Sa mga pampublikong sasakyan, malls, sa opisina, at maging sa mga paaralan, agad tayong naaalerto at napapatakip ng ilong at bibig kapag nakakarinig ng pag-ubo. Ito ay dahil isang pamamaraan ang pag-ubo sa paglaganap ng iba’t ibang virus na nagdudulot ng iba’t ibang airborne diseases o mga infection.
Kaya naman doble-ingat tayo sa ganitong mga pagkakataon. Umiiwas kaagad tayo at nag-iingat sa posibilidad ng pagkahawa sa kung anumang sanhi ng nararanasang ubo dahil alam natin ang epektong dulot nito hindi lamang sa ating katawan ngunit maging sa ating paligid.
At dahil may mga panahong hindi ito maiiwasan, makakabuting mayroon tayong sapat na kaalaman tungkol dito. Alamin natin kung ano nga ba ang sanhi ng ubo, mga iba’t ibang uri nito, at papaano ito malulunasan.
Ano nga ba ang ubo at ang mga sanhi nito?
Ang cough o ubo ay natural reflex ng katawan upang mailabas ang anumang harang na nakakasagabal sa daluyan ng hininga at nagiging sanhi ng pagkairita ng lalamunan. Ang pagkakaroon ng ubo ay sintomas na hindi madaling itago dahil sinasabayan ito ng pabugang tunog na senyales ng nararamdamang iritasyon. Ito ay karaniwang nagtatagal lamang ng ilang oras hanggang ilang araw at kusang nalalabanan ng katawan. Mayroon ding pagkakataon na tumatagal ito ng ilang linggo at buwan dahil sintomas ito ng mas malalim na karamdaman tulad ng asthma, pneumonia, tuberculosis, laryngitis, iba pang problema sa baga, at mga sakit na may kinalaman sa paghinga.
Bukod sa mga taong may mababang resistensya, maaari rin itong maranasan ng mga taong may malusog na pangangatawan dahil sa hindi maiiwasang polusyon sa mga kalsada’t komunidad, usok na mula sa sigarilyo at sasakyan, at pabago-bagong klima tulad ng tag-lamig kung saan nagiging common ang paglaganap ng mga virus at bacteria. Mabilis itong kumalat sa hangin lalo na kung hindi magtatakip ng ilong at bibig ang taong mayroon nito.
Madalas nararamdaman nang sabay ang itchy throat, fever, cough, at sakit sa ulo at katawan kaya hinahanapan agad natin ito ng lunas. Gumagamit din tayo ng lakas kapag inuubo kaya naman kapag tumatagal ito, nakakaranas tayo ng pagkapagod at panghihina sa iba pang parte ng ating katawan.
Kaibahan ng Wet at Dry Cough
Masasabing wet cough ang ubo kapag mayroon itong kasamang plema. At dahil may plema, ang boses, paghinga, maging ang pakiramdam sa dibdib ay naaapektuhan. Isa ang pagsikip ng dibdib sa indikasyon ng wet cough. Maaaring makaranas din ng rattling sound o dagundong na tunog sa daluyan ng hangin.
Kapag mayroong wet cough, nangangahulugan ito na sinusubukang alisin ng katawan sa pamamagitan ng pag-ubo ang fluid na sanhi ng mucus o plema na bumababa na sa iyong lower respiratory tract. Ang malapot na consistency ng plema ay paraan ng katawan upang makulong at maipit ang mga organismong may dalang bacteria o virus at maisama ito kasabay ng paglabas ng plema. Madalas na sanhi nito ay colds at flu. Kapag tumatagal na, ito ay posibleng dulot na ng bronchitis, COPD o chronic obstructive pulmonary disease, pneumonia, at iba pang mas seryosong sakit.
Sa kabilang banda, may uri din ng ubo na hindi naglalabas ng mucus o plema na kung tawagin ay dry cough. Ito ay madalas nagdudulot ng pangangati at pagkagasgas ng lalamunang sanhi ng maya’t mayang pag-ubo kahit wala namang nailalabas na plema. Karaniwang gumagaling agad ito sa loob lamang ng ilang araw o linggo. Isa sa mga sanhi ng dry cough ay polusyon, paninigarilyo, irritating chemicals, allergies, at asthma. Maraming meds for dry cough ngunit malaking tulong pa rin ang pag-iwas sa mga ito sa pamamagitan ng pagpapanatiling malinis ang kapaligiran lalo na kung ang iyong ubo ay dulot ng allergy sa alikabok.
Iba’t Ibang Lunas para sa Ubo
Anuman ang uri ng ubong nararanasan, nararapat lamang na tayo’y handa at may sapat na kaalaman kung ano ang mga mabisang cough and cold remedy.
Isang karaniwang home remedy for cough with phlegm ay ang pag-inom ng tubig. Ang tubig ay nagbibigay ng banayad na tulak sa kung anumang nakabara sa daluyan ng ating hininga, kaya naman nakararanas tayo ng bahagyang ginhawa kapag umiinom ng tubig. Isa ring mabisang remedy ang ginger for cough. Ang ginger o luya ay mayroong anti-inflammatory properties na nakakatulong para maibsan ang pamamaga ng lalamunan at ang madalas na pag-ubo. Madalas ay ibinibigay ito sa pasyente bilang mainit na tsaa.
Kapag bata naman ang mayroong ubo, home remedy for cough for baby ang pagbibigay ng warm clear fluids tulad ng lemonade. Ang Vitamin C na taglay ng lemon ay mainam para makapagpalakas ng immune system ng mga bata. Ginagamit din ang kalahati hanggang isang kutsarang honey para panipisin ang plema at paluwangin ang ubo. Tiyakin munang ikonsulta sa pediatrician ang home remedies na gagawin para sa mga sanggol para makasiguradong angkop ito sa kanilang edad at kondisyon.
Kapag ang ubo ay hindi pa rin nawawala matapos gawin ang mga home remedies na nabanggit, ang RM Stop Cough Lagundi ay isang mabisang herbal medicine na ginagamit para sa mas natural na treatment laban sa common colds at flu. Mayroon itong 600 mg. tablets para sa mga matatanda at 300 mg./5mL. syrup para sa mga batang may edad dalawa hanggang 12 years old.
Nararapat lamang na kumonsulta sa doktor upang mabigyan ng best medicine for cough kapag nagtutuloy-tuloy ang mga sintomas. Isa sa mga pangkaraniwang gamot na ibinibigay ng mga doktor ang mucolytics. Ang mucolytic ay uri ng gamot na nagpapanipis at nagpapalabnaw sa plema upang hindi ito mahirap ilabas.
Narito ang cough medicine list na maaring irekomenda ng doktor bilang pangunahing lunas sa ubo:
Ang kaalaman kung ano at papaano gagamutin ang ubo ay makatutulong upang hindi na ito lalong lumala pa. Huwag mahiyang kumonsulta sa doktor at mag-imbak ng sapat na gamot sa bahay para sa mga pagkakataong ito. Makatutulong din ang pagiging alerto upang maiwasan ang pagkahawa at pagkakasakit.
Sources:
https://www.medicalnewstoday.com/articles/324912.php
https://www.health.harvard.edu/diseases-and-conditions/cracking-the-cough-code
https://www.healthline.com/health/wet-cough#causes
https://www.medicalnewstoday.com/articles/324912.php
https://www.medicalnewstoday.com/articles/322394.php
https://www.seattlechildrens.org/conditions/a-z/coughs-meds-or-home-remedie