Kalidad na Gamot na Abot-Kaya para sa Bawat Pilipino
Sa loob ng mahigit dalawang dekada, RiteMED has been helping Filipinos gain access to quality and affordable medicines. Mula nang ito ay ilunsad noong 2002, iisa ang layunin ng RiteMED—ang gawing mas abot-kaya at mas accessible ang de-kalidad na gamot para sa bawat Pilipino.
Bilang pioneer at lider sa generic medicines, nakatulong ang RiteMED sa milyun-milyong Pilipino na magkaroon ng mas malawak na access sa mga gamot na kailangan nila para sa kanilang kalusugan. Sa tulong ng wide assortment ng prescription medicines, over-the-counter products, at vitamins, naging katuwang ang RiteMED ng mga pamilya sa pag-aalaga ng kanilang kalusugan sa iba't ibang yugto ng buhay.
More Than Affordable Medicine
Sa RiteMED, naniniwala kami na hindi dapat ikompromiso ang kalidad para lamang maging abot-kaya ang gamot. Kaya naman ang bawat RiteMED product ay dumaraan sa mahigpit na quality standards upang matiyak ang kaligtasan, bisa, at kalidad nito.
Ito ang dahilan kung bakit milyon-milyong Pilipino, kasama ang mga doktor, pharmacist, at healthcare professionals, ang patuloy na nagtitiwala sa RiteMED. Sa paglipas ng mga taon, nakabuo ang brand ng mataas na brand equity at matibay na reputasyon bilang maaasahang partner sa kalusugan.
“Gusto ng RiteMED na Gumaling Kayo”
Higit pa sa pagbebenta ng gamot, ang RiteMED ay may malinaw na adhikain: ang makatulong sa mas maraming Pilipino na gumaling at magkaroon ng mas maayos na kalidad ng buhay.
Ito ang sentro ng aming adbokasiyang “Gusto ng RiteMED na Gumaling Kayo.” Isang simpleng mensahe na nagpapakita ng aming tunay na malasakit sa kalusugan ng bawat Pilipino.
Sa pamamagitan ng adbokasiyang ito, patuloy naming pinapalakas ang kamalayan tungkol sa kahalagahan ng:
Patuloy na Paglilingkod sa Makabagong Pilipino
Habang nagbabago ang panahon at ang pangangailangan ng mga mamimili, patuloy ring umuunlad ang RiteMED. Sa kasalukuyan, nakatuon ang brand sa pagpapalawak ng access sa kalidad na gamot, pagpapalakas ng tiwala ng mga pasyente at healthcare professionals, at pagbibigay ng mas maraming health education programs sa mga komunidad sa buong bansa.
Patuloy ding pinauunlad ng RiteMED ang iba't ibang initiatives at programs na naglalayong hikayatin ang mga Pilipino na maging mas responsable sa kanilang kalusugan at mas magkaroon ng kumpiyansa sa pagpili ng generic medicines.
The RiteMED Promise
Sa bawat produkto, programa, at serbisyong aming inilulunsad, nananatili ang aming pangako: to provide quality, affordable, safe, and effective medicines that help improve the lives of Filipinos.
Dahil para sa RiteMED, ang tunay na sukatan ng tagumpay ay hindi lamang ang dami ng gamot na naibebenta, kundi ang dami ng Pilipinong natutulungang gumaling.
Gusto ng RiteMED na gumaling kayo.
Our Partners