Mahina ba ang iyong Immune System?

August 18, 2021

Bakit nga ba humihina ang immunity ng tao?

 

Ang ating immune system ay maaaring humina dahil sa pagkakaroon ng sakit at dahil na rin sa unhealthy lifestyle. Ang kakayahan ng iyong katawan na protektahan ang sarili ay maaaring makompromiso ng ilang factors tulad ng stress, sedentary lifestyle o kawalan ng physical activities, labis na pag eehersisyo, paninigarilyo, ultraviolet radiation, unhealthy diet, at labis na pag inom ng alcohol.

 

Warning Signs na Mahina ang Iyong Immune System

 

Pakiramdam mo ay pagod ka palagi. Mula sa isang simpleng kawalan ng pagtulog hanggang sa  chronic fatigue syndrome, maraming pwedeng dahilan ang pagkapagod. Kung hindi mo mawari kung bakit ka palaging pagod, maaaring dahil mahina ang iyong immune system.

 

Palagi kang may sakit. Hindi maiiwasan na tayo ay magkasakit lalo na sa mga buwan ng taglamig. Ngunit kung palagi kang nakikipaglaban sa iba't ibang mga karamdaman o isang paulit-ulit na sakit, ito ay isang hudyat na mahina ang iyong immunity. Kumunsulta sa doktor kung palagi kang may impeksyon sa pantog, mouth ulcer, sipon o trangkaso.

 

Mayroon kang allergies. Kung madalas kang nakakaranas ng masamang reaksyon sa mga pagkain o pamamantal sa balat, joint pain, at mga problema sa tiyan, maaaring may problema ang iyong immune system.

 

Matagal kang gumaling. Kung ang iyong mga sugat ay hindi gumagaling, maaaring dahil ito sa pagkakaroon ng mahinang immune system. Kadalasan, gumagaling na ang sugat pagkatapos ng isang linggo. Kung mas matagal dito ang paghilom ng iyong sugat, ang iyong katawan ay maaaring nagkakaproblema sa paglaban sa impeksyon.

 

undefined

Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/asian-woman-stomachache-feel-pain-period-716745874

 

Meron kang digestive problems. Ang iyong intestinal bacteria ay maaaring magkaroon ng direktang epekto sa iyong immune system. Kung nakakaranas ka ng madalas na pagtatae, ulcer, gas, bloating, cramping, o paninigas ng dumi, ito ay isang palatandaan na ang iyong immune system ay hindi gumagana ng maayos.

 

Palaging masakit ang iyong kasukasuan. Ang masakit na mga kasukasuan, kasabay ng lagnat, pagkapagod, pagpapawis sa gabi, pagkawala ng buhok at pamamaga ng mga lymph nodes, ay maaaring sintomas ng problema sa immune system. Kung nakakaranas ka ng alinman sa mga ito, magpatingin agad sa iyong doktor.

 

Tips Para Mapalakas ang Iyong Immune System

 

Ang isang mahinang immune system ay maaaring magkaroon ng direktang epekto sa kalidad ng iyong kalusugan. Upang mapalakas ang iyong immunity, sikaping magkaroon ng healthy lifestyle na binubuo ng balanced diet, sapat na tulog at pahinga, ehersisyo, at tamang pag kontrol sa stress.

 

Malaking tulong din sa pagpapatibay ng immune system ang pag inom ng mga vitamin supplements. Ang mga nutrients na Vitamin C at Zinc ay kilala sa pagpapalakas ng ating immune system. Isabay sa iyong balanced diet ang pag inom ng Vitamin C supplement tulad ng sodium ascorbate at ascorbic acid. Maari ring uminom ng Vitamin B at B complex para tulungang palakasin ang pangangatawan.

 

 

 

 

Sources:

https://businessmirror.com.ph/2019/02/14/6-warning-signs-of-a-weakened-immune-system/

https://www.pna.gov.ph/articles/1097953

https://www.everydayhealth.com/news/9-surprising-ways-youre-weakening-your-immune-system/

https://www.medicalnewstoday.com/articles/324930