Tamang Kaalaman Tungkol sa Lupus

August 18, 2021

Ayon sa Lupus Foundation of America, tinatayang 5 milyong tao sa buong mundo ang may lupus disease. Karamihan sa mga may sakit ng lupus ay mga kababaihan na may edad 15-44.  Ngunit, maaari ring magkaroon ng sakit na itoch ang mga lalaki, teenager at bata.

 

What is Lupus?

 

Ang lupus ay isang panghabambuhay na sakit na nagdudulot ng pamamaga at pananakit ng iba’t ibang bahagi ng katawan. Ang sakit na ito ay kadalasang nakakaapekto sa balat, kasukasuan o joints, at mga internal organs tulad ng puso, baga, utak at kidneys.

 

May iba’t ibang uri ng lupus. Ngunit ang pinaka karaniwang uri ng sakit na ito ay tinatawag na Systemic Lupus Erythematosus (SLE).  Ang SLE ay isang autoimmune disease kung saan nagkakamali ang immune system na labanan ang mga malulusog na tissues sa iyong katawan. 

 

Risk factors

 

Sa ngayon, hindi pa rin matutukoy ang sanhi ng lupus. Ngunit may mga ilang bagay na nakakapagpataas ng risk na magkaroon ng sakit na ito.

 

Isa sa mga risk factors ng lupus ay ang pagbabago sa hormones. Isa itong posibleng dahilan kung bakit mas mataas ang kaso ng lupus sa mga kababaihan nasa edad 15-44. Ang edad na ito ay itinuturing na reproductive years ng isang babae kung saan mataas ang paggawa ng estrogen hormones.

 

Ang risk ng pagkakaroon ng lupus ay maaari ring tumaas ayon sa genetics. Ayon sa pag aaral, mayroong higit 50 na genes ang associated sa lupus.

 

May ilang environmental elements rin na maaaring magdulot ng lupus flares. Ang ilan dito ay ultraviolet light, infections at alikabok na maaaring makuha sa mga agricultural o industrial environment.

 

undefined

Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/systemic-lupus-erythematosussle-chronic-disease-caused-1164945658

 

Lupus Symptoms

 

Ang mga sumusunod ay ilan sa mga kadalasang sintomas ng lupus disease:

  • Rayuma o pamamaga ng kasukasuan
  • Lagnat
  • Masakit na ulo
  • Rashes (butterfly-shaped)
  • Labis na pagkapagod (extreme fatigue)
  • Pamamaga ng bukong-bukong
  • Sakit sa dibdib at hirap sa paghinga
  • Sensitivity to light
  • Paglalagas ng buhok
  • Pangingisay
  • Pamumutla ng mga daliri
  • Sugat sa bibig at ilong

 

Lupus Treatment and Flare Prevention

 

Ang treatment sa lupus ay naka depende sa sintomas na iyong nararanasan. Kumunsulta sa doktor para mabigyan ng tamang gamot. Ilan sa mga kadalasang gamot na binibigay sa mga may lupus ay Nonsteroidal anti-inflammatory drugs (NSAIDs) tulad ng Ibuprofen, Antimalarial drugs, Corticosteroids, Immunosuppressants, at Biologics.

 

Maaari ring maiwasan ang lupus flares o pag lala ng mga sintomas ng lupus sa tulong ng ilang healthy habits. Ilan dito ay ang paggamit ng sunscreen at sun protective clothing, pag-eehersisyo, sapat na pahinga, at pagkakaroon ng balanced diet.

 

 

Mahalaga ang pagkakaroon ng healthy lifestyle at pagkakaroon ng wastong treatment para hindi lumala ang mga sintomas at maiwasan ang mga komplikasyon na maaaring idulot ng lupus disease. Ang regular exercise, balanced diet, at pahinga ay makakatulong sa pagpapalakas ng iyong katawan.

 

Sources:

https://www.webmd.com/lupus/arthritis-lupus

https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/4875-lupus

https://www.stlukes.com.ph/health-library/health-articles/10-things-you-need-to-know-about-lupus