Stress at ang Immune System

August 18, 2021

Stressed ka ba? Kung hindi mo namamanage ang stress, hindi kataka takang makaapaketo ito sa iyong kalusugan. Ayon sa mga psychologists sa larangan ng psychoneuroimmunology, ang estado ng ating pag-iisip ay nakakaapekto sa estado ng ating kalusugan, lalo na sa ating immune system.

 

Kaugnayan ng stress sa immune system

 

Noong unang bahagi ng 1980s, ang psychologist na si Janice Kiecolt-Glaser, PhD, at immunologist na si Ronald Glaser, PhD, ng Ohio State University College of Medicine, ay naintriga sa mga pag-aaral ng hayop na iniuugnay ang stress at impeksyon. Mula 1982 hanggang 1992, ang mga mananaliksik na ito ay pinag-aralan ang mga medical students.

 

Dito ay nalaman nila na ang immunity ng mga mag-aaral ay bumababa kada taon dahil sa simpleng stress na dulot ng tatlong araw na pagsusulit. Ang mga estudyanteng ito ay may mas kaunting  natural killer cells, na siyang nakikipaglaban sa mga bukol at viral infection.

 

May mga karagdagang pagsasaliksik na nagsiwalat na dahil sa stress, lahat ng mga aspeto ng ating immunity ay bumaba. Ibig sabihin, ang pangmatagalan o chronic stress ay maaaring makapinsala sa ating immune system. Upang maging mapatibay ang ating katawan at tulungan itong labanan ang mga mikrobyo, mahalaga na matuto tayong i-manage ang stress, lalo na ang chronic o long-term stress.

 

 

undefined

 

Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/busy-stressed-mother-talking-on-phone-1584282157

 

 

Paano i-manage ang stress

 

Ang bawat isa sa atin ay nakakaranas ng stress. Ang kaunting stress ay hindi isang problema. Ngunit kung nakakaranas ka na ng very high stress, ito ay siguradong makakaapekto na sa iyong immunity. Upang ma-manage ang stress, narito ang ilang mga tip mula sa WHO.

 

Grounding

 

Ang grounding ay ginagawa sa pamamagitan ng pagpansin sa iyong mga saloobin at damdamin, pagrelaks, at pag-connect sa iyong katawan. Pwede mong gawin ito sa pamamagitan ng dahan-dahang pagtulak sa iyong mga paa sa sahig, pag-unat, at paghinga, at pagkatapos ay mag-focus ka ulit sa paligid mo.

 

Maglaan ng space para sa stress

 

Ang pag-tulak sa hindi magagandang mga saloobin at damdamin ay madalas na hindi gumana nang maayos. Kaya sa halip, maglaan ka ng space para sa kanila. Hayaang silang dumating at umalis tulad ng panahon. Habang humihinga ka, isipin ang iyong paghinga na dumadaloy sa paligid ng iyong sakit upang magkaroon ito ng puwang.

 

Sa halip na labanan ang kaisipan o pakiramdam, payagan itong gumalaw, tulad ng paggalaw ng ulap sa kalangitan. Kung hindi ka nakikipaglaban sa iyong sarili, magkakaroon ka ng mas maraming oras at lakas upang makisali sa mundo at gawin ang mga bagay na mahalaga sa iyo.

 

 

 

 

 

Mga bitamina na nagpapalakas sa immune system

 

Ang pagkain ng mga pampalusog na pagkain na mayaman sa ilang mga bitamina ay maaaring makatulong sa iyong immune system na labanan ang sakit. Palaging tandaan na ang isang tunay na malusog na immune system ay nakasalalay sa isang balanseng diyeta.

 

Ang Vitamin C ay isa sa pinakamahalagang booster ng immune system. Kapag kulang ka sa vit C, mabilis kang kakapitan ng mga sakit. Mabuti na lang, ang vitamin C ay makukuha sa maraming pagkain kaya hindi mo na kinakailangan uminom ng vitamin C supplement maliban kung payuhan ka ng isang doktor. Kung gusto mo pa ring uminom nito, maaari kang bumili ng ascorbic acid o sodium ascorbate na pareho na magandang source ng mga antioxidant at nakakatulong na mapalakas ang iyong immunity.

 

Ang Vitamin B complex ay may kritikal na bahagi na dapat gampanan sa pagpapasigla ng katawan at pagsasaayos ng mga biological response. Tumutulong ang vitamin B2 na ma-break down ang mga taba at gamot. Ang vitamin B9 naman ay kapaki-pakinabang sa panahon ng pagbubuntis upang maiwasan ang mga birth defects. Pinapaganda naman ng Vitamin B12 ang mga nerve cells at maaaring mabawasan ang tyansya na magkaroon ka ng anemia. Lahat ng vitamin B na ito ay mahalaga para sa immune system.

 

Ang Vitamin E ay isang malakas na antioxidant na tumutulong sa katawan na labanan ang impeksyon. Ang mga pagkaing mayaman sa vitamin E ay mga mani, buto, at spinach.

 

Ang zinc ay pinapanatili ang immune system na malakas, tumutulong na pagalingin ang mga sugat, at sinusuportahan ang normal na paglaki. Ang ilang mga pag-aaral ay natagpuan na ang mga zinc lozenges ay maaaring mabawasan ang tagal ng pagkakaroon mo ng sipon at maaaring mabawasan ang bilang ng mga impeksyon sa upper respiratory sa mga bata.

 

Sources:

https://www.who.int/publications/i/item/9789240003927

https://health.clevelandclinic.org/3-vitamins-best-boosting-immunity/

https://www.apa.org/research/action/immune