Paano Mababawasan ang Sakit na Dala ng Dysmenorrhea?

September 09, 2021

Ano ang dysmenorrhea?

 

Ang dysmenorrhea ay nararanasan ng isang babae bago siya magkaroon o habang siya ay may menstrual period o regla. Mayroon itong dalawang uri: ang primary dysmenorrhea at ang secondary dysmenorrhea.

 

  1. Primary dysmenorrhea - Ito ay nailalarawan sa pamamagitan ng sakit sa ibabang bahagi ng tiyan o likod at maaaring maging mild (banayad) hanggang severe (malubha). Madalas itong nagsisimula bago magkaroon o habang may regla ang isang babae, at nagpapatuloy sa loob ng isa hanggang tatlong araw.

 

  1. Secondary dysmenorrhea - Ang sakit na ito ay dulot ng isang disorder sa female reproductive organs. Ang period cramps na ito ay karaniwang nagsisimula ng maaga sa menstrual cycle at tumatagal ng mas mahaba kaysa sa common dysmenorrhea.

 

Best Dysmenorrhea Treatments

 

undefined

 Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/portrait-happy-girl-having-healthy-snack-161774903 

 

Upang matulungan kang maalis ang sakit na dulot ng menstrual cramps o dysmenorrhea, gawin lang ang sumusunod na hakbang:

 

  • Gumamit ng hot compress.

Ang paglalapat ng init sa apektadong lugar ay maaaring makapawi ng sakit. Kung wala kang hot compress, maaari ka ring gumamit ng isang mainit na bote ng tubig. Siguraduhin lang na hindi ka gagamit ng kumukulong tubig upang hindi mo masaktan ang iyong balat. Maliban sa hot compress, ang isang warm bath ay nakakabawas din ng sakit sa pamamagitan ng pagpapa-relax sa iyong katawan.

 

  • Mag-ehersisyo.

Kapag ikaw ay may period cramps, subukan mong maglakad-lakad, mag-jogging, o mag-light stretching. Bagaman walang magnanais na mapagod at mapawis habang may nararamdamang sakit sa puson, ang pagiging physically active kapag ikaw ay may menstrual cramps ay sinasabi ring isang mabisang dysmenorrhea treatment.

 

  • Subukan ang iba't ibang relaxation techniques.

Kapag nakakaramdam ka ng period cramps, subukang magpahinga at mag-relax. Magsagawa ng ilang relaxation techniques tulad ng yoga at meditation upang makatulong na ma-distract ka mula sa discomfort.

 

  • Iwasan ang kape at maalat na pagkain.

Pinapakipot ng caffeine ang mga daluyan ng dugo, na siyang dahilan ng pag-intensify ng cramps. Ang maalat na pagkain naman, sa kabilang banda, ay maaari ring magdulot ng stomach bloating. Imbes na uminom ng kape at kumain ng maalat na pagkain, piliin ang iron-rich foods at sariwang mga prutas tulad ng saging, pinya, at grapefruit.

 

  • I-massage ang iyong tiyan.

Ayon sa mga eksperto, ang pagmamasahe ng iyong tiyan gamit ang essential oils ay maaaring makatulong na mawala ang cramps. Ilan sa mga essential oils na ito ay ang lavender, sage, rose, marjoram, cinnamon, at clove.

 

 

  • Mag-take ng Mefenamic acid.

Ang RM Mefenamic Acid ay mabisang gamot para sa dysmenorrhea at premenstrual syndromes. Uminom lang ng isang tablet kada walong oras hanggang sa mawala na ang sakit.

 

Ilan lamang ang mga ito sa mga dapat mong gawin upang mawala ang nararamdaman mong menstrual cramps. Subalit tandaan, subukan pa ring sumangguni sa isang doktor bago gawin ang alinman sa sumusunod, lalo na kung plano mong uminom ng gamot. Nakakabuti pa ring malaman ng doktor ang iyong kondisyon upang mabigyan ka niya ng angkop na lunas sa iyong karamdaman.

 

 

Sources:

https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/4148-dysmenorrhea

https://www.webmd.com/women/menstrual-cramps

https://www.healthline.com/health/womens-health/how-to-get-rid-of-cramps#hydration