Sintomas at Sanhi ng Cervical Cancer | RiteMED

Sintomas at Sanhi ng Cervical Cancer

May 15, 2017

Sintomas at Sanhi ng Cervical Cancer

Ngayong buwan ay Cervical Cancer Awareness Month. Ayon sa United Nations health agency, mahigit 250,000 na kababaihan ang namamatay taun-taon sa buong mundo dahil sa cervical cancer, at 85% dito ay mula sa mga bansang nasa katergorya ng low at middle-income. Ang Pilipinas, ayon sa World Bank, ay kabilang sa mga bansang low to middle-income kung kaya't mahalagang malaman ng bawat Pilipina ang mga sanhi at sintomas ng cervical cancer.

 

Kilalanin ang Cervical Cancer

 

Ang cervix ay bahagi ng reproductive system ng babae na makikita sa pagitan ng vagina at matres. Ito ay tinatawag na 'kwelyo ng matres.' Hindi nacocontrol ang mga abnormal cells sa cervix ng babaeng may cervical cancer. Bawat taon, 6,000 Pinay ang nadidiagnose ng cervical cancer.

 

Ang sanhi ng kanser ng cervix ay ang virus na tinatawag na Human Papillomavirus o HPV. Ang HPV ang siya ring nagdudulot ng kulugo sa balat. Ang HPV ay kadalasang nakukuha ng mga babae sa pamamagitan ng pakikipagtalik. Nakukuha din ito sa pamamagitan ng skin-to-skin contact ng mga ari. Gayunpaman, hindi lahat ng HPV ay nagdudulot ng cervical cancer.

 

Mga Senyales ng Cervical Cancer

 

  1. Abnormal na pagdurugo ng ari.

Karamihan ng mga babaeng may cervical cancer ay nakakaranas ng pagdurugo ng ari pagkatapos o habang nakikipagtalik, pagkatapos ng menopause at sa pagitan ng regla. Habang kumakalat ang kanser sa mga kalapit na tissue sa cervix, nagkakaroon ng mga abnormal na maliliit ng ugat na madaling masira at nagdudulot ng pagdurugo.

  1. Kirot habang nakikipagtalik.

Ang sintomas na ito ay nangangahulugang ang cervical cancer ay malala na at kumalat na sa mga tissue at reproductive orgran.

  1. Pananakit ng balakang.

Ang pananakit ng balakang ay karaniwan sa mga babae lalo na kung mayroong dysmenorrhea. Ngunit kung ang sakit ay mas mahaba kaysa sa normal, maaaring sintomas na ito ng cervical cancer. Ang babaeng may cervical cancer ay maaaring makaranas ng pananakit ng balakang sa di inaasahang oras. Ang sintomas na ito ay hindi lumalabas hangga't hindi pa malala ang kanser.

  1. Abnormal na vaginal discharge.

Ang likidong lumalabas sa mga babae na medyo malinaw at walang amoy ay normal. Ngunit kung mas madami, may amoy at kakaiba ang itsura ng discharge, maaaring isa itong sintomas ng cervical cancer. Kapag mayroong kanser ng cervix, ang discharge ay maaaring kulay brown, matubig tubig at may kahalong dugo.

  1. Pananakit ng ari habang umiihi

Ang sintomas na ito kasama ng madalas na pag-ihi at pagbabago sa itsura ng ihi ay nangyayari kung ang kanser ay umabot sa kalapit na tissue.

 

undefined

 

 

  1. Pagbabago sa dami at haba ng regla.

Isa mga karaniwang senyales ng cervical cancer ay ang pagbabago sa regla. Ito ay dulot ng pagkalat ng kanser sa cervix. Masasabing madami ang regla kung ang pagpapalit ng napkin ay kada dalawang oras.
 

Mahalagang magpakonsulta agad sa doktor kung mayroon kahit isa sa mga senyales na ito dahil ang early detection ng kahit anong kanser ang pinakamabisang paraan para talunin ito.

 

Cervical Cancer Screening Tests

 

undefined

 

 

Karamihan ng mga kaso ng cervical cancer ay maiiwasan kung maagang na-detect at nagamot ang abnormal cells sa cervix. Ang pinaka basic na screening test para sa cervical cancer ay ang Schiller's test. Sa pagsusuring ito, ang cervix ay pinapahiran lamang ng iodine o potassium iodine at saka oobserbahan. Kung nasa magadang kundisyon ang cervix, magiging kulay mahogany brown ito ngunit kung ito ay positibo sa pre-cancer lesions, ang pinahirang bahagi ay mamumuti.

 

Mayroon ding tinatawag na Pap Test o mas kilala sa tawag na Pap Smear. Sa Pap Test, gumagamit ang doktor ng speculum para suriin ang vagina at cervix at para kumuha ng cells at mucus mula sa cervix. Ang mga cell na ito ay ay susuriin para malaman kung ito ay normal.

 

Ang mga cells na nakuha sa Pap Test ay maaaring gamitin para naman sa HPV Test. Maaaring makita ng pagsusuri na ito ang mga high-risk na uri ng HPV na karaniwang nakikita sa cervical cancer.


Sources:

  • The Daily Tribune Date 26 Mar 2017 - The threat of HPV: More than just cervical cancer
  • Peoples Journal Sunday Date 05 Feb 2017 - WHO recommends vaccine against cervical cancer for young Pinays
  • Sun Star Baguio Date 25 March 2017 - Getting to know cervical cancer
  • http://www.top10homeremedies.com/news-facts/10-warning-signs-of-cervical-cancer-you-should-not-ignore.html
  • http://kalusugan.ph/mga-kaalaman-tungkol-sa-cervical-cancer/
  • http://www.parentherald.com/articles/39611/20160427/warning-signs-cervical-cancer-help-early-treatment.htm
  • http://www.nccc-online.org/hpvcervical-cancer/cervical-cancer-screening/
  • https://www.cancer.gov/types/cervical/pap-hpv-testing-fact-sheet#q2
  • http://kalusugan.ph/mga-kaalaman-tungkol-sa-cervical-cancer/
  • http://www.webmd.com/cancer/cervical-cancer/cervical-cancer-topic-overview#

What do you think of this article?