Signs, Causes, Treatment, at mga Dapat Malaman Tungkol sa Anemia | RiteMED

Signs, Causes, Treatment, at mga Dapat Malaman Tungkol sa Anemia

January 17, 2020

Signs, Causes, Treatment, at mga Dapat Malaman Tungkol sa Anemia

Base sa isang pag-aaral ng Food and Nutrition Research Institute o FNRI, ang anemia o iron deficiency ay isa pa ring severe health problem dito sa bansa. Ayon sa kanila, apat sa sampung bata na ang edad ay anim hanggang 11 na buwan, at isa sa sampung school-aged children ang anemic. Maliban sa kanila, prone rin sa anemia ang mga buntis at bagong panganak na mga babae.

 

Ano ang anemia?

Ang anemia ay isang kondisyon kung saan mayroong kakulangan ng red blood cells o hemoglobin sa katawan. Kapag masyadong kaunti ang red blood cells, hindi makakakuha ng sapat na dami ng oxygen ang katawan.

 

Mga sanhi ng anemia

Maraming medical conditions ang nagiging anemia causes. Ang ilan sa mga karaniwang sanhi ay ang: Iron Deficiency

 

Kung kulang ang dami ng iron sa loob ng katawan, pwede itong magdulot ng anemia. Madalas itong nangyayari kapag hindi tama ang diyeta na sinusunod, kaya nagiging kulang ang iron intake. Pero minsan, nagkaka-iron deficiency anemia rin ang isang tao kung mayroon silang stomach ulcer o ibang source ng mabagal at tuloy-tuloy o chronic na pagdudugo.

 

Anemia dahil sa Poor Nutrition

undefined

Kailangan ang vitamins at minerals para madagdagan ang supply ng red blood cells sa katawan. Meaning, ang anemia ay pwede ring mag-develop kung may kakulangan sa mga ito, tulad ng Vitamin B12, Folic Acid, Vitamin A, at Vitamin C. Tulad ng iron deficiency anemia, mali o di sapat na nutrition sa diyeta rin ang karaniwang sanhi ng anemia na ito.

 

Anemia dahil sa Sakit o Active Bleeding

Minsan naman, pwede ring magdulot ng anemia ang kidney disease. Naglalabas ang kidney ng isang hormone na tinatawag na erythropoietin, at tumutulong sa bone marrow sa paggawa ng red bloof cells. Para sa mga taong may kidney disease, nababawasan ang production ng hormone na ito, kaya nababawasan rin ang paggawa ng red blood cells.

 

Kung hindi naman dahil sa sakit, may mga kaso rin na sugat na nagdurugo ang nagiging dahilan ng anemia.

 

Sintomas ng anemia

May mga general na senyales ang anemia, na makikita kahit ano man ang sanhi ng sakit na ito. Pero, may anemia symptoms rin na nagdedepende sa klase ng anemia na meron ang isang tao.

 

Ilan sa mga general symptoms of anemia ay ang:

  • Fatigue at loss of energy, o ang mabilis na pagkapagod
  • Mabilis na pagtibok ng puso, lalo na kapag nag-eehersisyo
  • Hirap sa paghinga o shortness of breath, lalo na kapag nag-eehersisyo
  • Sakit ng ulo, lalo na kapag nag-eehersisyo
  • Hirap sa pag-focus o pag-concentrate
  • Pagkahilo
  • Pamumutla ng balat
  • Leg cramps o pulikat
  • Insomnia o hirap sa pagtulog

 

Para naman sa mga anemia signs na nakikita lamang sa partikular na klase ng anemia, narito ang ilan sa kanila:

 

Iron Deficiency Anemia

  • Craving o pagkagutom para sa mga kakaibang bagay tulad ng papel, yelo, o alikabok (isang kondisyon na tinatawag na pica)
  • Pataas na pagtubo ng kuko, para magmukhang kutsara (isang kondisyon na tinatawag na koilonychias)
  • Pamamaga ng bibig na may mga sugat sa gilid

 

Anemia dahil sa Poor Nutrition

  • Pins and needles, o ang pamimitig sa ilang parte ng katawan
  • Panghihina ng muscles
  • Namamaga at namumula na dila
  • Singaw o mouth ulcers

 

Kung napapansin ang mga sintomas na ito, maiging magpatingin sa doktor at nang masuri ng maayos.

 

Paano ginagamot ang anemia?

Ang anemia treatment ay nakadepende rin sa cause nito.

undefined

Kapag mayroong iron deficiency anemia, madalas ay nagpapainom ang doktor ng iron supplements, o kaya naman nagbibigay ng iron rich diet. Halimbawa, mataas ang shellfish (tahong, oyster, clams), atay, beans, red meat, at brocolli sa iron, kaya baka ipadagdag ito ng doktor sa diyeta.

 

Isa sa mga pwedeng ireseta ng doktor ay ang RiteMED Ferrous Sulfate Folic Acid, na magandang prevention o treatment para sa iron deficiency anemia.

undefined

Gamot o diet rin ang posibleng treatment kung poor nutrition o vitamin deficiency naman ang sanhi ng sakit. Malamang ay magrereseta ang doktor ng dietary supplement, o kaya naman ng mga pagkain na mataas sa bitaminang kulang sa katawan.

 

Pero kung blood loss ang dahilan - maliban na lamang sa pagreregla - kailangan mahanap ang source of bleeding at mapigilan ito. Baka kailanganin nito ng surgery, depende sa source at lebel ng pagdudugo.

 

Para naman sa anemia na dulot ng chronic disease, mas bibigyan ng doktor ng atensyon ang sakit na nagbibigay ng anemia. Halimbawa, kung kidney disease ang sanhi ng anemia, mas gagamutin ng doktor ang kidney disease kaysa sa mismong anemia. Ito ay dahil ang anemia na nararanasan ay isa lamang senyales o epekto ng chronic disease.

 

Tamang Alaga para sa Anemia

Isang karaniwang problema o sakit para sa maraming Pilipino ang anemia. Mabuti na lamang at ito ay sakit na pwedeng kontrolin, kung alam natin ang mga sanhi at sintomas na dapat abangan, at kung magpapatulong tayo sa doktor upang magamot ng tama.

 

 

Sources:


What do you think of this article?