Tamang Alaga Para sa Paa: Onychomycosis | RiteMED

Tamang Alaga Para sa Paa: Onychomycosis

October 15, 2021

Tamang Alaga Para sa Paa: Onychomycosis

Bahagi ng ating good grooming routine ang pagpapa pedicure o paglinis ng mga kuko sa paa. Kagaya ng ibang parte ng ating katawan, nais nating mapanatili ang kalinisan at kaaya-ayang itsura ng ating mga kuko. Isa itong mahalagang hakbang sa pag-iwas sa skin diseases at iba pang uri ng sakit.

Kaya naman isa sa mga iniiwasan nating impeksyon ay ang Onychomycosis, isang fungal infection sa toenails o kuko sa paa. Sa umpisa, mapapansin ang pagkakaroon ng mga white o yellow spots sa ilalim ng mga kuko. Habang lumalala ang fungal infection sa toenails, nagdudulot ang nail fungus ng discoloration, pagtigas, at pagkapal ng dulo ng kuko sa paa.

Maliban na lang sa paglala ng skin disease na ito, karaniwang hindi nakakaramdam ng sakit ang may fungal toenail infection. Minsan, ang mga taong may fungal toenail infection ay mayroon ding fungal skin infection sa paa, lalo na sa pagitan ng mga kuko, o ang tinatawag na athlete’s foot.

 

Sanhi ng fungal infection sa mga kuko sa paa

Ang pangunahing sanhi ng kondisyong ito ay iba’t ibang uri ng fungal organisms (fungi). Pinaka karaniwang dito ang fungus na dermatophyte. Sanhi rin ng nail infection ang yeast and mold sa kapaligiran. Paminsan, ang mga maliliit na sugat sa paa ang nagiging sanhi ng pagkakaroon ng yeast and mold at nagdudulot ng fungal infection.

Kahit sino ay maaaring magkaroon ng kondisyong ito, ngunit pinakamadaling kapitan nito ang mga nagkaroon na ng nail injury o surgery, may diabetes, mahinang immune system, problema sa blood circulation, at may athlete’s foot. Maaari ring magkaroon nito and sinumang madalas na maglakad nang naka-paa sa mga mamasa-masang communal areas tulad ng swimming pool, gyms, at shower rooms.

 

undefined

Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/toe-nail-fungus-woman-dermatologist-doctor-623722301

 

Fungal Infection Treatment

Depende sa lala ng fungal nail infection ang maaaring maging treatment para rito. Kadalasan, kinakailangang uminom ng prescription antifungal pills para gumaling ito.

Mainam din na gamot ang topical treatment na pinapahid lamang sa infected area. Ang RiteMed Tolnaftate ay isang mahusay na topical ointment para puksain ang fungal infection sa paa, o ang onychomycosis. Mayroon itong synthetic thiocarbamate antifungal agent na pumipigil sa pagdami ng dermatophytes. Maaaring gumamit nito ang mga bata at matanda na may edad dalawa pataas.

Bukod sa gamot, maaari ring tanggalin ng doktor ang infected na kuko para tuluyang mawala ang impeksyon. Tinatayang tatagal ng ilang buwan hanggang isang taon para tuluyang mawala ito.

 

Sources:

https://www.healthline.com/health/home-remedies-for-toenail-fungus#_noHeaderPrefixedContent

https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/nail-fungus/symptoms-causes/syc-20353294


What do you think of this article?