Gout Myth: Bawal ba ang Mani sa may Gout?
September 15, 2023
Ano ang Gout?
Ang Gout ay isang uri ng arthritis na dulot ng sobrang uric acid sa katawan. Kapag tumataas ang uric acid sa katawan, ito ay nagiging sanhi pamumuo ng mga urate crystals sa kasukasuan na nagdudulot ng biglaang pagkirot ng mga kasukasuan. (1)
Sintomas ng Gout: (2)
https://www.shutterstock.com/image-photo/foot-pain-asian-woman-feeling-her-2136320133
- Matinding pananakit sa kasukasuan. Kadalasang apektado ang malaking daliri ng paa, ngunit maaaring mangyari ito sa anumang kasukasuan. Karaniwang mas matindi ang sakit sa una hanggang apat na oras matapos itong mag-umpisa.
- Pamamaga at pamumula. Ang apektadong kasukasuan ay madalas namamaga, namumula at mainit kapag hahawakan
- Limitadong pagkilos. Kapag lumalala ang gout, maaaring mahirapang gumalaw at maging limitado ang paggalaw sa mga apektadong parte ng katawan.
Diet Modification Para sa Gout: Aling mga pagkain ang nagdudulot ng gout? (1,2)
https://www.shutterstock.com/image-photo/wicker-basket-vegetables-on-blue-background-1507003784
Ang pagkain o pag-inom ng mga pagkain na mataas sa purines ay mas malamang na magdulot ng mataas na lebel ng uric acid sa iyong katawan na maaaring humantong sa pagkakaroon ng gout. Kasama rito ang:
- Mga inumin na may asukal at mga minatamis: Ang pangkaraniwang asukal ay kalahating fructose (fruit sugar), na nagiging uric acid. Anumang pagkain o inumin na may mataas na lamang asukal ay maaaring mag-trigger ng gout.
- High fructose corn syrup: Ito ay concentrated na form ng fructose. Ang mga de-latang pagkain at mga processed na snacks ay maaaring maglaman ng high fructose corn syrup.
- Alak: Bagamat hindi lahat ng inuming alkohol ay mataas sa purines, ang alak ay nagpapahirap sa iyong mga bato na tanggalin ang uric acid, kaya't ito ay bumabalik sa iyong katawan, kung saan ito'y patuloy na naiipon.
- Organ meats: Kasama dito ang atay, balun-balunan, tripe, isaw, utak, at bato
- Red meat: Baka, karne ng baboy, at bacon.
Mani at mataas na uric acid: (3)
https://www.shutterstock.com/image-photo/four-kinds-nuts-wooden-dish-walnuts-1935465160
Bawal ba ang Mani sa may Gout?
Bagamat may kaunting purine ang mga mani at iba pang produkto na mula sa mani, hindi ito karaniwang nagdudulot ng gout. Ang dapat iwasan ay ang mga pagkain na mataas ang purine tulad ng lamang-loob, ilang isda, at organ meats. Walang ebidensya na nagpapakita na ang mani ay nagdudulot ng gout. Ayon sa isang pag-aaral, napag-alaman na ang pagkain ng walnut at pine nut ay ay nakakatulong upang mapababa ang panganib ng hyperuricemia o mataas na uric acid.
Paano ginagamot ang gout? (2)
https://www.shutterstock.com/image-photo/young-woman-taking-pills-home-2061973175
Maaring mag-rekomenda ang iyong doctor ng mga gamot upang matulungan kang mabawasan ang iyong mga sintomas, kasama dito ang:
- NSAIDs: Over-the-counter (OTC) NSAIDs tulad ng ibuprofen at naproxen, ay maaaring makabawas ng sakit at pamamaga sa panahon ng pag-atake ng gout. Ngunit hindi ito maaaring inumin ng mga taong may sakit sa bato, ulcer sa sikmura, at iba pang problema sa kalusugan. Kailangang mag-consult sa propesyonal bago ito inumin.
- Colchicine: Ito ay isang gamot na maaaring makabawas ng pamamaga at sakit kapag ininom sa loob ng 24 oras mula sa simula ng pag-atake ng gout.
- Corticosteroids: Ang mga corticosteroids ay gamot na nakakabawas ng pamamaga. Maaari itong inumin o iturok sa apektadong kasukasuan o kalapit na kalamnan, depende sa reseta ng doktor.
Maaari bang maiwasan ang gout? (2)
- Ang pinakamahusay na paraan para maiwasan ang gout ay ang pag-limita sa pagkain ng mga pagkain at inumin na mataas sa purines.
- Tiyakin na umiinom ka ng sapat na tubig upang mapabuti ang pag-function ng iyong mga bato at maiwasan ang dehydration
- Ang regular na ehersisyo ay makakatulong sa pagbabawas ng stress sa iyong mga kasukasuan at makakatulong upang mabawasan ang risk sa labis na timbang at iba pang kondisyon na nagpapataas ng panganib sa gouty attack
Bagamat may mga pagkain na nauugnay sa mataas na purines na maaaring makapagdulot ng Gout, hindi naman kinakailangang iwasan ang lahat ng mga pagkain na mataas sa purines. Ang tamang pamamahala ng diyeta, pag-inom ng tubig, at regular na ehersisyo ay mahalaga sa pagkontrol at pangangalaga sa kondisyon na ito. Sa huli, mahalagang laging kumunsulta sa doktor para sa mga tamang gabay at impormasyon.
References:
- Arthritis Australia. (n.d.). Gout and diet. Arthritis Australia. https://arthritisaustralia.com.au/managing-arthritis/living-with-arthritis/healthy-eating/gout-and-diet/
- Cleveland Clinic. (2020, November 15). Gout: Symptoms, Causes, Treatments. Cleveland Clinic. https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/4755-gout
- Wang, C., Guo, X.-F., Yang, T., Zhao, T., & Li, D. (2021). Nut intake and hyperuricemia risk in young adults. Public Health Nutrition, 24(18), 6292–6298. https://doi.org/10.1017/s1368980021002998