Autism Meaning
Ang umbrella term para sa grupo ng mga complex neurodevelopmental disorders na bumubuo sa autism ay “Autism Spectrum Disorder” o ASD. Ito ay isang kondisyon na nakakaapekto sa komunikasyon at pag-uugali.
Ang autism spectrum ay tumutukoy sa iba't ibang potensyal na pagkakaiba, kasanayan, at antas ng kakayahan na mayroon ang mga taong autistic.
Sa Pilipinas, base sa ibinigay na formula at extrapolation ng datos, humigit-kumulang 156,000 na Pilipino ang lumabas na may signs of autism.
Ang mga pagkakaiba sa mga taong autistic ay madalas na naroroon na mula sa early childhood at maaaring makaapekto sa pang-araw-araw na functioning.
Apat na Uri ng Autism Spectrum Disorders
Ang mga uri na ito ay dating itinuturing na magkakahiwalay na mga kondisyon. Ngayon, sila ay nasa ilalim na ng hanay ng autism spectrum disorder:
- Asperger's syndrome
Ang mga batang mayroon nito ay walang problema sa wika; sa katunayan, sila ay may posibilidad na makakuha ng marka sa average o above-average range pagdating sa intelligence tests. Ngunit mayroon social problems at isang makitid scope of interests.
- Autistic disorder
Ito ang iniisip ng karamihan sa atin kapag naririnig ang salitang "autism." Ito ay tumutukoy sa mga problema sa pakikipag-ugnayan sa lipunan, komunikasyon, at paglalaro sa mga batang wala pang tatlong taong gulang.
- Childhood disintegrative disorder
Ang mga batang mayroon nito ay may karaniwang development nang hindi bababa sa dalawang taon, at pagkatapos ay nawawala ang ilan o karamihan sa kanilang mga communication and social abilities.
- Pervasive developmental disorder (PDD or atypical autism)
Maaaring gamitin ng mga doktor ang terminong ito kung ang isang bata ay may ilang autistic na pag-uugali, tulad ng mga pagkaantala sa social at communications skills, ngunit hindi nababagay sa ibang kategorya.
Hamon sa mga Taong may Autism
Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/angry-asian-cute-girl-screaming-after-788165872
Maaaring maranasan ng mga taong autistic ang mga sumusunod na hamon:
- Nagkakaroon ng problema sa pakikipag-usap at pakikipag-ugnayan sa iba
- Pagpapakita ng paulit-ulit na pag-uugali
- Nahihirapang mag-function sa ilang bahagi ng kanilang buhay
Ang mga pagkakaiba sa mga taong may ASD ay karaniwang lumilitaw sa unang dalawang taon ng buhay. Ito rin ay tatlo hanggang apat na beses na mas karaniwan sa mga lalaki kaysa sa mga babae, bagama't ang ilang pananaliksik ay nagpapahiwatig na ito ay maaaring dahil sa bias; dahil ang ilang autistic na batang babae ay maaaring hindi masuri.
Autism Symptoms
Ayon sa National Institute of Mental Health, ang early signs of autism ay kinabibilangan ng:
- Kaunti o inconsistent eye contact
- Hindi pagbabahagi ng kasiyahan sa mga bagay o aktibidad sa pamamagitan ng pagturo o pagpapakita ng mga bagay sa ibang tao
- Kahirapan sa pagtugon kapag kinukuha ang atensyon
- Kahirapan sa back and forth na communication
- Nagsasalita ng mahaba nang hindi inaalam ang interes ng iba
- Isang flat tone na boses
- Kahirapan sa perspective-taking
- Sensory sensitivities
- Pag-uulit ng ilang gawi, salita, o parirala
- Matinding interes sa mga partikular na bagay
- Nagiging balisa sa mga pagbabago sa nakagawian
- Problema sa pagtulog
Upang lubos na matuto tungkol sa autism spectrum disorder at sa mga uri nito, bisitahin lang ang aming website. Maliban sa aming quality and affordable products, mayroon din kaming helpful articles na maari niyong mapakinabangan.
Sources:
https://www.webmd.com/brain/autism/understanding-autism-basics
https://www.medicalnewstoday.com/articles/types-of-autism#diagnosis-and-levels