Paano Tulungan ang Anak sa Kanilang Unang Period? | RiteMED

Paano Tulungan ang Anak sa Kanilang Unang Period?

October 15, 2021

Paano Tulungan ang Anak sa Kanilang Unang Period?

Bilang isang magulang na may anak na babae, maaari kang makaramdam ng kaunting pagkabalisa habang siya ay nagdadalaga. Mas mahirap ito para sa mga ama na walang personal na karanasan sa mga bagay tulad ng “dalaw” o menstrual period.

 

Ang menstruation at ang mga hormonal changes na nararanasan ng mga kababaihan habang sila ay nasa puberty ay maaaring maging nakakagulat at nakakapag-worry. Normal lang rin na hindi maging komportable na pag-usapan ang ganitong mga bagay.

 

Bagaman ito talaga ang madalas mangyari, hindi mo ito mapipigilan -- tulad din ng kaniyang unang menstrual period. Magiging challenging ito para sa iyo at sa iyong anak, ngunit huwag kang mag-aalala, malalampasan niyo ito.

 

Ang menstrual periods ay awkward, masakit, at minsan ay nakakakaba. Ang unang menstrual period ng iyong anak ay nagpapahiwatig din ng simula ng isang napakahalagang panahon sa kanyang buhay

 

Kung mayroon kang isang anak na babae na nasa pagitan ng edad na 9 at 15 o higit pa, ang kaniyang first menstrual cycle ay maaaring dumating anumang oras. Bilang magulang, mahalaga na maglaan ka ng panahon upang ihanda ang iyong sarili upang malaman mo nang eksakto kung ano ang gagawin sa unang pagkakataon na magkaroon ng "bisita" ang iyong anak.

 

Narito ang ilang mahahalagang tips na maaari mong sundin:

 

Tips Para Suportahan Ang Iyong Anak sa Kaniyang Unang Menstrual Period

 

undefined

Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/asian-mother-saying-goodbye-her-daughter-1099166561

 

Maghanda ng "period kit."

Maraming mga batang babae ang natatakot na "datnan" sila habang nasa paaralan o kapag wala sila sa bahay. Upang matulungan ang iyong anak na maging handa, bumili ng isang maliit na bag na may zipper at lagyan ito ng ilang piraso ng malinis na sanitary pads at isang malinis na pares ng damit na panloob. Sabihin sa iyong anak na babae na panatilihin ang kit sa kanila sa lahat ng oras, at siguraduhin na mayroon ka rin, kung sakali.

 

I-comfort mo ang iyong anak.

Maaari kang magsimula sa pamamagitan ng pagsasabi sa iyong anak na normal lang ang magkaroon ng cramps, sakit sa likod, o "tender breasts" bago o habang mayroon siyang period. Bigyan mo rin ang iyong anak ng heating pad na pwede niyang ilagay sa kaniyang puson kapag sumakit ito. Maaari mo rin siyang bilhan ng pain relief medicines tulad ng RM Mefenamic Acid o RM Ibuprofen.

 

Samahan sa doktor kapag may problema.

Ipakonsulta agad sa doktor ang iyong anak kung nararanasan niya ang mga sumusunod:

 

  • Nasasaktan siya kapag pinapasok o tinatanggal ang isang tampon.
  • Ang kaniyang periods ay dumarating nang mas maaga (hindi every 21 days) o higit sa 45 araw ang agwat.
  • Mayroon siyang "heavy periods" o cramps na sanhi ng dysmenorrhea o iba pang menstrual disorder.

 

Sa pagsisimula ng menstrual cycle ng iyong anak, normal lang na pareho kayong mabalisa at mataranta. Ngunit ito ay isang malaking milestone sa kanyang buhay, kung kaya't dapat niyo itong pahalaghan at ipagdiwang kaysa katakutan. Sa kaunting paghahanda at pag-unawa, pareho kayong makakalusot sa kanyang unang menstrual period ng walang anumang mga problema. Maglaan ka rin ng oras upang malaman ang tungkol sa female reproductive system at menstrual cycles, at ipaalam sa iyong anak na lagi kang nandiyan upang makipag-usap at sagutin ang anumang mga katanungan na mayroon siya. Ang pagpapanatiling bukas ng mga linya ng komunikasyon ay lubhang mahalaga.

 

Sources:

https://nannocare.com/blogs/news/surviving-your-daughter-s-first-period-a-dad-s-point-of-view

https://always.com/en-us/tips-and-advice/the-talk/helping-her-manage-her-period-cramps

https://www.webmd.com/parenting/features/daughters-first-period-how-to-prepare# 



What do you think of this article?