Mga Misconceptions Tungkol sa Autism

November 15, 2021

Autism Meaning

Ang salitang "autism" at ang mga derivatives nito ay madalas na ginagamit sa colloquialisms kaya't marami sa ating mga kababayan ang nalilito kung ano ito at kung ano ang hindi ito. Bagama't mayroong "classic" autism markers, ang kondisyon ay isa ring spectrum disorder, na ginagawang kakaiba ang bawat kaso. Maaari nitong palabuin ang ibig sabihin ng autism para sa ibang tao na wala pang gaanong alam sa nasabing kondisyon.

 

Madalas tayong makarinig ng diyalogo sa telebisyon, mga update sa social media, at lokohan ng magbabarkada gamit ang salitang "autistic" na disguised bilang half-joke. Mula sa mga sari-sari store hanggang sa Senado, ang salita ay ginagamit sa mali at, sa pananaw ng mga tagapagtaguyod, isang brick wall sa ating pakikibaka para sa tunay na pagsasama ng mga indibidwal na may autism sa lipunan.

 

Narito ang ilang common misconceptions tungkol sa autism:

 

  1. “Magkakamukha ang mga taong may autism.”

Hindi pare-pareho ang physical characteristics ng mga taong may autism, maging ang kanilang developmental o behavioral patterns. Ang autism ay "kalat" sa buong mundo, kung kaya't masasabi nating baseless ang physical generalization. Maraming mga autist ang mataas ang rating pagdating sa "attractiveness scale," kasama na dito si Alexis Wineman, Miss Montana 2012 na nakipagkumpitensya sa paligsahan ng Miss America noong 2013, bilang isang natatanging halimbawa.

 

  1. “Retarded sila.”

Ang autism ay isang karamdaman na maaaring i-aacompany ng maraming iba pang mga kondisyon — kung saan ang learning disability isa lamang sa maraming iba pang potential comorbidities. Ang ilang early signs of autism, tulad ng hyper focus, obsessiveness, at photographic memory, ay mga katangian na nagbibigay-daan sa isang maliit na bilang ng mga indibidwal na may autism na maging mahusay sa akademya. Ang isang magandang halimbawa ay si Dr. Temple Grandin, na hindi nagsasalita hanggang sa siya ay tatlo at kalahating taong gulang, at ngayon ay isa nang kilalang author at animal scientist sa mundo.

 

  1. “Matatalino at maabilidad ang mga autists.”

Ayon kay Dr. Darold Treffert sa kanyang aklat na "Extraordinary People: Understanding Savant Syndrome," humigit-kumulang 10% lamang ng mga taong may autism ang may ilang savant abilities. "Mahalagang tandaan na hindi lahat ng autistic na tao ay savant, at hindi lahat ng savant ay autistic," aniya. Ang haka-hakang ito ay maaaring maglihis ng expectations sa mga kakayahan ng mga indibidwal na may autism, at kung paano sila dapat tratuhin sa lipunan.

 

  1. “Mayroon silang sariling mundo”

Ang mga taong may autism spectrum disorder ay maaaring hindi palasalita o maaaring magkaroon ng mga pagkaantala sa komunikasyon, ngunit hindi ito nangangahulugan na sila ay walang pakialam o pagmamalasakit sa ibang tao o sa kanilang kapaligiran. Sila ay may kakayahan din para sa malalim na pagmamahal, nationalistic pride, at maging selfless concern para sa ibang tao.

 

  1. “Wala silang disiplina.”

Isa sa mga signs of autism ay ang pagkakaroon ng sensory integration disorder -- kung saan ang utak ay may problema sa pagtanggap at pagtugon sa impormasyong pumapasok sa pamamagitan ng mga pandama. Ang mga karaniwang tunog ay maaaring masakit o napakabigat at maaaring mag-trigger ng tinatawag na “tantrums.” Kailangang ihiwalay ng mga miyembro ng pamilya ang sanhi ng pagkabalisa, na maaaring maging mahirap kung ang isang bata ay hindi palasalita. Ang compassion at pag-unawa ang magiging pinakamahusay na paraan upang tumulong, dahil ang proseso ng desensitization at pagbuo ng tolerance sa stimuli ay tumatagal ng maraming taon.

 

undefined

Source: shutterstock.com/image-photo/group-special-students-classroom-down-syndrome-1915051909 

 

Idineklara ng United Nations ang April 2 bilang World Autism Awareness Day. Hinihimok namin kayo, aming mahal na mga mambabasa sa Ritemed, na magdiwang kasama namin sa pamamagitan ng action. Ibahagi ang artikulong ito sa isang kaibigan at anyayahan silang tumulong sa pagpapalaganap ng kaalaman at pag-unawa sa kung ano ang autism. Kilalanin ang isang taong may autism o isang taong ang pamilya ay nabubuhay na may autism araw-araw.

 

Ang Ritemed, top provider ng quality yet affordable pharmaceutical products, ay naghahangad na lumikha ng isang lipunang Pilipino na hindi lamang aware kung ano ang autism; ngunit tunay na responsive sa pangangailangan ng dumaraming bilang ng mga Pilipinong may autism.

 

 

Sources:

http://pwdphil.com/2019/09/27/autism-and-the-filipino-debunking-the-myths

http://www.autismsocietyphilippines.org/2013/03/busting-autism-myths.html

https://www.dlshsi.edu.ph/dlsumc/news/autism-consciousness-week-pilipinong-may-autismo-kakaiba-kasali-konektado