Kung mayroong ilang kababaihan na nakakaranas ng kaunti o halos walang problema sa kanilang menstruation, marami ring mga babae ang may period problems at madalas na bumisita sa gynecologist dahil sa menstrual disorders.
Ang mga problemang ito ay iba-iba -- mula sa emosyonal hanggang sa pisikal, -- na nagpapahirap sa mga kababaihan na gumawa ng pang-araw-araw na gawain at kung minsan pa nga ay magtrabaho. Maraming kababaihan ang nakakaranas ng matinding sintomas na dulot ng disorders sa kanilang menstrual cycle, kabilang na rito ang migraine, heavy bleeding, at mood swings na madalas ay kailangang isangguni sa isang propesyonal. Kung ikaw ay nagkakaproblema tuwing ikaw ay may regla, narito ang mga bagay na kailangan mong malaman tungkol dito.
Ang ang Sanhi ng Menstrual Disorders?
Mayroong ilang bagay na maaaring magdulot ng severe menstrual disorders. Ang ang pinakamabisang paraan upang masolusyonan ito ay pagiging responsable para sa iyong kalusugan at ang regular na pagbisita sa isang gynecologist. Upang matukoy ang dahilan ng iyong menstrual disorder, magsasagawa sila ng ilang tests at assessments. Bagaman ang bawat menstrual disorder ay maaaring magkaroon ng magkakaibang dahilan, ang ilan sa kanila ay pamilyar na, at ilan na rito ang mga sumusunod:
- Hormonal imbalance
- Polycystic ovary syndrome (PCOS)
- Genetics
- Sexually transmitted diseases
- Uterine fibroids
- Cancer
Matapos kang suriin ng mabuti at magsagawa ng kinakailangang tests, ipapaalam na sa iyo ng iyong gynecologist ang resulta ng iyong diagnosis at ang naaangkop na treatment options.
Most Common Menstrual Disorders
Ang mga sintomas ng menstrual disorders ay maaaring magkakaiba sa bawat babae, ngunit sa pangkalahatan, mayroong ilang disorders na maaaring maranasan ng lahat ng mga kababaihan. Depende sa complexity ng bawat kaso, mahalagang malaman kung ano ang iyong problema at makahingi ng tulong sa isang propesyonal. Narito ang listahan ng pitong pinaka karaniwang menstrual disorders na nakakaapekto sa mga kababaihan:
- Premenstrual Syndrome
- Dysmenorrhea (painful periods)
- Abnormal uterine bleeding
- Amenorrhea (absence of menstrual bleeding)
- Oligomenorrhea (light or irregular menstruation)
- Menorrhagia (heavy or prolonged menstrual bleeding)
- Premenstrual dysphoric disorder
Depende kung anong na-diagnose sa iyo, magmumungkahi ang iyong doktor ng proper treatment option at tuturuan ka kung paano mapapagaan ang mga sintomas bago ka sumailalim sa isang serious procedure. Ang lahat ng disorders na ito ay maaaring makagambala sa pang-araw-araw na buhay ng isang babae kung kaya't ipinapayo na humingi ng tulong habang maaga pa.
Mga Karaniwang Sintomas ng Menstrual Disorders
Narito ang mga karaniwang sintomas ng mga nabanggit na menstrual disorders:
Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/asian-woman-having-painful-stomach-ache-1026117232
- Sakit/kirot at cramps
- Abnormal uterine bleeding
- Headache
- Abdominal bloating at "fullness"
- Depression
- Emotional distress
Kung nakakaranas ka ng ilan sa mga nasabing sintomas, kumonsulta agad sa isang espesyalista. Para naman makatulong sa pagpapawala ng sakit, maaari kang mag-take ng RM Mefenamic Acid. Mabisa ang gamot na ito sa pag-treat ng mild to moderate pain at dysmenorrhea.
Sources:
https://www.mountsinai.org/health-library/report/menstrual-disorders
https://www.kcobgyn.com/blog/four-abnormal-menstrual-periods