First Aid Essentials for Travellers

November 15, 2021

What is first aid?

Ang first aid o paunang lunas ay ang pagbibigay ng pangunahing magagawang tulong, kalinga, at pangangalaga sa mga taong napinsala ng sakuna o karamdaman.

 

Ano naman ang first aid kit?

Ang first-aid kit ay isang mahalagang bagay na dapat mayroon ka kapag ikaw ay bumabyahe, mapa-ibang probinsya man ito o bansa. Kapag malayo ka sa isang klinik o ospital, ang pagkakaroon ng tamang first aid items ay napaka importante.

 

Ang mga karaniwan na laman ng first aid kit ay mga bagay na kakailanganin mo para sa mild illnesses at injuries. Iba-iba ito; ngunit hindi naman ibig sabihin ay dapat mo nang bitbitin ang iyong buong medicine cabinet.

 

Una sa lahat, kumuha ng maliit na karton o zip-up bag at lagyan ito ng label. Pagkatapos, tipunin ang mga items na nakalista sa ibaba at kumuha lang ng "travel size" o "sample size," kung tawagin. 

 

Narito na ang lahat ng dapat mong ilagay sa iyong first-aid kit para maging handa ka sa anumang minor medical issues habang ikaw ay nagta-travel:

 

 

Mga Dapat Ilagay sa iyong First Aid Kit

 

undefined

Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/young-beautiful-chinese-girl-holding-first-1810955302

 

  1. Antibacterial wipes. Ang mga ito ay maaari niyong gamitin pampunas ng mga kamay at cleaning tools.
  2. Hand sanitizer. Bago hawakan ang anumang mga hiwa o gasgas, gumamit ng hand sanitizer na naglalaman ng 70% na alkohol. Ang mga disposable pack na ito ay mabilis rin na lumalamig upang mapawi ang mga bukol, pasa, at maliliit na paso.
  3. Pain reliever. Ang acetaminophen o ibuprofen ay nakakatulong para sa pananakit ng ulo o sprains.
  4. Gunting. Maaaring kailanganin mo ang tool na ito para gumupit ng gauze, bandages, o buksan ang mga pakete ng gamot.
  5. Self-adhesive wrap. Balutin ang namamagang tuhod, bukung-bukong, o iba pang mga pinsala gamit ang self-adhesive wrap, na hindi nangangailangan ng mga pin o iba pang tool.
  6. Thermometer. Gamitin ito para malaman kung may lagnat ka o ang isa sa iyong mga kasama at linisin ito gamit ang antibacterial wipe kapag tapos ka na.

 

Maliban sa mga ito, nirerekomenda rin ang pagkakaroon ng mga sumusunod para sa mga karaniwang problema kapag nasa byahe:

 

Para sa skin problems:

  • Aloe vera - para sa sunburn at irritated skin
  • Antibiotic ointment - nilalagay sa sugat bago lagyan ng bandage
  • Antiseptic - huwag kalimutan magdala ng Povidone Iodine para maiwasan ang impeksyon sa minor cuts, scrapes, at burns kung sakali.
  • Bandages - magdala ng small, medium, at large sizes
  • Calamine lotion - maaari nitong mapawi ang poison ivy, pantal, at iba pang itchy conditions
  • Gauze - para sa mas malalaking pinsala na nangangailangan ng higit pa sa isang bandage
  • Medical tape - kakailanganin para maikabit ang gauze sa balat.
  • Insect repellant - magdala ng Denguetrol para maprotektahan ang iyong sarili laban sa dengue-carrying mosquitoes

 

Para sa sakit ng tiyan:

  • Gamot sa motion sickness - kahit hindi ka nahihilo sa byahe, mahalaga pa rin na magtabi ka ng ilang tablet sa iyong first-aid kit kung sakali
  • Antacids - para sa heartburn o mild indigestion
  • Gamot laban sa pagtatae

 

Sa pamamagitan ng article na ito, umaasa kami na alam mo na ang importance of first aid kit, lalo na kung madalas kang mag-travel at magpunta sa malalayong lugar.

 

Ano pa ang hinihintay mo? Bili na ng mga medical items na nabanggit sa itaas upang handa na  ang iyong first aid kit para sa susunod mong gala.

 

 

 

Sources:

https://www.nhs.uk/common-health-questions/accidents-first-aid-and-treatments/what-should-i-keep-in-my-first-aid-kit

https://www.hopkinsmedicine.org/health/wellness-and-prevention/travelers-firstaid-kit

https://health.clevelandclinic.org/travel-first-aid-kit