Ang prostate ay isang gland na matatagpuan lamang sa mga lalaki. Sabi nga ng ilan, “it’s a guy thing.” Nagpo-produce ang prostate gland ng ilang fluid na pumoprotekta at nag-nonourish ng sperm cells sa semen. Nagsisimula itong mag-develop bago pa ipanganak ang isang lalaki, at mabilis na lumalaki during puberty, pagkatapos ay mananatili sa halos parehong sukat o dahan-dahang lumalaki sa mga adult, na finu-fuel ng male hormone na tinatawag na testosterone.
Ngayon, ano naman ang prostate cancer? Almost all prostate cancers develop from the gland cells. Ang ilang prostate cancers ay kayang lumaki at mag-spread ng sobrang bilis, pero karamihan naman ay mabagal ang pagkalat. Nagsisimula ang cancer kapag ang body cells ay nag-umpisang lumaki out of control at i-invade ang ibang tissues. Ang simpleng cells ay nagiging cancer cells dahil sa deoxyribonucleic acid (DNA) damage.
Mga Kaso ng Prostate Cancer sa Pilipinas
Ang prostate cancer ang ikaapat sa leading cancer sites sa mga Pilipino na mayroong humigit-kumulang eight new cases every day. Isa sa 100 na kalalakihan ang maaaring mamatay sa sakit na ito bago pa sila tumuntong sa edad na 75. Ang prostate cancer ay madalas tumatama sa matatandang lalaki. More or less anim sa 10 sampung cases ay na-diagnose sa mga kalalakihang may edad 65 pataas, at nadiskubre ding madalang itong tumama sa mga may edad 40 pababa. Ang average age sa time ng diagnosis ay humigit-kumulang 66.
All About Early Screening for Prostate Cancer
Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/doctor-using-ultrasound-machine-scan-internal-1198033573
Ano nga bang mayroon sa prostate cancer screening?
- Discussion o pagtatalakay - Inirerekomenda ang talakayan kung may planong mag-undergo ng early screening for prostate cancer ang mga kalalakihang may edad 55 hanggang 69 taon, at kung minsan ay younger o older ages based sa individual circumstances.
- PSA blood test - Ang pagsusuri sa dugo ay kilala sa tawag na “PSA test” dahil sinusukat nito ang level ng prostate-specific antigen o PSA sa dugo. Ang PSA ay isang protina na ginagawa ng prostate gland, at gayundin ng karamihan sa prostate cancers.
- Digital rectal exam - May mga pagkakataon na kabilang sa screening ang rectal examination ng isang physician gamit ang isang daliri.
Ano ba ang potential benefits ng early screening?
- Malaman ng maaga. Ang pagtuklas ng maaga sa kanser ay maaaring makatulong na mabawasan ang mga sintomas, gawing mas madali ang paggamot, o maiwasan ang pagkamatay mula sa kanser sa prostate.
- A chance to watch it closely. Karamihan sa mga prostate cancer na natagpuan sa pamamagitan ng pag-screen ay itinuturing na mas mababa ang panganib at maaaring mapamahalaan ng walang operasyon, radiation, o chemotherapy. Ang mga kasong ito ay maaaring mangailangan ng regular na pagsubaybay sa blood tests, x-rays, follow-up appointments, at potentially prostate biopsies.
- Understanding your chances. Kung alam mo ang iyong PSA level, race/ethnicity, maging ang iyong family history, matutulungan ka nitong malaman ang iyong risk for prostate cancer.
Kung ikaw ay na-diagnose na may prostate problem, itanong mo sa iyong doktor kung nararapat sa iyong condition ang RM Terazocin. Ang gamot na ito mula sa Ritemed ay subok na pagdating sa pagpapahupa ng mga sintomas ng prostate cancer. Sa halagang P32.14 kada isang kahon na may 30 tablets, hindi mo na kailangan magtiis sa mga sintomas na iyong nararanasan.
Sources:
https://www.cdc.gov/cancer/prostate/basic_info/benefits-harms.htm