How to Deal with Body Pain

July 21, 2021

Matagal ka na bang namomroblema dahil sa iyong body pain? Narito ang ilang epektibong paraan at body pain medicines na tiyak na makakatulong sa iyong problema.

 

Ano ang Body Pain?

Ang body pain o pananakit ng katawan ay nangyayari kapag ang ating muscles, tendons, joints, at iba pang connective tissues ay nasasaktan. Ang madalas na dahilan nito ay ang pagiging overused ng mga nabanggit. Kapag nag-eehersisyo tayo o gumagawa ng “rigorous” activity, ang ating mga muscles ay maaaring sumakit sa loob ng ilang araw. Gayunpaman, ang ganitong uri ng sakit ay limitado lamang sa mga kalamnan na ginamit mo sa aktibidad.

 

Kapag mayroon kang body pain na sanhi ng ibang kondisyon sa kalusugan o medication, ang iyong muscle pain ay hindi limitado sa isang single muscle group. May mga gamot tulad ng statins at antibiotics na maaaring maging sanhi  ng pananakit ng katawan bilang isang epekto.

 

Narito ang ilang health conditions na nagsasanhi ng body pain:

 

  • Body Pain COVID - bagaman kasalukuyan pang pinag-aaralan ng mga eksperto ang mga posibleng sintomas ng sakit na ito, isa ang body pain sa kumpirmadong signs na mayroon kang coronavirus.

 

  • Influenza o Flu - ang pagkakaroon ng body aches ay isang sintomas ng flu (ito ang ipinagkaiba nito sa common cold).

 

  • Myofascial pain syndrome - ito ang dahilan ng inflammation sa muscular connective tissues na tinatawag na fascia.

 

  • Fibromyalgia - lalo na kung ang kirot at pananakit ay lumampas na sa tatlong buwan at hindi na nareremdyohan ng pain reliever medicines.

 

  • Thyroid problems - gaya ng hypothyroidism o hyperthyroidism

 

  • Autoimmune Disorders - dulot ito ng pag-atake ng ating katawan sa sarili nito. Ang kondisyon tulad ng lupus, dermatomyositis, at polymyositis ay maaaring mag-contribute sa pananakit ng kalamnan.

 

Medicine for Body Pain

 

undefined

Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/pharmacist-giving-tablets-senior-female-customer-749815951

 

Maliban sa pagpapagamot ng iyong medical condition na nagdudulot ng body pain, ang over-the-counter anti-inflammatories at body pain medicines tulad ng RM Mefenamic Acid ay makakatulong na i-relieve ang sakit na iyong nararamdaman.

 

Maliban sa nabanggit na medicine for pain reliever, ang iba pang body pain remedy ay ang sumusunod:

 

  • Pagre-relax

Kapag ang ating muscles ay tense, pinapataas nito ang pressure sa ating nerves at iba pang tissues, maging ang parte ng katawan na masakit. Dahil dito, mahalaga na mag-relax pag nakakaramdam ng pananakit ng katawan. Kapag nagpapahinga, nadadagdagan ang pagdaloy ng dugo sa ating katawan na nagbibigay sa atin ng mas maraming lakas. Tumutulong rin ito na pabagalin ang heart rate, pababain ang blood pressure, at paginhawahin ang tension.

 

  • Yelo o Cold Pack

Kung mayroong isang bahagi ng iyong katawan mas masakit, ang paggamit ng yelo o cold pack ay maaaring mag-alleviate ng sintomas. Ito ay mabisa sa pagbabawas ng sakit at pamamaga dahil kino-constrict ng lamig ang blood vessels at binabawasan ang circulation sa affected area.

 

  • Hot Bath

Pinapagalaw ng init ang ating dugo, na makakabuti hindi lang sa circulation nito kundi pati sa pagpapa-relax ng ating sore o tight muscles. Dahil dito, ang isang warm bath ay lubos na makakatulong sa pagpapa-relax ng ating kalamnan.

 

Sources:

 

https://www.healthline.com/health/muscle-aches#home-remedies

https://www.medicinenet.com/why_is_my_whole_body_aching/article.htm https://www.webmd.com/fitness-exercise/features/art-sore-muscles-joint-pain#1