Gusto nating lahat na laging protektado ang ating mga anak, maging ito man ay sa pagkadapa, pagkahulog, sa gasgas o pasa – lalo na sa di maiiwasang impeksyon at sakit.
Upang matulungan ang ating mga anak na makaiwas sa sakit at viruses, mahalagang hikayatin natin sila na magkaroon ng good habits at sumunod sa mga hakbang na magpapalakas ng kanilang immunity habang bata pa sila.
Six Effective Ways Para Palakasin ang Immunity ng mga Bata
- I-breastfeed ang iyong bagong silang na sanggol.
Ito ay isang napaka personal na desisyon (na hindi laging posible). Ngunit hangga't maaari, i-breastfeed ang iyong anak ng hindi bababa sa anim na buwan. Lubos itong makakatulong sa inyo lalo na pagdating sa pagbabawas ng risk sa infections ng iyong anak.
- Sanayin sila na regular na maghugas ng kamay.
Ang paghawak sa mga bagay-bagay ay nagta-transmit ng hanggang 80% ng infections. Turuan ang iyong anak na maglaan ng oras upang maghuhas ng kamay pagkatapos bumahing, umubo, at pumunta sa banyo. Ang paghuhugas ng kamay gamit ang maligamgam na tubig at sabon ng hindi bababa sa 20 segundo ay maaaring mag-alis ng bacteria at viruses at magbawas ng tsansa na magkaroon ng impeksyon sa baga ang iyong anak.
- Huwag kalimutan ang immunizations.
Sundin ang payo ng iyong pediatrician pagdating sa schedule ng pagbabakuna sa bata. Ang immunizations ay nagsisimula sa infancy hanggang sa paglaki ng bata. Nakakatulong ito upang maiwasan ang tigdas, beke, bulutong-tubig, rotavirus, at iba pang mga impeksyon.
- I-prioritize ang pagtulog nila.
Upang palakasin ang kanilang immunity, ang mga bata ay dapat makakuha ng sapat na tulog. Ang sleep requirements ay magkakaiba ayon sa edad. Ang preschoolers, na may edad tatlo hanggang lima, ay dapat makatulog ng 10 hanggang 13 oras samantalang ang mga batang may edad anim hanggang 13 ay dapat makatulog ng siyam hanggang 11 oras.
Ang hindi pagkakaroon ng sapat na tulog ay naglilimita sa kakayahan ng ating katawan na gumawa ng mga protina na tinatawag na cytokines na nakakatulong sa paglaban sa impeksyon at pagbabawas ng pamamaga.
- Hikayatin sila na kumain ng healthy diet.
Ang isang healthy diet ay mahalaga din para sa immune system ng ating mga anak. Hikayatin sila na “kumain ng rainbow” pagdating sa mga prutas at gulay. Limitahan rin ang pagkain nila ng processed foods tulad ng meat products, microwave o ready meals, savory snacks, at iba pa. Tinitiyak ng proper food choices na ang iyong anak ay nakakakuha ng sapat na mga bitamina – tulad ng Vitamin C at E – na mahalaga sa pagpapanatili ng mabuting kalusugan at isang malakas na immune system.
- Painumin sila ng Vitamin C supplement.
Kung ang iyong anak ay mapili sa pagkain, o pansin mo na mahinang mag-absorb ng nutrients ang kanyang katawan, maaaring ang pag-take ng vitamins ang solusyon.
Sa pagpili ng vitamins para sa iyong anak, siguraduhin na mabubuting nutrients lang ang makukuha nila. Kung nagte-take ka ng Sodium Ascorbate vitamin as an adult, maaari ring mag-take si baby ng Ritemed Ascorbic Acid+Zinc na naglalaman ng Vitamin C and Zinc! Ang dalawang antioxidants na ito ay may mahalagang papel sa pagbibigay ng sapat na nutrisyon at malakas na immunity sa mga bata.
Sources:
https://health.clevelandclinic.org/want-boost-childs-immune-system-5-tips
https://www.shethepeople.tv/coronavirus/6-ways-to-increase-your-childs-immunity-against-covid-19/
https://comprehensivesleepcare.com/2020/08/04/kids-sleep-and-covid-19