Programang Pangkalusugan Para sa Manggagawang Pilipino
May 2, 2016
Inilunsad ng mga pinuno ng Fair Trade Alliance, Universal Storefront Services Corporation (USSC), Ayos na Gamot sa Abot-kayang Gamot sa Abot-kayang Presyo Coalition (AGAP), at Buklod ng Manggagawa sa Radio Communication of the Philippines, Inc. – National Federation of Labor (BMRCPI-NFL), ang social partnership kasama ang RiteMed na magbibigay ng benepisyo sa mga manggagawang miyembro ng iba't ibang union groups upang magkaroon sila ng access sa mura at de-kalidad na gamot at iba't ibang serbisyong pangkalusugan. Ang programa ay bunsod ng hangarin ng mga grupo na suportahan ang mga pangangailangan pangkalusugan ng kanilang mga miyembro sa buong bansa, na itinuturing na kabilang sa pangunahing karapatan ng mga manggagawa. Ang RiteMed ang nangungunang unibranded na gamot na nagsusulong ng karapatan sa kalusugan ng mga Pilipino. Pinangunahan nina (from L to R) Jessica Reyes-Cantos ng Fair Trade Alliance at AGAP; Gabriel Paredes, president at CEO ng USSC; Deobel Deocares at Tony Fulgado ng BMRCPI-NFL; at Vince Guerrero, general manager ng RiteMed na lumalagda sa kasunduan ang nasabing pagpapasinaya ng programa.