Gamot sa ngalay, Vitamin B?

July 21, 2021

Ikaw ba ay nakakaranas ng pangangalay? Mahirap magpatuloy sa araw-araw na gawain kung ikaw ay nakakaranas ng ngalay sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

 

Ang ngalay ay ang pagkapagod at pangangawit na nararanasan ng kamay, balikat, batok, binti, likod at iba pang bahagi ng katawan.  Nakukuha ang ngalay sa paulit-ulit na paggalaw ng isang bahagi ng katawan. Maaari rin naman itong makuha sa matagal na hindi paggalaw. Kadalasan, ang ngalay ay nararanasan ng mga taong may trabahong manual labor tulad ng pagta-type, pag-eencode, pagbabalot ng produkto at pagsusulat.

 

 

Ano ang Vitamin B Complex at paano ito nakakagamot ng ngalay?

 

Ayon sa mga eksperto, isa sa mabisang solusyon sa ngalay ay ang pagkakaroon ng sapat na dami ng Vitamin B sa katawan. Vitamin B ang kailangan ng mga nerves upang magampanan ang kanilang function sa katawan. Ito rin ang tumutulong sa pagbuo ng protective covering sa paligid ng nerves para makaiwas sa nerve damage.

 

May iba’t ibang uri ng Vitamin B. Vitamin B complex ang tawag sa grupo ng B vitamins na binubuo ng B1 (thiamine), B2 (riboflavin), B3 (niacin), B5 (pantothenic acid), B6 (pyridoxine), B7 (biotin), B9 (folic acid) at B12 (cobalamin).  Bawat isa sa mga vitamins na ito ay nakakatulong sa overall function ng katawan.

 

Anu-ano ang mga Vitamin B Complex Benefits?

 

Bukod sa pagtulong maiwasan ang pangangalay, ang B complex vitamins ay may malaking ambag sa pagpapanatili ng overall health and well-being. Bilang building blocks ng malusog na pangangatawan, mayroong direct impact sa energy levels, cell metabolism, and brain function ang B vitamins.

 

Nakakatulong din ang Vitamin B complex sa pag-iwas sa infections habang sumusuporta sa good eyesight, muscle tone, maayos na nerve function, cell health, paglago ng red blood cells, healthy functioning of the brain, good appetite at production ng hormones and good cholesterol.

 

undefined

 

Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/natural-products-rich-vitamin-b6-healthy-532506721

 

Saan makukuha ang Vitamin B?

 

Maraming pagkain ang mayroong Vitamin B kaya madali lang ito maisama sa diet. Pinakamagandang makuha ito mula sa iba’t ibang variety ng food sources tulad ng gatas, keso, itlog, liver at kidney, chicken, red meat, isda, green vegetables, whole grains at cereals at mga prutas tulad ng banana, citrus at watermelon.

 

Para masiguro na sapat na Vitamin ang iyong nakukuha, ugaliin ang pag-inom ng RiteMED Vitamin B-Complex. Nakakatulong itong makaiwas sa ngalay at nerve pain. Mabuti ring kumonsulta muna sa doktor bago mag-take nito.

 

 

Iwasan ang pangangalay sa pamamagitan ng pagkain ng Vitamin B foods at pag inom ng Vitamin B complex supplement. Isabay ito sa pagkakaroon ng balanced diet at regular exercise.

 

 

 

Source:

 

https://www.medicalnewstoday.com/articles/325292#:~:text=B%20vitamins%20are%20important%20for,cells%2C%20and%20other%20body%20tissues.

https://www.healthline.com/health/food-nutrition/vitamin-b-complex

https://www.ritemed.com.ph/articles/paano-mawawala-ang-nginig-ngalay-at-pamamanhid-ng-kamay-ko