Tips para ihanda ang anak sa online classes | RiteMED

Tips para ihanda ang anak sa online classes

July 21, 2021

Tips para ihanda ang anak sa online classes

Mahigit isang taon na ang nakalipas mula nang ikansela ng gobyerno ang face-to-face classes sa mga paaralan upang ingatan ang mga estudyante mula sa nakakahawang COVID-19 virus. Dahil sa pandemic, ang mga bata ay biglang napilitang mag adapt sa maraming pagbabagong dulot ng online class Philippines.

 

Dahil nasa bahay na ang mga bata, hindi lang mga guro at estudyante ang kinailangan mag-adjust sa virtual learning kundi pati na rin mga magulang. Ayon sa research, malaki ang bahagi ng parental participation sa development of children sa online class.

 

Pero paano nga ba ihahanda ang mga anak sa online class? Alamin mula sa mga study tips galing sa eksperto at mga magulang mismo.

 

Alisin ang distractions

 

Dahil sa kalimitang mas maikli ang attention span ng children o teenagers, mahalaga na tanggalin ang mga bagay na aagaw ng kanilang atensyon. Kasali sa mga distraksyon sa online classes ang cellphones, video games, at laruan. Maging mga pets sa bahay ay maaaring pumukaw ng atensyon ng mga bata habang may online class. Hanggat maari, ilayo ito sa kanila sa oras ng klase. Iwasan din ang ingay o pagku-kwentuhan kahit oras ng paggawa ng homeworks.

 

 

Ihanda ang mga gamit at equipment para sa online class

 

Tulad sa first day ng classes kung saan excited ang mga bata sa bagong school supplies, magiging exciting ang online learning kung mayroon silang mga gamit. Hindi naman kailangang bumili ng bagong school supplies. Maaaring magreuse ng mga lumang gamit. Ilagay ang mga ito nang maayos sa isang shelf na madaling makuha ng bata habang siya ay nasa online class. Siguraduhin ding may stable internet connection at maayos na computer o gadget.

 

 

Magtalaga ng area sa bahay para lang sa online learning

 

Dagdag sa pagbawas ng distraction ay ang hiwalay na kwarto para sa pag aaral ng mga bata. Tulad ng pagkakaroon ng classroom ng bawat klase sa paaralan, mahalagang mayroong “converted classroom” ang mga bata. Dahil andito ang mga libro at gamit nila sa school, mararamdaman nila ang school setup at makakapag focus sila sa pag aaral[1] .

 

Gumawa ng schedule para sa bata

 

Ituro sa mga anak na tulad ng regular classes, ang online class ay mayroon ding schedule para sa mga klase, homeworks, paglalaro, pagtulog at pagkain. Samahan sila na gumawa ng calendar ng activities at study time bawat linggo at ilagay ang weekly schedule sa home classroom o sa lugar na nakikita ng lahat. Sa kabila ng pagkakaroon ng routine, mahalaga ring maging flexible lalo na kung may mga subject na mas kailangan aralin o ibang school requirements.

 

Tulungan ang bata na magkaroon ng regular sleep pattern

 

Mahalaga ang sapat na tulog para makapag focus ang bata sa online class. Isa sa mga paghahanda sa online learning ay ang sanayin ang bata na may sinusunod na sleep time at wake up time. Ilang buwan o linggo bago magsimula ang kanyang online classes, sanayin na sya sa tamang oras ng pagtulog at pag gising.

 

 

 

Maghanda ng health kit

 

Siguraduhing may emergency kit o health box sa lugar malapit sa study area ng bata. Lagyan ito ng mga first aid items at mga gamot para sa sakit ng ulo, lagnat, sipon o ubo. Sakaling sumama ang pakiramdam niya sa kanyang online class, importanteng may naka stock na mga gamot na pwedeng inumin ng bata tulad ng RiteMed Ambroxol, ang epektibong gamot kapag inuubo ang bata during class.

 

 

Mahirap man ang bagong online setup, magiging madali ito dahil sa buong suporta ng mga magulang. Mas matututo ang mga bata kung mayroon silang encouraging at exciting na learning environment sa bahay.

 

 

Sources:

 

https://education.jhu.edu/2020/04/8tipsforfocus/

https://mb.com.ph/2020/10/28/7-online-distance-learning-tips-to-make-sure-your-children-have-a-good-school-year/

https://mb.com.ph/2020/08/07/parents-guide-10-ways-to-get-ready-for-online-classes/

https://www.usatoday.com/in-depth/news/2020/08/06/covid-19-tips-parents-successful-online-learning-virtual-classes-zoom/3303918001/


What do you think of this article?