na gawain at kung  minsan ay nagiging dahilan ng pag absent nila sa eskwelahan o sa trabaho.

 

May iba’t ibang paraan para maibsan ang sakit sa puson gaya ng pag inom ng pain reliever na mabibili over-the-counter tulad ng mefenamic acid at ibuprofen. Maliban sa pag-inom ng gamot, mayroon din namang mga natural na alternatibo para sa menstrual cramps. Kadalasan, ang mga pagkain na kinakain sa araw araw ay nakaaapekto sa mga sintomas na dala ng pagkakaroon ng regla. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga pagkain at inumin na inirerekomenda upang malabanan ang mga sintomas na dulot ng menstruation period.

 

1.    Water

 

Mahalaga ang pag-inom ng tubig upang matanggal ang cramps na nararamdaman tuwing may menstruation. Ang maligamgam o mainit na tubig ay mas mabisa sa pag tanggal ng sakit ng puson dahil nakapagpaparelax ito ng muscles ng katawan. Nirerekomendang uminom ng 2 to 3 liters ng tubig bawat araw upang mapanatiling hydrated ang katawan tuwing may buwanang dalaw.

 

2.    Dark Chocolate

 

Kadalasang may mga pagkaing gustong kainin ang mga kababaihan tuwing may dalaw. Kung natatakam sa mga matamis na pagkain, mabuting piliin ang dark chocolate na nagtataglay ng 70% cocoa. Nakatutulong ang pagkain ng dark chocolates sa pagpapa-relax ng ating muscles upang maibsan ang sakit sa puson ngunit kailangang umiwas sa mga pagkaing sobrang tamis na makapagpapalala ng menstrual cramps dahil maaari itong maging sanhi ng water retention o pagpapanatili ng tubig sa katawan.

 

Photo Courtesy of unsplash.com via Pexels

 

3.    Herbal Tea

 

Ang pag inom ng herbal tea gaya ng jasmine, peppermint, at chamomile ay magandang panlaban sa sintomas ng regla. Ayon sa research, ang pag inom ng tea, lalo na ng chamomile ay mabisang pampakalma ng nerves ng katawan.

 

4.    Salmon

 

Ang salmon at iba pang isada na nagtataglay ng omega 3 acids ay hindi lang mainam para sa kalusugan ng puso, kundi pati na rin sa paglaban ng inflammation tuwing may regla. Ang pagkain ng salmon ay nakakatulong din para maiwasan ang sintomas ng pre-menstrual syndrome o PMS.

 

5.    Banana

 

Ang saging ay masustansya sa Vitamin B6 at potassium na nakapagpipigil ng water retention at bloated feeling. Ang isang tasa ng saging ay mayroong 537 milligrams of potassium na tutulong mag process ng carbohydrates sa loob ng katawan

pineapple-867245_960_720.jpg

Photo Courtesy of Unsplash via Pixabay

 

6.    Pineapple

 

Ang enzyme na bromelain ay matatagpuan sa pineapple juice at fresh pineapple. Ang enzyme na ito ay nakapagpapa-relax ng muscle na makatutulong maibsan ang sakit sa puson.

 

7.    Papaya

 

Ang mga nutrients na taglay ng papaya gaya ng carotene, iron, calcium, at Vitamins A at vitamin C ay mabisang pampa-relax sa uterine walls ng mga babae.

 

8.    Mga pagkaing mataas sa calcium

 

Ang mga pagkain tulad ng almonds, sesame seeds, at green leafy vegetables na mataas sa calcium ay magandang diet din para sa mga nakakaranas ng dysmenorrhea. Tumutulong ang mga pagkaing ito upang mabawasan ang cramps na nararamdaman ngunit dapat laging tandaan na hindi inirerekomenda ang ilang masustansya rin sa calcium gaya ng mga dairy products dahil nakakapag-trigger at nakakapagpalala ito ng dysmenorrhea.

 

Ang bawat babae ay may iba’t ibang karanasan pag mayroong dysmenorrhea. Kung gagamit ng supplements, mahalagang kumonsulta muna sa doktor upang makasiguro na tama at safe ang iinumin. Ilan lang ang mga ito sa mga pagkaing makatutulong maibsan ang sintomas ng pagkakaroon ng menstrual cycle. Kung nakararamdam ng matinding sintomas buwan buwan ay mabutihing mag pacheck-up na sa doktor. Umiwas sa mga pagkain at inuming nakakapagpapalala ng dysmenorrhea tulad ng kape at pagkaing sobra sa asukal. Iwasan din ang paninigarilyo at pag-inom ng alcohol na maaaring makapagpalala ng sakit sa puson dahil nagdudulot ito ng muscle spasms.

 

Maliban sa mga pagkaing ito, makatutulong din ang paggamit ng heat compress at pagligo gamit ang maligamgam na tubig para ma-relax ang uterine muscles at maibsan ang pagsakit nito. Magpahinga at umiwas sa pagbubuhat ng mabibigat na bagay. Ang pagkakaroon ng healthy lifestyle ay higit na makatutulong sa pagiwas sa dysmenorrhea at iba pang sintomas ng pagkakaroon ng regla.


What do you think of this article?
Thanks for your rating!