Natural lang sa mga teenagers ang pagiging bugnutin at moody. Ayon sa mga eksperto, parte ng adolescence ang rapid at intense mood shifts dahil sa mataas na levels ng testosterone, estrogen, at progesterone sa panahon ng puberty. Ito rin ang dahilan kung bakit madalas na magkaproblema sa school at social lives ang isang teenager. Ang mataas na antas ng mga hormones na ito sa utak ang siya ring nag-uudyok sa isang tao na makipagsapalaran, dahilan kung bakit madalas na nasasangkot sa mapanganib at risky situations ang teenagers kumpara sa mga adults.
Upang mapakita mo sa iyong anak na naiintindihan mo ang kaniyang sitwasyon at nararamdaman, narito ang ilang tips na maaari mong gawin:
- Makinig sa kanila kapag gusto nilang magsalita at subukang huwag sumabat hanggang sa matapos silang magsalita;
- Hayaan silang matuto mula sa kanilang sariling mga pagkakamali - hangga't sila ay ligtas - at tanggapin na maaari silang gumawa ng mga bagay na naiiba sa kagustuhan mo;
- Huwag kimkimin ang iyong mga alalahanin. Kung nag-aalala ka na ang iyong anak ay maaaring nakikipagtalik nang hindi protektado o gumagamit ng droga, subukang makipag-usap ng mahinahon at ipaliwanag sa kanila kung bakit mali ang mga bagay na ito; at
- Payagan silang magkaroon ng sarili nilang space at privacy.
Gayunpaman, may mga pagkakataon na ang mood swings ng isang teenager ay nagsi-signal ng mas seryosong problema. Maaaring may kaugnayan ito sa kaniyang mental health, physical health o di kaya'y emotional health. Madalas lang itong nao-overlook at hindi nagagamot dahil napagkakamalan itong normal na parte ng paglaki.
Source:https://www.shutterstock.com/image-photo/picture-depressed-teenage-girl-bullied-her-1532956559
Upang matulungan kang malaman kung stress at mood swings nga lang ang nararanasan ng iyong anak at hindi problema sa mental health, i-assess mo ang kaniyang kasalukuyang kalagayan. Narito ang ilang common signs at symptoms ng depression sa isang teenager:
- Pagpapahayag ng kalungkutan
- Kawalan ng kapanatagan, mababang pagpapahalaga sa sarili, o kawalan ng tiwala
- Apathy o kawalan ng interes
- Pag-iisip ng pagpapakamatay
- Pagkapagod, pagkawala ng sigasig
- Poor school performance
- Sa mas malalang kaso, maaaring nakakaranas sila ng delusional thinking at visual o auditory hallucinations
Kung kapansin-pansin ang mga sintomas na ito, mas malamang na ang problema ay depression at hindi lamang isang mood swing.
Ang depression sa mga bata at teenager ay nagagamot. Sa tulong ng tamang gamot, resources, at suporta, matutulungan mo ang iyong anak na malampasan ang mga problema at issues na dala ng adolescence.
Sources:
https://www.independent.co.uk/news/science/why-are-teenagers-so-moody-a6874856.html
https://polaristeen.com/articles/depression-vs-moodiness-in-teens
https://www.jcmh.org/how-to-know-when-your-child-is-depressed-and-what-you-can-do-to-help