Paano Palakasin ang Puso

July 21, 2021

Ang pagiging physically active ay isang pangunahing hakbang tungo sa good heart health. Isa itong mabisang paraan para palakasin ang ating heart muscle, panatilihin ang ating timbang, at maiwasan ang pinsala sa ating arteries na dulot ng mataas na cholesterol, blood sugar, at blood pressure na maaaring humantong sa atake sa puso o stroke.

 

Totoo rin na kailangan ang iba't ibang uri ng ehersisyo dahil nakakapagbigay ang mga ito ng kumpletong fitness. Ang aerobic exercise ay isa sa most recommended activities ng mga eksperto. Alamin natin ang kahalagahan ng ehersisyong ito at ng iba pang uri ng physical activities na magpapanatili ng ating cardiovascular system at heart health sa pamamagitan ng article na ito.

 

Mga Ehersisyo at Aktibidad na Maganda sa Cardiovascular at Heart Health

 

  • Aerobic Exercise

Ang aerobic exercise ay nagpapabuti sa sirkulasyon ng dugo na nagreresulta sa mababang blood pressure at heart rate. Pinapataas rin nito ang ating pangkalahatang fitness (na nasusukat gamit ang isang treadmill test) at tinutulungan ang ating cardiac output (kung gaano kahusay mag-pump ang ating puso). Binabawasan rin ng aerobic exercise ang panganib na magkaroon ng type 2 diabetes at, kung mayroon ka nang diabetes, nakakatulong ito sa pagkontrol ng iyong blood glucose.

 

Ang mga halimbawa ng aerobic exercises ay mabilis na paglalakad (brisk walking), pagtakbo, paglangoy, pagbibisikleta, paglalaro ng tennis, at paglukso sa lubid (jumping rope).

 

  • Resistance Training (Strength Work)

Para sa mga taong may maraming taba sa katawan (tulad ng malaking tiyan, na isang kadahilanan sa peligro para sa sakit sa puso), ang resistance training ay lubos na makakatulong na mabawasan ang taba at lumikha ng “leaner muscle mass.” Ayon sa mga eksperto, ang sabay na pagsagawa ng aerobic exercise at resistance work ay maaaring makatulong sa pagpapataas ng high-density lipoprotein (good) cholesterol at low-density lipoprotein (bad) cholesterol.

 

Ang ilang halimbawa ng resistance training ay ang pag-work out gamit ang weight machines at free weights (tulad ng hand weights, dumbbells, o barbells).

 

undefined

Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/cheerful-elderly-asian-man-senior-woman-1907576146 

 

  • Stretching, Flexibility, at Balance

Ang flexibility workouts tulad ng stretching, tai chi, at yoga ay hindi direktang nakakatulong sa ating heart health. Ang direkta nilang natutulungan ay ang ating musculoskeletal health, na nagbibigay-daan sa atin upang maging flexible at malaya mula sa joint pain, cramping, at iba pang muscular issues. Ang flexibility na ito ay isang kritikal na bahagi ng ating kakayahang mapanatili ang aerobic exercise at resistance training. Ibig sabihin rin nito, kung mayroon kang mahusay na pundasyon ng musculoskeletal, kaya mong gawin ang mga ehersisyo na makakatulong sa iyong puso. Nakakatulong rin ang  flexibility at balance exercises na mapanatili ang iyong katatagan (stability) at maiwasan ang pagbagsak.

 

Ang sakit sa puso ay ang numero unong sanhi ng pagkamatay sa buong mundo. Ngunit ang mas nakakabahala ay ang ipinapakita ng mga datos na mas maraming kabataan sa ngayon ang namamatay dahil sa sakit sa puso. Gayunpaman, maaari itong maiwasan sa pamamagitan ng pagbabago ng ating lifestyle at pag-mamanage ng risk factors.

 

Para sa mga taong mayroon nang sakit sa puso, siguraduhin na kumonsulta muna sa doktor bago gawin ang alinman sa mga nabanggit na cardiovascular exercises. Tulad ng pag-inom ng gamot sa puso, kailangan muna ng pagsang-ayon ng espesyalista bago ka magsimulang mag-work out o gumawa ng anumang physical activity.

 

Sources:

 

https://fnri.dost.gov.ph/index.php?option=com_content&view=article&id=91&catid=58&Itemid=168

https://www.hopkinsmedicine.org/health/wellness-and-prevention/3-kinds-of-exercise-that-boost-heart-health

https://www.ucihealth.org/blog/2017/02/how-to-strengthen-heart