Ano ang Pneumothorax? Mga Importanteng Impormasyon at Mga Uri ng Paggamot Nito

August 15, 2023

 

Ano ang Pneumothorax?

undefined

https://www.shutterstock.com/image-photo/lungs-paper-decorative-model-on-light-2123591474

Ang Pneumothorax ay ang pagkakaroon ng hangin sa pagitan ng baga at pader ng dibdib na nagdudulot ng bahagyang pagliit o kabuuang pagliit ng baga.

Ano ang sanhi ng Pneumothorax?

undefined

https://www.shutterstock.com/image-photo/composite-image-highlighted-red-injured-lungs-1381662914

 

Ang pneumothorax ay maaaring dulot ng mga sumusunod:

  1. Aksidente sa dibdib o chest injury: Ang chest injury sa dibdib ay maaaring magdulot ng pneumothorax. Ang halimbawa nito ay ilang mga insidente na maaaring mangyari sa mga contact sports, trabaho na may panganib ng pagkakabagsak o mga medical procedures  na may pag-insert ng karayom sa dibdib.

 

  1. Sakit sa baga: Ang nasirang lung tissue ay mas madaling mag-collapse. Maaaring magmula sa iba't ibang uri ng sakit tulad ng chronic obstructive pulmonary disease (COPD), cystic fibrosis, lung cancer, o pneumonia. Ang ilang mga lung diseases ay maaari ring magdulot ng pneumothorax dahil sa pagkasira ng manipis na air sacs sa lung tissue na maaaring sumabog.

 

  1. Pumutok na air blister o bullae: Ang maliliit na koleksyon ng hangin (blebs) ay maaaring mag-develop sa ibabaw ng mga baga. Minsan, ang mga ito ay pumuputok, kaya't nagkakaroon ng pagkakataon na ang hangin ay lalabas patungo sa espasyo sa paligid ng mga baga.

 

  1. Mechanical ventilation: Maaaring magkaroon ng malubhang uri ng pneumothorax ang mga taong nangangailangan ng mekanikal na tulong sa paghinga. Ang ventilator ay maaaring magdulot ng hindi pantay na pressure ng hangin sa loob ng dibdib, kaya maaaring magdulot ng pagliit ng baga (2)

 

Ano ang Sintomas ng Pneumothorax?

undefined

https://www.shutterstock.com/image-photo/male-asian-athlete-has-chest-pain-2042466854

Ang mga karaniwang sintomas ng pneumothorax ay maaaring magpakita ng mga sumusunod:

  • Biglaang matinding sakit sa dibdib na mas lumalala kapag humihinga nang malalim o kapag umuubo
  • Hirap sa paghinga
  • Paninikip ng dibdib
  • Madaling panghihina
  • Pagbilis ng tibok ng puso
  • Pagkulay asul ng balat o cyanosis dahil sa kakulangan ng oxygen (3)

 

Paano nalalaman kung mayroong pneumothorax?

undefined

https://www.shutterstock.com/image-photo/female-doctor-examines-xray-patient-s-1707787729

Para malaman kung ikaw ay may pneumothorax, ang iyong heatlhcare provider ay gagawa ng isang pisikal na pagsusuri gamit ang stethoscope na siyang mag tutukoy ng apektadong bahagi ng baga. Upang kumpirmahin ang diagnosis ng pneumothorax, maaaring isagawa ang mga sumusunod na pagsusuri:

  • Chest X-ray
  • Ultrasonography
  • Computerized tomography (CT)
  • Arterial blood gas testing, na sinusukat ang antas ng oxygen at carbon dioxide sa dugo. (4)

Paano ginagamot ang Pneumothorax?

undefined

https://www.shutterstock.com/image-vector/lung-cancer-collapse-chest-pain-drain-2154782883

Ang paggamot ng pneumothorax ay maaaring mag-iba-iba depende sa kalagayan ng pasyente. Sa ilang kaso, ang mas maliit na pneumothorax ay maaaring maghilom nang kusa.Ngunit, ang malaking pneumothorax ay kakailanganin ng ospitalisasyon. Upang gamutin ang ito, kinakailangan ng isang procedure na tinatawag na needle aspiration kung saan magtutusok ng isang karayom sa pagitan ng tadyang patungo sa espasyo sa pagitan ng baga at pader ng dibdib upang matanggal ang hangin. Isa pang pamamaraan ay ang pag-insert ng isang chest (thoracostomy) tube na mananatili sa loob ng isang araw o ilang araw (depende sa sanhi ng pneumothorax) habang ikaw ay gumagaling sa ospital. Kung ang pneumothorax ay bumalik, maaaring kakailanganin ng video-assisted thoracic surgery.

 

Paggaling at Muling pagkakaroon ng Pneumothorax

Pagkatapos magamot ang pneumothorax, mahalaga ang pag-iingat para maiwasan ang pagbalik nito. Kung ikaw ay may pneumothorax, iwasan ang pagbibiyahe sa eroplano hangga't hindi ka pa nakakatanggap ng tamang paggamot (tulad ng pagkakaroon ng thoracostomy tube). Dapat ding iwasan ang mga mabibigat na aktibidad o mga extreme sports sa loob ng dalawang linggo matapos ang paglabas mula sa ospital pagkatapos ng paggamot. Kung ikaw ay may kasaysayan ng paulit-ulit na pneumothorax, laging mag-ingat kapag nakikiisa sa mga gawain na ito.

Ang panganib ng pagkakaroon ng panibagong pneumothorax ay pinakamataas sa unang 30 araw pagkatapos ng iyong unang pagkakaroon nito. Sa susunod na taon, ang panganib na magkaroon ng panibagong pneumothorax ay nananatiling mas mataas kaysa sa normal. Ang mga tantiya ng pagbalik ay nag-iiba mula sa 20% hanggang 60% sa loob ng unang tatlong taon. (5)Ngunit sa kabilang dako, kapag ang pneumothorax ay gumaling na, karaniwan nang walang pangmatagalang komplikasyon. (3)

Mahalagang maging maingat sa mga panganib at mga sintomas ng pneumothorax upang maiwasan ang mas malalang komplikasyon at maagapan ang pagbalik ng kondisyon. Kung mayroon kang mga sintomas o katanungang kaugnay ng pneumothorax, kailangan mong kumunsulta sa iyong healthcare provider upang mabigyan ng tamang pag-aaruga at gamot. Ang pag-unawa sa mga sintomas, panganib, at paggamot ng pneumothorax ay magbibigay-daan sa mas maayos na kalusugan at kagalingan ng mga indibidwal.

 

References:

  1. Ahmad Khan, A., Zahid, M., Ahmad Alhiyari, M., Ahmad Al-Andulmalek, A., Ekpuk Jumbo, U., Naser Kloub, M., Muslim, M., Naeem, M., Yousaf, Z., Mazhar, R., & Sharif, M. (2022). Demographics, clinical characteristics, and recurrence rate of patients with primary spontaneous pneumothorax at a tertiary care center in Qatar. Qatar Medical Journal, 2022(4). https://doi.org/10.5339/qmj.2022.56
  2. Mayo Clinic Staff. (2021, May 21). Pneumothorax - Symptoms and causes. Mayo Clinic. https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/pneumothorax/symptoms-causes/syc-20350367
  3. Johns Hopkins Medicine. (2023). Pneumothorax. Www.hopkinsmedicine.org. https://www.hopkinsmedicine.org/health/conditions-and-diseases/pneumothorax
  4. Leader, D. (2008, August 24). What is Pneumothorax in the Lungs? Verywell Health; Verywell Health. https://www.verywellhealth.com/what-is-pneumothorax-914681
  5. UptoDate. (n.d.). UpToDate. Www.uptodate.com. https://www.uptodate.com/contents/pneumothorax-definitive-management-and-prevention-of-recurrence#H2851443018