Ano ang Pinagkaiba ng Ibuprofen sa Paracetamol? | RiteMED

Ano ang Pinagkaiba ng Ibuprofen sa Paracetamol?

June 19, 2019

Ano ang Pinagkaiba ng Ibuprofen sa Paracetamol?

Kadalasan, para sa simpleng lagnat o pananakit ng katawan natin ginagamit ang ibuprofen at paracetamol. Pero alam nga ba natin ang tunay na pinagkaiba ng dalawa at kung para saan ba ang mga ito?

Ang ibuprofen at paracetamol ay parehong may mga bahaging ginagampanan sa oras na may sumasakit sa katawan. Ang mga ito ay nagpapawala ng mild to moderate pain. Kapwa rin nilang inaalis ang mga sintomas ng sakit. Sa kabila ng pagkakapareho ng mga ito, mayroon silang iba't ibang mga epekto para tuluyang mabigyang-ginhawa ang katawan.

Ibuprofen

Ang ibuprofen ay nakakapagtanggal ng pamamaga.  Ito ay isang nonsteroidal anti-inflammatory drug (NSAID) na ginagamit para mabawasan ang pananakit ng katawang sanhi ng dalawang bagay; maaaring sensyales ng impeksyon sa katawan o resulta ng pinsalang nangyari sa katawan lalo na sa muscles.

Madalas ang taong may rayuma at arthritis ay nireresetahan ng ibuprofen para maibsan ang sintomas ng mga kondisyong nabanggit. Ang paracetamol sa matatanda ay nagkakaiba. Mayroong mga paracetamol tablet na ginagamit para bumaba ang lagnat at mawala ang sakit na nararamdaman sa katawan. Mayroon din namang paracetamol na may kasamang ibuprofen para sa mas matitinding sakit sa muscles gaya ng arthritis, rheumatism, sprain, strain, bursitis, tendinitis, back ache, at stiff neck.

Ito rin ay ginagamit ng mga kababaihang nakakaranas ng pananakit ng pusong dala ng buwanang daloy. Ang ibuprofen ay gamot din sa pananakit ng mga kalamnan, pananakit kapag may natamong injury, pananakit ng ngipin, at pananakit matapos ang isang operasyon. Ito ay maaaring tableta, capsule, syrup, gel o creams, o spray.

Paracetamol

Ang paracetamol, sa kabilang banda, ay isang mild painkiller o analgesic, na tinatawag ding acetaminophen. Mabisa itong panlaban sa lagnat, pang-alis ng sakit ng ngipin, sakit ng ulo, at joint and muscle pain. Hindi tulad ng ibuprofen, maaaring inumin ang paracetamol kahit walang lamang pagkain ang inyong tiyan. Ang paracetamol ay maaaring naka-tablet, capsule, syrup na madalas para sa mga bata, soluble tablets, suppositories, o intravenous injection.

Difference of Ibuprofen and Paracetamol

Sa loob ng ilang taong ginagamit ang paracetamol at ibuprofen ay hindi pa rin tuluyang nauunawaan ng kabuuang epekto ng mga nito. Kilala man ang dalawang gamot sa pagpapababa ng lagnat at pagpapahupa ng sakit sa katawan ay malaki ang kaibahan nito sa nadudulot na kagalingan sa taong gumagamit.

Ang paracetamol ay ang siguradong sagot sa tumataas na lagnat at kumikirot na pangangatawan, ngunit hindi kagaya ng ibuprofen ay may mas malalim ang ginhawang dala sa kabila ng ilang araw na gamutan para tuluyang maranasan ang bisa nito.

Ayon sa pag- aaral, binabawasan ng paracetamol ang level ng sakit na nagpapadala ng mga pain signals sa  ating utak. Samantala, ang ibuprofen naman ay nakakatulong para mabawasan ang pamamaga sa pamamagitan ng pagharang sa daluyan ng gawaan ng prostaglandins - isang natural na kemikal na nilalabas ng katawan sa tuwing nilalagnat, may masakit, o pamamaga.

Ibuprofen vs. Paracetamol

Pareho man silang painkiller, ang pangunahing trabaho ng paracetamol ay pumuksa ng sakit, at hindi ng pamamaga na siyang gawain naman ng ibuprofen. Anumang kaibahan ng dalawang gamot ay hindi nangangahulugan na ang isa ay mas mabisa kaysa sa isa. Naririto ang ilan pa sa mga pantukoy na pwede ninyong suriin:

  1. Ang paracetamol ay ligtas sa nagdadalantao, ang ibuprofen ay hindi. Kung ikaw ay nagbubuntis at nakakaramdam ng sakit sa anumang bahagi ng katawan, ang paracetamol ang pinakaligtas na gamot na inumin. Bago pa man uminom, siguraduhing mayroon pahintulot mula sa obstetrician. Ang paracetamol ay ginagamit nang regular sa anumang bahagi ng pagbubuntis. Gamitin lang ang pinakamababang dosage nito at kung maaari sa pinakamaikling panahon lamang.
  2. Ang paracetamol ay maaaring inumin kahit wala pang laman ang tiyan, ang ibuprofen ay hindi. Napag-alamang mas matapang sa sikmura ang ibuprofen kaya kailangan munang kumain bago ito inumin.
  3. Sa loob ng isang oras, makakaramdam na ng ginhawa matapos uminom ng paracetamol, samantalang agarang-ginhawa naman ang nakukuha sa pag-inom ng ibuprofen. Tandaan na para sa ibuprofen, depende sa pinsala ang pawawala ng pamamaga. Kung minsan ay umaabot pa ito ng tatlong linggo. Mabuting ikonsulta muna sa doktor kung angkop ba sa iyong kondisyon ang sunod-sunod na pag-inom ng ibuprofen.
  4. Magkaiba ang posibleng side effects ng parehong gamot. Para sa paracetamol, ilan sa mga ito ang:
  • Allergic reactions;
  • Pamumula;
  • Low blood pressure;
  • Mablis na pagtibok ng puso; o
  • Pagkasira ng liver at kidney kapag nasobrahan sa pag-inom nito labas sa reseta ng doktor.

           Sa pag-inom ng ibuprofen, ilan naman sa side effects nito ay:

  • Nausea;
  • Constipation o diarrhea;
  • Sakit sa tiyan;
  • Headache;
  • Bloating o fluid retention;
  • Pamamaga ng kalamnan o gastritis;
  • Stomach ulcer;
  • Rashes;
  • Pagsumpong ng hika; o
  • Kidney failure.
  1. Sa overdose, ang ibuprofen ay maaaring humantong sa stroke o heart attack. Sa paracetamol, madalas nagkakaroon lamang ng pakiramdam na nilalagnat, nausea, at pananakit ng tiyan.
  2. Ang mga paracetamol syrup ay karaniwang ginagamit na painkiller para sa mga bata. Hindi inirerekomenda ang ibuprofen para sa mga sanggol 6 na buwang gulang pababa.

Mga dapat tandaan sa pag- inom ng ibuprofen at paracetamol

Bago uminom ng ibuprofen at paracetamol para sa pang matagalang gamutan gaya ng sa pagkakaroon ng injury o bilang parte ng post-operation medicines, mahalagang alamin muna ang mga sumusunod na kondisyon:

  • Allergic reaction ng katawan sa ibuprofen at paracetamol;
  • Kondisyon ng atay at bato;
  • Altapresyon o sakit sa puso;
  • Problema sa dugo;
  • Kasaysayan ng stroke o atake sa puso;
  • Diabetes;
  • Problema sa panunaw o ulcer;
  • Namamanas na bahagi ng katawan; at
  • Hika.

Mahalaga na ang bawat desisyong gagawin natin sa ating katawan ay may kaakibat na payo mula sa ating mga doktor at hindi lang base sa pakiramdam o sabi ng iba. Simpleng mga gamot man kung ituturing ang paracetamol at ibuprofen importante pa ring isipin ang magiging reaksyon ng ating katawan sa mga nasabing gamot. Wag mahihiyang magtanong sa iyong doktor kung alin dito ang mas angkop sa iyong kondisyon.

Sources:

http://kalusugan.ph/gamot/ibuprofen-paracetamol-alaxan/

https://www.londondoctorsclinic.co.uk/blog/ibuprofen-vs-paracetamol/https://www.medibank.com.au/livebetter/health-brief/health-check/paracetamol-vs-ibuprofen

https://www.sharecare.com/health/acetaminophen/difference-between-paracetamol-and-ibuprofen

https://beta.nhs.uk/medicines/paracetamol-for-adults/

 

 


What do you think of this article?