Wastong Paggamit ng Povidone Iodine

November 15, 2021

Ang povidone iodine, na tinatawag ring iodopovidone, ay isang antiseptic na maaring in liquid, ointment, aerosol powder, sabon, spray, swab, o cream form. Ginagamit ito sa balat upang gamutin o maiwasan ang skin infection sa mga maliliit na hiwa (minor cuts), gasgas (scrapes), o paso (burns). Ang povidone iodine ay ginagamit din sa isang medical setting upang makatulong na maiwasan ang impeksyon at gumaling ang mga sugat sa balat, pressure sores, o surgical incisions.

 

Ang ilang forms ng povidone iodine ay ginagamit din sa loob ng bibig upang magbigay ng pansamantalang kaginhawaan sa minor mouth pain o irritation, sore throat, o canker sore pain.

 

Mga Dapat Ikonsider Bago Gumamit ng Povidone Iodine

 

Bago gumamit ng povidone iodine, kailangan mo munang ipaalam sa iyong doktor kung mayroon ka ng sumusunod na mga kondisyon:

 

  • Skin conditions o sensitivity
  • Allergic reaction sa povidone iodine, iba pang mga gamot sa sugat, pagkain, dyes, o preservatives
  • Buntis o sinusubukang mabuntis
  • Nagpapasuso

 

 

 

Side Effects ng Povidone Iodine

 

Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/young-woman-scratches-itching-on-her-1947800311

 

Ang sumusunod ay mga side effects na dapat mong i-report sa iyong doktor or health care professional once na mapansin o maramdaman mo na ang mga ito:

 

  • Allergic reactions tulad ng pantal sa balat
  • Pamamaga ng mukha, labi, dila, o lalamunan
  • Pagbabalat na may lagnat o walang lagnat
  • Paninikip ng dibdib o lalamunan
  • Problema sa paghinga, paglunok, o pagsasalita
  • Hindi pangkaraniwang pamamaos

 

Ang sumusunod naman ay mga side effects na hindi na kailangan ng medical attention:

 

  • Sakit sa mata
  • Pamumula ng balat, pangangati

 

Gayunpaman, i-report agad ito sa iyong doktor kung hindi ito nawawala o kung ito ay nakakaabala na.

 

Tamang Gamit ng  Povidone Iodine

Narito naman ang ilang effective tips pagdating sa paggamit ng RM Povidone Iodine:

 

  • Hayaang matuyo nang lubusan ang gamot sa balat bago maglagay ng bandage. Huwag maglagay ng masikip na bandage.

 

  • I-store sa kwarto na may room temperature at malayo sa moisture at init.

 

  • Ang povidone iodine topical ay maaaring mantsahan ang ating balat, ngipin, at mga tela. Maaari kang gumamit ng rubbing alcohol upang alisin ang mantsa sa iyong balat. Iwasang maglagay ng alkohol sa sugat o irritated na balat. Maaaring alisin ang mga mantsa sa tela sa pamamagitan ng pagbabanlaw ng ammonia na diluted sa tubig.

 

More Ritemed Reminders

 

  • Huwag gamitin ang povidone iodine sa deep wounds, puncture wounds, animal bites, o serious burns. Huwag ilapat sa malalaking bahagi ng balat.

 

  • Huwag gumamit ng povidone iodine sa bibig kung gumagamit ka ng isang form na ginawa para lamang gamitin sa balat.

 

  • Huwag gumamit ng povidone iodine topical nang mas mahaba kaysa sa 7 araw ng walang medikal na payo.

 

Sources:

https://my.clevelandclinic.org/health/drugs/20355-povidone-iodine-topical-formulations

https://www.drugs.com/mtm/povidone-iodine-topical.html

https://www.ritemed.com.ph/products/rm-povidone-iodine-10-sol-30ml