Nakakaapekto ba ang Polycystic Ovary Syndrome sa Fertility?

September 09, 2021

Ang polycystic ovary syndrome (PCOS) ay isang kondisyon na kinasasangkutan ng hormonal imbalances at mga problema sa metabolismo.

 

Ang kondisyong ito ay nakakaapekto sa ovaries, ngunit hindi ibig sabihin na kapag mayroon ka nito ay hindi ka na magkakaanak. Kahit mayroong PCOS, maaari pa ring mabuntis ang isang babae. Gayunpaman, ang PCOS ay isang karaniwang sanhi ng infertility.

 

Epekto ng PCOS sa Fertility

 

Ang mga babaeng may PCOS ay may hormonal imbalance na maaaring humantong sa sumusunod:

 

  • Mataas na antas ng hormones na tinatawag na androgens
  • Pagbuo ng maliit, "painless," at "fluid-filled" sacs sa ovaries
  • Pagkapal ng "outer shell" ng ovaries
  • Mataas na antas ng insulin sa dugo

 

Ito ang mga bagay na maaaring makagambala sa ovulation. Ang isang palatandaan na nangyayari ito ay irregular o "missed" menstrual periods.

 

Polycystic Ovary Syndrome Symptoms

Ang mga palatandaan at sintomas ng PCOS ay karaniwang nakikita sa panahon ng "late adolescence" or "early adulthood." Kabilang na rito ang:

 

  • Labis na paglago ng buhok sa mukha o iba pang parte ng katawan
  • Pagnipis ng buhok sa anit
  • Oily skin o matinding acne
  • Skin tags sa leeg o kili-kili
  • Makapal at maitim na patches sa balat (acanthosis nigricans), partikular sa leeg, singit, o sa ilalim ng mga suso
  • Pagtaas ng timbang o problema sa pagpapababa ng timbang

 

Maliban rito, maaari ka ring magkaroon ng resistence sa insulin, na hahantong sa mataas na antas ng insulin sa iyong dugo. Kapag hindi nagamot, maaari itong humantong sa type 2 diabetes.

 

Mga Uri ng Gamot  na Makakapagpagaling sa PCOS

 

Ang mga sumusunod ay uri ng mga gamot na ginagamit para mapagaling ang PCOS:

 

undefined

Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/business-woman-drinking-water-taking-medicine-1112316044

 

  • Hormonal Birth Control

Kabilang dito ang pills, patch, shot, vaginal ring, at hormone intrauterine device (IUD).  Para sa mga kababaihang ayaw mabuntis, ang hormonal birth control ay maaaring:

  • Gawing mas regular ang iyong menstrual cycle;
  • Ibaba ang iyong panganib na magkaroon ng endometrial cancer; at
  • Tumulong mapabuti ang acne at bawasan ang sobrang buhok sa mukha at katawan (tanungin ang iyong doktor tungkol sa birth control na may parehong estrogen at progesterone.).

 

  • Letrozole (Femara)

Ang Letrozole ay isang aromatase inhibitor. Ginagamit ito upang gamutin ang breast cancer at para sa pagsisimula ng ovulation sa mga taong may PCOS. Pinipigilan rin ng Letrozole ang estrogen production at pinatataas nito ang paglabas ng follicle-stimulating hormone (FSH) upang pasiglahin ang ovulation.

 

  • Metformin

Ang RiteMed Metformin, na madalas na ginagamit upang gamutin ang type 2 diabetes, ay maaaring makatulong sa ilang mga kababaihan na may sintomas ng PCOS. Pinagbubuti ng metformin ang kakayahan ng insulin na babaan ang blood sugar at maibababa ang parehong antas ng insulin at androgen. Pagkatapos ng ilang buwan na paggamit, ang metformin ay maaaring makatulong sa pag-restart ng ovulation, ngunit kadalasan ay may kaunti itong epekto sa acne at pagkapal ng buhok sa mukha o katawan. Ipinapakita rin ilang research studies na ang metformin ay maaaring may iba pang mga positibong epekto, kabilang na ang pagbaba ng body mass at pagpapabuti ng cholesterol levels.

 

Ang PCOS ay isang kondisyon na nagsasangkot ng isang hormonal imbalance na maaaring makagambala sa ovulation. Upang matulungan kang malunasan ang kondisyong ito, sundin lang ang mga rekomendasyon na aming ibinahagi.

 

 

Sources:

https://www.healthline.com/health/womens-health/pcos-and-fertility#takeaway

https://www.womenshealth.gov/a-z-topics/polycystic-ovary-syndrome#:~:text=PCOS%20is%20one%20of%20the%20most%20common%2C%20but%20treatable%2C%20causes,you%20can't%20get%20pregnant

https://www.webmd.com/infertility-and-reproduction/polycystic-ovary-syndrome-fertility