Ano ang Sore Throat?
Ang sore throat ay sakit, gasgas, o pangangati ng lalamunan na madalas na lumalala kapag lumulunok ang isang tao.
Sore Throat Causes and Types
Maliban sa allergies, dryness, muscle strain, at irritants (tulad ng usok ng tobacco, tambutso, o kemikal), ang isa pang karaniwang sanhi ng sore throat ay isang viral infection tulad ng sipon o trangkaso. Karaniwan, ang sore throat ay natutukoy ayon sa bahaging naapektuhan:
- Pharyngitis - sakit at pamamaga ng pharynx o throat (ang membrane-lined cavity sa likod ng ilong at bibig na kumukonekta sa kanila sa lalamunan na tumatanggap ng hangin mula sa nasal cavity at hangin, pagkain, at tubig mula sa oral hole).
- Tonsillitis - pamamaga ng tonsils (isang pares ng soft tissue masses na matatagpuan sa likuran ng lalamunan na humihinto sa mga mikrobyo sa pagpasok sa katawan sa pamamagitan ng bibig o ilong).
- Laryngitis - sakit at pamamaga ng larynx (isang hollow muscular organ na bumubuo ng air passage sa baga at humahawak ng vocal cords sa tao at iba pang mammals).
- Croup - isang uri ng laryngitis sa mga bata.
- Epiglottitis - pamamaga ng epiglottis (flap ng cartilage na matatagpuan sa lalamunan, sa likod ng dila at sa harap ng larynx. Ang epiglottis ay karaniwang patayo na nagpapahintulot sa hangin na dumaan sa larynx at baga)
Sore Throat Symptoms and Signs
Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/allergic-sick-old-man-coughing-sneezing-1615263967
Ang mga sintomas ng sore throat ay maaaring magkakaiba depende sa sanhi. Ang mga palatandaan at sintomas ay maaaring may kasamang:
- Sakit o isang “scratchy sensation” sa lalamunan
- Sakit na lumalala tuwing lumulunok o nagsasalita
- Hirap sa paglunok
- Namamaos na boses
- Masakit, namamaga na mga glandula sa leeg o panga
- Namamaga at namumulang tonsils
- Mga puting patch o nana sa iyong mga tonsil
Ang mga impeksyon na nagdudulot ng sore throat ay maaaring magresulta sa iba pang mga sintomas, kabilang ang:
- Sipon
- Pagbahing
- Ubo
- Pananakit ng katawan
- Sakit ng ulo
- Lagnat
- Pagduduwal o pagsusuka
Sore Throat Remedy
Bagama’t ang sore throat ay hindi tulad ng ibang seryosong health conditions na magtutulak sa iyo na kumonsulta agad sa isang doktor, masakit pa rin ito at nakakaabala lalo na kapag matutulog.
Upang paginhawahin ang sakit at pangangati, maaari mong gawin ang sore throat remedies na aming inilista sa ibaba.
- Uminom ng:
- Honey - ihalo man ito sa tsaa o hindi, ang honey ay itinuturing na na common remedy for sore throat sa loob ng matagal na panahon.
- Saltwater - ang pag mumog ng maligamgam na tubig na may asin ay nakakatulong na i-soothe ang sore throat at i-break down ang secretions sa pamamagitan ng pagpatay sa bacteria sa lalamunan.
- Chamomile Tea - ito ay kilala na “naturally soothing.” Matagal na itong ginagamit para sa medicinal purposes tulad ng pag-soothe sa sore throat dahil sa taglay nitong anti-inflammatory, antioxidant, at astringent properties.
- Magmumog ng:
- Apple cider vinegar - ito ay maraming natural antibacterial uses. Maraming mga pag-aaral ang nagpapakita ng mga antimicrobial effects nito sa pakikipaglaban sa mga impeksyon. Dahil sa acidic nature nito, kaya nitong sirain ang mucus sa lalamunan at pigilan ang pagkalat ng bacteria.
- Tinunaw na baking soda - bagamat mas madalas gamitin ang saltwater gargle, ang pag mumog ng tinunaw na baking soda sa saltwater ay isa ring sore throat remedy. Ang pag mumog ng solusyon na ito ay maaaring pumatay ng bacteria at maiwasan ang paglaganap ng yeast at fungi.
- Kumain/ngumuya ng:
- Bawang - mayroon rin itong antibacterial properties. Naglalaman ito ng allicin, isang organosulfur compound na kilala sa kakayahang labanan ang mga impeksyon.
- Peppermint - mayroon itong menthol na nakakatulong sa pagpapanipis ng mucus, pagpapakalma ng namamagang lalamunan, at pagpapahinto ng ubo.
- Uminom ng sore throat medicine.
Kung sa tingin mo ay hindi tumatalab ang natural remedies, subukan ang over-the-counter sore throat medicines. Ang Ritemed Hexetidine ay mabisang gamot para sa namamagang lalamunan (sore throat), sakit sa gilagid (gum disease), paulit-ulit na ulser sa bibig (recurrent mouth ulcers), at iba pang minor mouth infections sa pamamagitan ng pagpatay sa fungi at bacteria.
Sources:
https://thefilipinodoctor.com/condition/sore-throat
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/sore-throat/symptoms-causes/syc-20351635
https://www.healthline.com/health/cold-flu/sore-throat-natural-remedies#prevention