Effects ng rainy season sa ating mental health

July 21, 2021

Tuwing tag-ulan, ang mga tao ay nag iingat[1]  laban sa mga nakakatakot na physical illnesses tulad ng dengue, cholera, leptospirosis, malaria at flu. Subalit bukod pala sa mga sakit ng katawan na ito, ang rainy season ay maaari ring makaapekto sa ating mental health. 

 

May kinalaman nga ba ang madilim at malungkot na ambiance ng paligid tuwing wet weather sa mental health ng tao?  Alamin ang importance of mental health lalo na sa panahon ng tag-ulan. Anu-ano ba ang maaaring gawin upang mapangalagaan ang kalusugan ng ating isipan during rainy days.

 

 

What is mental health

 

Mahalagang maintindihan ang mental health meaning para malaman kung paano mapoprotektahan ang aspetong ito ng kalusugan. Ang mental health ay binubuo ng  emotional, psychological at social na kalusugan ng tao. Ito ay may kinalaman sa kung paano tayo mag isip, mag handle ng emotions at makisalamuha sa ibang tao.

 

Kapag mentally healthy ang tao, kaya niyang makamit ang kanyang full potential sa trabaho o sa pag-aaral. Kaya rin niyang maging produktibong miyembro ng komunidad at kaya nyang malampasan ang mga stress na nararanasan sa buhay.

 

 

 

Nakakaapekto ba ang weather sa mental health?

 

Ang kawalan ng sunlight at malamig na hangin tuwing tag-ulan ay maaaring makaapekto sa mood ng tao. Ang mga factors na ito ay maaaring maka contribute sa pagka inactive ng tao. Tinatawag ring “bed weather”, ang tag-ulan ay nakakahikayat sa mga tao na manatili lang sa bahay, matulog at huwag kumilos.  Ito ay maaari ring makaapekto sa mood ng tao.

 

Ang mga ito ay normal na reaction kapag umuulan. Ngunit may ibang mas malaking mental risks ang pwedeng idulot ng rainy season. Isa na rito ang tinatawag na Seasonal Affective Disorder o SAD. Ang SAD ay isang klase ng depression na may kinalaman sa pagpalit ng panahon. 

 

Ilan sa mga sintomas ng Seasonal Affective Disorder ay ang pagkawala ng interes sa mga activities na dati ay gusto mong gawin, mababang energy level, problema sa pagtulog, pagbabago sa appetite, pagiging iritable, hirap sa pag focus, pagkawala ng pag asa at pagkakaroon ng suicide thoughts.

 

Ilan sa mga posibleng dahilan ng depression na ito ay ang pagbaba ng serotonin level na dulot ng kawalan ng exposure sa sunlight.  Ang serotonin ay isang brain chemical na nakakaapekto sa mood ng tao.  Kapag mababa ang serotonin level, maaring maka trigger ng depression.

 

Isa pang posibleng dahilan ng depression ay ang pagbabago sa melatonin level na dulot ng pagbabago ng panahon. Ang melatonin ay hormones na maaring makaapekto sa sleep patterns at mood ng tao.

 

undefined

Source:   https://www.shutterstock.com/image-photo/smiley-girl-watching-funny-content-smart-1038936118

 

 

Paano mapapangalagaan ang mental health tuwing tag-ulan?

 

Maraming maaring gawin para proteksyonan ang mental health sa panahon ng tag-ulan. Mahalagang panatilihing malusog ang pangangatawan at isipan sa tulong ng mga sumusunod na healthy habits:

  • Gawing regular ang pag eehersisyo.
  • Ang mental health problems tulad ng depression at anxiety ay maaaring magdulot ng physical sickness.  Palakasin ang resistensya laban sa sakit sa pamamagitan ng pagkain ng healthy balanced diet at pag inom ng vitamin supplements.
  • Makipag usap sa ibang tao lalo na sa mga pinagkakatiwalaang pamilya at mga kaibigan. Huwag magkulong mag isa sa bahay. Sa panahon ng pandemic, maaari kang kumonekta sa mga kakilala sa pamamagitan ng video calls.
  • Kung naaapektuhan na ang iyong pagkain at pagtulog, kumunsulta agad sa mental health specialist. Makakatulong ito para mabigyan ka ng tamang coping techniques or treatment.

 

 

Mahalaga ang mental health awareness para maprotektahan ang ating overall health and wellbeing.  Bukod sa tamang alaga sa katawan, importante ring maalagaan ang mental health tuwing tag-ulan para patuloy na maging produktibo sa mga araw-araw na gawain.

 

 

Sources:

https://www.webmd.com/balance/features/can-rainy-days-really-get-you-down

https://www.everydayhealth.com/columns/therese-borchard-sanity-break/does-weather-affect-your-mood/

https://www.psychologytoday.com/intl/blog/the-human-beast/202004/why-weather-affects-mood

https://www.mentalhealth.gov/basics/what-is-mental-health

https://www.harmonybaywellness.com/mental-health-blog/the-effect-of-weather-on-your-mood/