Tamang Alaga Tips and Prevention for Erectile Dysfunction

May 26, 2021

Erectile Dysfunction (ED) Meaning

Ang erectile dysfunction ay tumutukoy sa problema ng lalaki na ma-achieve o mapanatili ang kanyang erection (“enlarged” at “rigid” state ng ari ng lalaki, karaniwan na dulot ng sexual excitement). Ito ay isang uri ng male sexual dysfunction, tulad ng poor libido (sexual desire) at ejaculation problems. Kadalasan, ang mga lalaking may erectile dysfunction o impotent ay may healthy libido, ngunit ang kanilang mga katawan ay hindi kayang tumugon sa sexual encounter dahil hindi nila kaya ang erection.

 

Physical or Organic Causes

Ang sumusunod ay ang common physical or organic causes ng erectile dysfunction:

  • Sakit sa puso at pagkitid ng mga daluyan ng dugo
  • Diabetes
  • High blood pressure
  • High cholesterol
  • Obesity at metabolic syndrome
  • Parkinson’s disease
  • Multiple sclerosis
  • Paninigarilyo, alkoholismo, at substance use (kabilang na ang paggamit ng cocaine)
  • Treatments para sa prostate disease
  • Surgical complications
  • Hormonal disorders tulad ng thyroid conditions at testosterone deficiency
  • Structural o anatomical disorder ng ari ng lalaki, tulad ng peyronie disease
  • Injuries sa pelvic area o spinal cord
  • Radiation therapy sa pelvic region

 

Psychological Causes

In rare cases, ang isang lalaki ay maaaring mayroon nang ED sa simula pa lang, at hindi pa niya kailanman nagagawa ang erection. Tinatawag itong primary erectile dysfunction, at ang sanhi nito ay madalas na psychological (kung walang obvious na anatomical deformity o physiological issue). Ilan sa psychological factors na ito ay:

  • Guilt
  • Fear of intimacy
  • Depression
  • Severe anxiety

 

Erectile Dysfunction Treatments

 

  1. Tumigil na sa paninigarilyo.

Kung naninigarilyo ka, oras na para itigil mo ito. Ang paninigarilyo ay naka-link sa heart and blood vessel disease, sakit na maaaring humantong sa erectile dysfunction. Hangga’t maaaga pa, tigilan na ang iyong bisyo upang hindi na madagdagan ang risks na ikaw ay maging impotent.

 

  1. Panatilihin ang malusog na timbang.

Ang pagbawas ng timbang ay maaaring makatulong sa pag-reduce ng pamamaga, pagdagdag ng antas ng testosterone, at pagtaas ng kumpiyansa sa sarili – na lahat ay maaaring makatulong sa pag-iwas sa erectile dysfunction. Kung ikaw ay mayroong malusog na timbang para sa iyong taas, panatilihin ang bigat na iyon sa pamamagitan ng healthy diet at physical activities.

 

  1. Magkaroon ng healthy eating plan.

 

undefined

Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/asian-teen-couple-helping-make-dinner-741327703

 

Upang matulungan ang pagpapanatili ng erectile function, piliin ang whole-grain foods, low-fat dairy products, prutas at gulay, at lean meats. Iwasan ang mga pagkaing mataas sa taba, lalo na ang saturated fat at sodium. Sundin ang isang healthy eating plan upang matulungan ang layunin ng isang malusog na timbang, at makontrol ang iyong blood pressure at diabetes. Ang pagkontrol sa mga ito ay maaaring makatulong sa pag-iwas sa erectile dysfunction.

 

  1. Maging physically active.

Ang physical activities ay nag-iincrease ng blood flow sa katawan, kabilang na ang ari ng lalaki. Makipag-usap sa isang health professional tungkol sa mga aktibidad na plano mong gawin. Bilang beginner, kailangan mong magsimula ng mabagal, na may mas madaling mga acitivitiesd tulad ng paglalakad sa isang normal na tulin o paghahardin. You can gradually work up to harder activities, tulad ng swimming o mabilis na paglalakad. Maaari itong gawin sa loob ng at least 30 minutes, tatlong beses sa isang linggo.

 

  1. Uminom ng oral medications.

Ang mga gamot tulad ng Ritemed Sildenafil , Vardenafil, Tadalafil, at Avanafil ay mga oral medications na nire-reverse ang erectile dysfunction. Ginagawa nila ito sa pamamagitan ng pag-enhance ng epekto ng nitric oxide, isang natural chemical na pino-produce ng katawan na nire-relax ang muscles ng ari ng lalaki.

 

Sources:

https://www.medicalnewstoday.com/articles/5702

https://www.niddk.nih.gov/health-information/urologic-diseases/erectile-dysfunction/prevention  

https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/erectile-dysfunction/diagnosis-treatment/drc-20355782