Relaxation Ideas Para Sa Pamilya

September 09, 2021

Lubos na naapektuhan ng COVID-19 pandemic ang ating mga buhay. Marami sa atin ang nahaharap ngayon sa mga hamon na maaaring nakaka-stress, overwhelming, at nagdudulot ng matitinding emosyon. Ang public health actions, tulad ng social distancing, ay kinakailangan upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19. Subalit, ang nakakalungkot na katotohanan sa likod nito, ay maaari rin nitong iparamdam sa atin kung gaano tayo kalayo sa ibang tao, na maaring magdulot ng kalungkutan at "feeling of isolation." Naapektuhan rin nito hindi lang ang ating physical health kundi pa na rin ang ating mental and emotional health.

 

Wala tayong kasiguraduhan kung hanggang kailan ang pandemic na ito, pero maaari pa rin tayong maging masaya kasama ang ating mga mahal sa buhay -- kahit sa loob lang ng ating mga bahay o sa ating bakuran. Narito ang ilang simple ngunit masasayang aktibidad na maaari mong gawin kasama ang iyong  pamilya para makapag-relax kayo at makapag-bonding.

 

5 Fun Family Activities

 

  1. Indoor swimming

Bagaman sarado pa ang mga resort at limitado pa ang pagdayo sa mga probinsiya, pwedeng-pwede pa ring mag-swimming sa bahay. Ilabas lang ang inflatable pool (o malaking planggana!) at maaari na kayong magtampisaw kahit sa tapat ng inyong bahay. Makatutulong itong mapanatili ang inyong good mental health.

 

 

 

  1. Movie marathon

Saradong sinehan? Don’t worry! Mayroon nang online streaming services para sa mga paborito nating local at international movies ngayon. Kung mayroon kang subscription sa mga streaming services gaya ng Iflix at Netflix, maari kayong mag-schedule ng Family Movie Night or Movie Marathon kasama ang buong pamilya! Isa itong magandang paraan hindi lang para sa inyong mental and emotional health kundi para rin mas lalo ninyong makilala ang inyong mga anak at mas lalong lumalim ang inyong samahan bilang isang pamilya. Bukod diyan, mas mura pa ito kumpara sa pagpunta ng mall at pagbili ng tig-iisang ticket para manood ng movie. Mas safe pa ito dahil pwede ka lang magpa-load sa pinakamalapit na tindahan.

 

  1. Pag-bake o pagluto ng favorite snacks

Kung iniiwasan ng pamilya ninyo ang magpadeliver ng fast food sa bahay pero nagke-crave ang mga bata (o maging kayo!) ng milk tea o iba pang paboritong pagkain, pwedeng lutuin ninyo na lang ito. Ang proseso ng pagluluto ay pwedeng gawing bonding moment at pagkakataon na maturuan ang mga bata ng simple cooking skills. Ito rin ay mas healthy na option para sa buong pamilya dahil hindi ito processed food at alam ninyong malinis ang pagkain dahil gawa ninyo ito. Maliban rito, sinasabi rin ng mga pananaliksik na ang pagbe-bake ay positibong nakakaapekto sa ating mental health.

 

undefined

Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/asian-family-enjoy-playing-cooking-food-1690226482

 

  1. Pag-alaga ng halaman

Dahil karamihan sa parents ngayon ay work from home na, marami na silang time ngayon na mag-alaga ng mga halaman sa bahay. Dito nagbunga ang mga plantitos at plantitas. Maaari mong isama ang iyong anak sa pag-aalaga ng halaman. Maliban sa pagiging stress reliever, ang pag-aalaga ng mga halaman ay malaking tulong rin para sa kanilang science class at mas lalo nilang maintindihan ang nature at environment. Bukod rito, ang pagbubungkal ng lupa ay makakatulong rin na mapanatili ang inyong physical health.

 

  1. Paglalaro ng board games

Karamihan sa mga kabataan ngayon ay nakatutok sa kanilang mga cellphones at gadgets. Bagaman wala namang masama doon, mas nakabubuti na balansehin ninyo sila sa mga offline activities na pwede rin naman nilang ma-enjoy gaya ng board games. Maaari kayong magsimula sa simpleng “Snakes and Ladders,” “Monopoly,” o “Uno.” Subukan niyo rin mag-sungka para matuto din silang laruin ang isa sa mga tradisyonal nating laro.

 

Gawin ang sumusunod na mga family activities para ma-enjoy niyo ang pag-stay sa bahay ngayong panahon ng pandemic. Huwag ring kakalimutan ang pagkain ng masustansiyang mga pagkain at daily intake ng vitamins upang tuloy-tuloy ang iyong good mental health.

 

Sources:

https://www.pna.gov.ph/articles/1117950 

https://www.webmd.com/parenting/ss/slideshow-family-unwind