Paano gawing COVID-free ang inyong bahay? | RiteMED

Paano gawing COVID-free ang inyong bahay?

July 21, 2021

Paano gawing COVID-free ang inyong bahay?

Isa sa mga paraan upang maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease o Covid19 ay ang pananatili sa loob ng ating mga tahanan. Ngunit ang nakakahawang sakit na ito ay possible ring kumalat sa loob ng bahay. Hindi maiiwasan na may mga miyembro ng ating pamilya ang lumalabas upang magtrabaho o bumili ng mga essential items. 

 

Paano makakasiguro na hindi makakapasok ang Covid virus sa loob ng inyong bahay?  Alamin ang ilang mga covid 19 prevention tips na ito upang mapigilan ang pagkakaroon ng Covid 19 infection sa inyong pamilya. 

 

Mag set-up ng sanitizing station sa inyong bahay

 

Mahalagang ang bawat taong lumalabas ng bahay ay mag disinfect nang mabuti bago pumasok ng inyong tahanan. Mag-set up ng sanitizing station malapit sa pinto o sa area kung saan lumalabas at pumapasok ang mga miyembro ng pamilya.  Siguraduhing madaling makuha ang mga sanitizing essentials tulad ng alcohol, hand sanitizer, disinfecting wipes at disinfecting spray. Maglagay din ng container or storage para sa maduduming damit at sapatos na kailangang labhan o linisin kaagad.

 

Doblehin ang pag-iingat kapag lalabas ng bahay

 

Kung hindi maiiwasang lumabas ng bahay, siguraduhing sumunod sa mga hakbang tungo sa prevention of covid 19.  Isa na rito ang pagsunod sa social distancing protocol. Ayon sa World Health Organization, mahalagang hindi bababa sa 1 metrong ang pagitan mo mula sa ibang tao. Magsuot ng face mask at iwasang hawakan ang iyong mukha. Makatutulong din ang pag pahid ng alcohol o disinfectant wipes bago humawak sa mga grocery cart, shopping basket o iba pang pampublikong gamit na kailangan mong hawakan.

 

Ugaliin ang tamang paglinis ng katawan pag uwi sa bahay

 

Siguraduhing malinis ang iyong kamay bago humawak ng doorknob at mga gamit sa bahay upang maiwasan ang pagkalat ng germs. Pagdating sa bahay, hugasan ang kaagad ang kamay gamit ang tubig at sabon sa loob ng 20 seconds. Maari ring mag-disinfect ng kamay gamit ang alcohol.

 

Mahalaga rin na iligpit nang maayos ang pinagbihisan at labhan ang damit nang mabuti. Pag galing sa labas, ugaliin maligo bago makisalamuha sa mga kasama sa bahay.

 

undefined

Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/coronavirus-wiping-down-grocery-packages-after-1692073693

 

Isagawa ang tamang pag-disinfect ng mga gamit na galing sa labas ng bahay

 

Bukod sa paglinis ng katawan, mahalaga ring linisin ang mga bagay na galing sa labas ng bahay. Sa inyong sanitizing station, ugaliing mag disinfect ng mga packages, take-out food boxes, grocery items, susi, mobile phone, bags, shoes at iba pa.  Hugasan ding mabuti ang mga pinamiling gulay, prutas o karne bago ipasok sa inyong ref.

 

Maging maingat sa pagtanggap ng mga delivered packages

 

Dahil sa Covid19 Philippines, hindi maiiwasang madalas na tayong nagpapadeliver ng mga pagkain at gamit. Siguraduhin lang na kahit sa pagtanggap ng mga ipinadeliver na packages ay nasusunod pa rin ang social distancing measure.  Hanggat maari, sabihan sa delivery staff na ilagay na lamang ang package sa doorstep or gate. Siguraduhing six feet ang layo mo sa delivery staff na magdadala ng package. Makatutulong din kung online payment ang gamiting mode of payment para maiwasan ang pag abot ng pera.

 

Palakasin ang resistensya ng bawat miyembro ng inyong pamilya

 

Bukod sa mga hakbang para mapigilan ang pagpasok ng Covid virus sa inyong tahanan, mahalaga rin na patibayin ang resistensya ng inyong pamilya sa pamamagitan ng tamang pagkain, sapat na tulog at ehersisyo.  Para masiguro ang sapat na bitamina para labanan ang sakit, importante rin ang pag inom ng Vitamin C supplement. Bigyan ang inyong mga anak ng RiteMed Ascorbic+Zinc (Zinc-C) Syrup para lalong lumakas ang kanyang resistensya.

 

Posibleng maiwasan ang Covid Philippines infection. Gawin ang mga COVID prevention tips sa article na ito upang mapanatiling COVID-free ang inyong bahay.  Ugaliin ang proper hygiene, social distancing measures at palakasin ang resistensya ng bawat miyembro ng inyong tahanan.

 

 

Sources:

https://edition.cnn.com/2020/04/20/health/coronavirus-prevention-tips-trnd/index.html

https://www.safehome.org/resources/keeping-house-clean-flu-coronavirus/


What do you think of this article?