Sanhi at Pag-iwas sa Erectile Dysfunction

August 24, 2016

Photo Courtesy of Gerd Altmann via Pexels

 

Ang erectile dysfunction (ED) o mas kilala sa tawag na impotence ay isa sa mga sintomas na maaaring maranasan ng mga matatandang lalaki. Ito ang kawalan ng kakayahan o pagpapanatili ng paninigas ng ari (penis) ng mga kalalakihan na sapat para sa sexual satisfactions ng mag-partner. Isa sa pangunahing dahilan ng ED para sa matatanda ay ang kondisyon na pumipigil sa pagdaloy ng dugo sa penis, tulad ng diabetes.

 

Inakala ng mga eksperto noon na psychological problems lamang ang nagsasanhi ng erectile dysfunction ngunit sa mga pag-aaral ngayon, marami ang nagsasabi na karamihan ng cases ng impotence sa mga kalalakihang nasa edad 50 pataas ay sanhi ng physical at psychological factors.

Physical Factors

Ang pangunahing bagay upang magkaroon ng erection ay ang blood vessels at kadalasan ay napipigilan ang pagdaloy ng dugo sa ari dahil sa katandaan. Sa pagtanda, nagbabago rin ang katawan at ang sex ay hindi na gaya ng dati. Maaaring mas matagal na magkaroon ng erection at hindi na kasing laki tulad ng dati ngunit may mga iba pang pisikal na kadahilanan na kung saan maaaring mangyari ito gaya ng obesity, diabetes, hypertension o iba’t ibang heart diseases.

 

Psychological/Environmental factors

Isa din sa pangunahing dahilan ng erectile dysfunction sa matatanda ay ang hindi pagkakaroon ng magandang komunikasyon sa kanyang partner. Maaari ding makuha ito sa paninigarilyo, pag-inom ng alak, stress, anxiety, depression, at drug abuse.

 

Ano ang mga dapat gawin upang makaiwas dito at ang inirerekomenda para naman sa mga nakararanas na ng erectile dysfunction?

 

1.    Mag-exercise

Nakakatulong ang pagkakaroon ng healthy lifestyle upang maiwasan ang erectile dysfunction at ang pag-eehersisyo ay isa sa mga madaming paraan upang makaiwas sa mga sakit. Nagsasanhi ng erectile dysfunction ang mga sakit na nabanggit kaya naman ugaliing mag-ehersisyo para sa ikabubuti ng kalusugan at pang-iwas impotence.

 

Photo Courtesy of jil111 via Pixabay

 

2.    Kumain ng mga masusustansyang pagkain

Mabuting magkaroon ng magandang diet upang maging malusog ang ating katawan. Importante ang pagkakaroon ng malusog na pangangatawan lalo na sa mga matatanda para maiwasan ang mga sakit na maaaring makuha at magdulot ng erectile dysfunction. Kumain ng mga pagkaing masustansya sa Vitamin E, folic acid, Vitamin C, at calcium. Nakakatulong ang mga vitamins at minerals na ito upang mapalakas ang katawan at malabanan ang mga free radicals na nagdudulot ng sakit.

3.    Panatilihing tama ang timbang

Ang obesity ay isang physical factor na nagdudulot ng erectile dysfunction. Kumain ng pagkaing makakabuti at sapat lamang sa katawan. Ang pagiging obese ay hindi lamang nakakaepekto sa pisikal na itsura ng tao ngunit pati na rin sa kalusugan. Maaari ring magdulot ng iba pang komplikasyon ang obesity tulad ng heart disease, high blood pressure, at diabetes na siyang nagsasanhi ng ED sa mga kalalakihan.

 

4.    Magpakonsulta sa doktor

Ang mga doktor ang nakakaalam kung ano ang mga dapat gawin kung mayroong ED kaya naman ay makabubuting magpakonsulta upang mas malaman kung ano ang nagiging sanhi ng erectile dysfunction.

 

5.    Uminom ng gamot kung kinakailangan

May mga gamot na nirereseta ang mga doktor para sa mga pasyenteng may erectile dysfunction. Ilan sa mga kilalang gamot kontra-sintomas ng ED ay ang RiteMED Sildenafil, Viagra at Cialis.

6.    Umiwas sa stress

Hindi nakabubuti ang stress sa katawan at nakapagpapababa pa ito ng immune system ng ating katawan. Hanggang makakaya, umiwas sa stress ang mga kalalakihan upang mapanatiling malakas ang pangangatawan at makaiwas sa mga sakit na maaaring mag resulta sa erectile dysfunction.

 

Photo Courtesy of jeshoots.com via Pexels

 

7.    Umiwas sa paninigarilyo at pag-inom

Hindi nakabubuti ang sobrang paninigarilyo at pag-inom sa kalusugan dahil ang mga ito ay maaaring magdulot ng mga sakit at komplikasyon sa katawan. Para maiwasan ang pagkakaroon at paglala ng erectile dysfunction, ine-encourage na itigil ang paninigarilyo at pag-inom.

 

Ang risk nang pagkakaroon ng erectile dysfunction ay mataas habang tumatanda ang isang lalaki ngunit tatandaan na hindi ang edad ang nagiging sanhi ng erectile dysfunction. Magandang simulan na ang pagkakaroon ng healthy lifestyle habang bata pa upang makaiwas sa impotency.