Mga Work-Life Balance Tips na Magpapabuti sa Ating Mental Health

May 26, 2021

What is mental health? Ano nga ba ang kaugnayan nito sa work-life balance? Basahin ang mga sumusunod upang malaman kung ano nga ba ang kinalaman ng work-life balance sa pagkakaroon ng good mental health.

 

Mental Health Meaning

Ang mental health ay tumutukoy sa cognitive, behavioral, at emotional well-being ng isang tao. Ibig sabihin, the importance of mental health directly involves our thoughts, behaviors, and emotions Minsan, ginagamit ang term na “mental health” upang tumukoy sa absence ng mental disorder.

 

Ang mental health ay maaaring makaapekto sa ating pang-araw-araw na pamumuhay, relationships, at physical health. Ang pangangalaga sa ating mental health ay isang sign ng mental health awareness na makakatulong upang mapanatili natin ang ating kakayahan na i-enjoy ang buhay. Upang mangyari ito, kailangan natin ng balanse sa pagitan ng ating mga life activities, responsibilities, at efforts upang ma-achieve ang psychological resilience.

 

 

 

 

 

 

Work-Life Balance Defined

 

undefined

Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/female-workout-work-home-balance-life-731203036

 

Ang work-life balance ay naglalarawan sa ugnayan ng iyong trabaho at personal na buhay (kasama na ang iba’t iba mo pang commitments sa buhay), at kung paano nila naaapektuhan ang bawat isa. Sa madaling salita, ito ay ang pagkakaroon ng kapayapaan at balanse sa pagitan ng mga demands ng iyong trabaho at personal fulfillment at isang mas masayang buhay.

 

Ang Mental Health, Work-Life Balance, at ang Pandemic

Maraming pagbabago ang ating kinakaharap mula pa noong nakaraang taon dahil sa COVID-19 pandemic. Kung nakakaramdam ka ng kakaiba sa iyong overall mental health, o kung nahihirapan ka nang i-set ang boundaries sa pagitan ng iyong trabaho at buhay, siguro'y oras na upang umaksyon at mag-isip ng mga dapat gawin upang mabalanse mo ang mga bagay-bagay.

 

Kung di ka pa sigurado kung saan at paano magsisimula, check out these helpful tips na aming inipon kung paano mapa-prioritize ang iyong mental health.

 

Tips to Maintain a Work-Life Balance

 

  1. Matutong humindi.

Suriin ang iyong mga prayoridad sa trabaho at sa bahay at subukang paikliin ang iyong listahan ng mga dapat gawin. I-delegate ang mga aktibidad na hindi mo nae-enjoy at ibahagi ang iyong mga alalahanin at mga posibleng solusyon sa iyong boss o ibang katrabaho. Kapag huminto ka sa pagtanggap ng mga tasks “out of guilt” o ng “false sense of obligation,” magkakaroon ka ng mas maraming oras para sa mga aktibidad na makabuluhan sa iyo.

 

  1. Mahalin ang trabaho.

Ang pagiging masaya sa trabaho at pagmamahal sa iyong ginagawa ay isang overall productivity booster at nagpapabuti ng performance. Ang mga taong nasisiyahan sa kanilang mga trabaho ay sinasabi ring mas optimistic, motivated, mabilis matuto, at magaling magdesisyon.

 

  1. Huwag pabayaan ang kalusugan.

Pahalagahan mo ang iyong overall physical, emotional, at mental health. Kung nakakaranas ka ng anxiety o depression at sa tingin mo ay makakatulong sa iyo ang therapy, ilagay ito sa iyong schedule at siguraduhing mag-aattend ka sa sessions. Kung may nilalabanan ka naming isang chronic illness tulad ng diabetes at may mga araw na hindi mo kayang pumasok, huwag magdalawang-isip na magpahinga at uminom ng iyong prescribed medicines. Ang mga gamot tulad ng Ritemed Glimepiride at Ritemed Gliclazide ay mabisa sa sakit na Type-2 diabetes mellitus.

 

  1. Matulog ng maayos.

Ang pagtulog ay napakahalaga para sa ating mental health. Sa katunayan, ang pagtulog at ang mental health ay sinasabing “intrinsically linked.” Ang pagpupuyat ay pinaniniwalaang maaaring humantong sa maraming adverse mood effects tulad ng galit, pagkamayamutin, kalungkutan, at mental fatigue.

 

Poor work-life balance affects our mental health. Upang maiwasan ito, nakabubuting gawin ang mga tips na aming nabanggit. Tandaan, ang balanse ay importante sa ating buhay; sinisiguro nito ang ating paglago bilang isang tao at sine-secure ang ating mental peace at well-being. It also helps us lead a happy and contented life.

 

Sources:

https://www.forbes.com/sites/ashleystahl/2021/02/15/5-ways-to-prioritize-your-mental-health-and-achieve-work-life-balance/?sh=616a64d76e31

https://www.medicalnewstoday.com/articles/154543