Anong Dose ng Vitamin C ang dapat kong inumin sa Araw-araw?

September 09, 2021

Ang Vitamin C ay bitamina na nakakatulong sa pagpapalakas ng immune system. Isa rin itong antioxidant na mahalaga sa pagpapanatili ng iba’t ibang proseso ng katawan tulad ng pagpapababa ng blood pressure, panlaban sa pamamaga at paggawa ng collagen.

 

Dahil mahalagang may sapat na Vitamin C ang ating katawan, kailangan nating kumain ng mga pagkain na mayaman sa Vitamin C. Ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon ay nakakakain tayo ng mga pagkain na may sapat na vitamin C. Kaya naman, nakakatulong din ang pag inom ng Vitamin C supplement tulad ng sodium ascorbate at ascorbic acid.

 

 

Ang mga Vitamin C supplements tulad ng ascorbic acid, calcium ascorbate, sodium ascorbate ay mahalaga sa maintenance ng ating immune system. Ang bitaminang ito ay mainam na panangga laban sa cellular damage dala ng mga free radicals. Ang vitamin C ay nakakatulong din sa pagprotekta ng katawan laban sa impeksyon. Ito rin ay nakakatulong sa pag absorb ng zinc at iron.

 

Gaano karaming Vitamin C ang kailangan araw-araw?

 

Para makuha ang sinasabing Vitamin C immunity, kailangan ng sapat na dami ng vitamin C ng iyong katawan araw-araw. Ang dosage ng Vitamin C n kailangan ng isang tao sa araw-araw ay nakadepende sa kanyang edad.

 

Para sa mga adults, ang recommended dietary allowance (RDA) para sa Vitamin C ay 90 mg (para sa mga lalaki) at 75 mg (para sa mga babae).

 

Iba rin ang RDA ng Vitamin C para sa mga buntis at nagpapa breastfeed:

 

  • 14–18 taong gulang: 80 mg (buntis), 115 mg (breastfeeding)
  • 19 taong gulang pataas: 85 mg (buntis), 120 (breastfeeding)

 

undefined

Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/portrait-pretty-woman-holding-glass-tasty-442550770

 

Masama bang uminom ng sobrang Vitamin C?

 

Madalas ay ligtas ang pag inom ng ascorbic acid or sodium ascorbate sa kahit anong oras. Ngunit, ang labis na Vitamin C sa katawan maaari ring magkaroon ng mga negatibong epekto. Sa mga may edad 19 taong gulang pataas, ang pag inom ng lagpas 2,000 mg ng Vitamin C ay maaaring magdulot ng kidney stones, nutrient imbalance, at bone spurs. Kaya siguraduhing sundin ang sapat na dosage ng Vitamin C na angkop para sa iyong edad.

 

Para laging malakas ang iyong immune system, ugaliin ang pagkain ng healthy food na mayaman sa Vitamin C.  Sabayan ang iyong balanced diet ng pag inom ng vitamin C supplements para makasigurong sapat ang Vitamin C na iyong nakukuha.

 

 

Sources:

https://www.news-medical.net/health/How-Much-Vitamin-C-Should-I-Take.aspx

https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/nutrition-and-healthy-eating/expert-answers/vitamin-c/faq-20058030

https://www.medicalnewstoday.com/articles/326249#recommended-dosage

https://www.medicalnewstoday.com/articles/319556#other-supplements

https://www.healthline.com/nutrition/best-time-to-take-vitamins#fat-soluble-vitamins