Mga Common na Katanungan Pagkatapos Mabakunahan

July 21, 2021

Tapos ka na bang magpabakuna laban sa COVID-19? Ang pagpapabakuna ay isang paraan ng prevention of COVID-19, kung kaya’t hinihikayat ang lahat na gustong makaiwas sa virus na magpabakuna na hangga’t maaga pa.

 

Panigurado na marami kang katanungan tungkol sa pagbabakuna na hindi mo naitanong sa health care provider na nag-assist sayo. Dahil diyan, hayaan mong ulitin namin ang mga sagot ng Department of Health (DOH) sa mga commonly asked questions matapos mabakunahan ng COVID-19 vaccine.

 

COVID-19 Philippines: Mga Karaniwang Tanong Matapos Mabakunahan

 

  1. Anong mangyayari pagkatapos ko magpabakuna laban sa COVID?

Sagot: Oobserbahan ka sa loob ng 15 minuto kung magkakaroon ng mga hindi pangkaraniwang sintomas. Maaaring tumagal ng 30 minuto ang obserbasyon kung mayroon kang asthma, anaphylaxis, o allergy sa pagkain at mga gamot. Pagkatapos maobserbahan, ipapaalam sa iyo ang mga pasilidad, hotlines, at contact number kung saan maaari mong ireport kung magkaroon ka ng anumang reaksyon sa COVID vaccine.

 

  1. Bibigyan ba ako ng katunayan sa pagpabakuna?

Sagot: Oo. Makakatanggap ka ng vaccination card kung saan nakasaad ang uri ng bakuna sa COVID-19 Philippines na iyong natanggap, kailan ito natanggap, at ang araw ng sunod mong dose. Itago itong mabuti sakaling kailanganin ito sa hinaharap. Magandang ideya rin ang pagkuha ng picture o pag-photocopy nito para sigurado.

 

  1. Kung nabakunahan na, maaari na bang ipagpaliban ang pagsuot ng face mask, face shield, at iba pang mga minimum public health standards?

Sagot: Ang COVID-19 vaccine ay kasangga at hindi kapalit ng mga BIDA behaviors. Ipagpatuloy pa rin ang pagsuot ng face mask at face shield, pag-sanitize o paghuhugas ng mga kamay, at social distancing nang sa gayon ay mapanatili mo pa rin ang COVID-19 prevention.

 

undefined

Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/new-normal-startup-small-business-portrait-1802266021

 

  1. May kailangan ba akong iwasang gawain, lalo na ang mabibigat na trabaho?

Sagot: Wala. Hindi kailangang umiwas o tumigil sa mga mabibigat na trabaho o gawain pagkatapos ng bakuna sa COVID-19, maliban kung ipinayo ito ng iyong doktor.

 

  1. Ano ang mga pwedeng mangyari pagkatapos ko magpabakuna?

Sagot: Tulad ng anumang bakuna, maaari kang makaranas ng mga adverse effects pagkatapos mong matanggap ang bakuna para sa COVID-19. Maaari mong maranasan ang mga karaniwang adverse effects tulad ng:

  • Pananakit, pamumula, pangangati o pamamaga sa lugar kung saan ibinigay ang turok
  • Hindi maayos ang pangkalahatang pakiramdam
  • Nakakaramdam ng pagod (fatigue)
  • Lagnat o panginginig
  • Sakit ng ulo
  • Pananakit sa kasukasuan o kalamnan (joint pain o muscle ache)

 

Ngunit huwag mag-alala. Ito ay mga palatandaan na nagpapalakas ng proteksyon laban sa COVID-19 ang iyong katawan.

 

  1. Ano ang dapat kong gawin kung makaramdam ako ng adverse effects pagkatapos ng pagbabakuna?

Sagot: Kung may nararamdaman na kahit anumang side effects, ireport agad ito sa inyong local government unit (LGU) o local vaccination site. Ang mga masamang epekto na ito ay karaniwang nawawala sa loob ng isa hanggang tatlong araw. Kung hindi pa nawawala ang sintomas pagkatapos ng ilang araw o kaya’y lalo itong lumalala, kumunsulta sa isang doktor o tumawag sa LGU/vaccination site hotline o sa pinakamalapit na pasilidad.

 

  1. Ano ang maaari kong gawin para mabawasanan ang sakit sa lugar ng pinagbakunahan? Sagot: Mag-apply ka ng malinis, malamig, at basang tela o cold compress sa parte ng binakunahan. Pwede ka ring mag-ehersisyo at banayad na galawin ang braso na nabakunahan.

 

  1. Ano ang maaari kong gawin kung nakakaranas ako ng lagnat at sakit sa brasong tinurukan ng vaccine Philippines?

Sagot: Uminom ka ng maraming tubig at magpahinga. Sikapin rin na kumain ng masustansyang pagkain at uminom ng Paracetamol ayon sa payo ng iyong Health Care Worker.

 

  1. Ano ang dapat gawin kung makaranas ako ng malubhang reaksyon sa bakuna?

Mayroong maliit na posibilidad na ang bakuna para sa COVID-19 ay magdulot ng malubhang allergic reaction. Kung makaranas ng malubha o di-pangkaraniwang mga sintomas tulad ng pamamaga ng mukha, hirap sa paghinga, wheezing, o paghihigpit ng lalamunan, pumunta agad sa pinakamalapit na ospital.

 

  1. Kung nagkaroon ako ng COVID-19 pagkatapos ng unang dose ng bakuna, kinakailangan bang ulitin ang unang dose?

Sagot: Maaaring mabakunahan ang sinumang nagkaroon ng COVID-19 kapag magaling na. Hindi kinakailangang ulitin ang unang dose ng bakuna kung naibigay na ito.

 

  1. Kinakailangan ba ng follow-up pagkatapos ng bakuna?

Sagot: Bago ka umalis, siguraduhin mo muna na mayroon ka nang schedule para sa pangalawang dose ng iyong bakuna. Aabisuhan kayo ng vaccination staff tungkol sa pangalawang dose, pag-follow-up, at iba pang mga mahalagang kaalaman. Imo-monitor rin ng LGU o Local Health Unit na tumututok sa COVID Philippines ang inyong kalagayan at side effects hanggang isang taon mula sa pagpapabakuna.

 

Sources:

 

https://doh.gov.ph/taxonomy/term/10066