Ano ang Sanhi ng Autism?

November 15, 2021

Autism Meaning

Ang autism, na tinatawag ring autism spectrum disorder (ASD), ay isang komplikadong kondisyon na kinabibilangan ng mga problema sa komunikasyon at pag-uugali. Maaari itong magsama ng malawak na hanay ng mga sintomas at kasanayan. Ang autism ay maaaring isang maliit na problema o isang kapansanan na nangangailangan ng full-time care sa isang special facility.

 

Ang mga taong may autism ay may problema sa komunikasyon. Nahihirapan silang maunawaan kung ano ang iniisip at nararamdaman ng ibang tao. Dahil dito, nahihirapan silang ipahayag ang kanilang sarili, sa pamamagitan man ng mga salita o mga galaw, facial expressions, at pandama.

 

Ang mga taong may autism ay maaaring magkaroon ng mga problema sa pag-aaral. Ang kanilang mga kasanayan ay maaari ring mag-develop nang hindi sabay. Halimbawa, maaari silang magkaroon ng problema sa pakikipag-usap ngunit napakahusay sa sining, musika, matematika, o memorya. Dahil dito, maaari silang maging mahusay sa tests of analysis o problem solving.

 

Mas maraming bata ang na-diagnose na may autism ngayon kaysa dati. Ngunit ang mga pinakabagong numero ay maaaring mas mataas dahil sa mga pagbabago sa kung paano ito na-diagnose, hindi dahil mas maraming bata ang may disorder.

 

 

Signs of Autism

Ang early signs of autism ay madalas na lumalabas bago mag tatlong taon ang isang bata. Gayunpaman, may ilang pagkakataon na sanggol pa lang ay nakikitaan na ng autism symptoms ang isang indibidwal.

 

undefined

Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/little-boy-sitting-corner-room-feeling-1423016582

 

Ang pinaka karaniwang sintomas ng autism ay:

  • Kakulangan ng eye contact
  • Kawalan ng interes o matinding interes sa ilang partikular na paksa
  • Paulit-ulit na paggawa ng isang bagay,
  • Mataas na sensitivity sa mga tunog, hawakan, amoy, o mga tanawin na tila karaniwan sa ibang tao
  • Hindi tumitingin o nakikinig sa ibang tao
  • Hindi tumitingin sa mga bagay kapag tinuturo sila ng ibang tao
  • Ayaw hawakan o yakapin
  • Mga problema sa pag-unawa o paggamit ng pananalita, kilos, ekspresyon ng mukha, o tono ng boses
  • Nagsasalita sa isang sing-song, flat, o robotic na boses
  • Problema sa pag-angkop sa mga pagbabago sa nakagawian

 

Autism Causes

Ang eksakto dahilan kung bakit nangyayari ang autism ay hindi pa malinaw. Maaari itong magmula sa mga problema sa mga bahagi ng iyong utak na nagbibigay kahulugan sa sensory input at proseso ng wika.

 

Ang autism ay apat na beses na mas karaniwan sa mga lalaki kaysa sa mga babae. Maaari itong mangyari sa mga tao ng anumang lahi, etnisidad, o panlipunang background. Ang kita ng pamilya, pamumuhay, o antas ng edukasyon ay hindi nakakaapekto sa panganib ng autism ng isang bata. Ngunit mayroong ilang risk factors:

 

  1. Ang autism ay namamana, kung kaya’t ang ilang kumbinasyon ng mga gene ay maaaring magpapataas ng panganib ng isang bata.
  2. Ang isang bata na may mas matandang magulang ay may mas mataas na panganib ng autism.
  3. Ang mga babaeng buntis na na-expose sa ilang partikular na gamot o kemikal, tulad ng alcohol o anti-seizure medications, ay mas malaki ang posibilidad na magkaroon ng autistic na mga anak.

 

Ang iba pang risk factors ay kinabibilangan ng maternal metabolic conditions tulad ng diabetes at labis na katabaan (obesity). Iniugnay din ng pananaliksik ang autism sa untreated phenylketonuria (tinatawag ding PKU, isang metabolic disorder na sanhi ng kawalan ng enzyme) at rubella (German measles).

 

 

Sources:

https://www.webmd.com/brain/autism/understanding-autism-basics

http://autismpartnershipph.com/en/about-autism/cause-prevalence-prognosis-and-recovery