Paano ba Magbawas ng Timbang Ngayong Pandemic? | RiteMED

Paano ba Magbawas ng Timbang Ngayong Pandemic?

July 21, 2021

Paano ba Magbawas ng Timbang Ngayong Pandemic?

Extra pandemic weight? Hindi ka nag-iisa! Marami sa atin ang problemado ngayon dahil sa madami-daming nadagdag na timbang mula ng magkaroon ng COVID-19 pandemic. Isa sa mga dahilan kung bakit marami ngayon ang nagsipagtaba ay dahil sa trending na comfort food recipes na matatagpuan sa iba't ibang social media platforms. Maliban dito, marami sa atin ang naging less active at, sabi nga ng iba, “eating more and eating mindlessly.”

 

Ngunit huwag mag-alala. Madaming weight loss tips na maaari mong subukan upang bumaba ang iyong timbang at maging mas malusog. Maliban sa pag-exercise, maaari mong gawin ang sumusunod to lose weight:

 

  1. Idagdag ang high-fiber foods sa iyong diet plan.

Ang mga pagkain na naglalaman ng maraming fiber ay maaaring makatulong sayo na iparamdam na lagi kang busog, na perpekto para sa pagbabawas ng timbang. Ang fiber ay makikita lamang sa mga pagkain mula sa mga halaman, tulad ng prutas at gulay, oats, whole grain bread, brown rice at pasta, maging sa beans, peas, at lentils.

 

undefined

Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/food-delivery-service-woman-groceries-box-1413785666

 

  1. Tigilan na ang junk food.

Upang maiwasan ang udyok ng junk foods, huwag maglagay ng chocolates, biscuits, softdrinks, at iba pang uri nito sa inyong refrigerator o lalagyan ng pagkain. Sa ganitong paraan, hindi ka mate-tempt na kumain ng mga pagkain na ito na nagbibigay ng maraming calories ngunit kaunting nutritional value.

 

  1. Huwag kalimutan mag-almusal.

Skipping breakfast will not help you lose weight. Actually, maaari mong mamiss-out ang ilang essential nutrients kung hindi ka nag-aalmusal, at mapipilitan ka pang kumain ng higit sa kinagawian dahil sa gutom na iyong mararamdaman. Maliban dito, ang pagkain sa regular na oras tuwing umaga ay nakakatulong sa pag-burn ng calorie at a faster rate.

 

  1. Uminom ng mas maraming tubig.

Marahil ay narinig mo na ito dati, ngunit ito ay subok at totoo: Ang pag-inom ng tubig ay maraming benepisyo sa kalusugan. Kailangan ng tubig para sa bawat proseso sa ating katawan, kabilang na ang healthy circulation, digestion, at waste elimination.

 

  1. Eat more mindfully.

Ang pagkain ng may focus ay makakatulong sayo na mag-tune in sa "hunger" at "fullness cues" ng iyong katawan, i-boost ang  enjoyment mo sa pagkain, at kumain ng fewer calories ng hindi sinasadya. Kung bago sayo ang konsepto, mayroong dalawang paraan para simulan ito. Una, subukang kumain ng at least one meal a day ng hindi nagmu-multitasking (walang cellphone, laptop, etc.). Maaaring nakakapanibago sa una, ngunit ang practice na ito ay maaaring makapagpabago ng iyong eating experience. Gayundin, maglaan ng limang minuto kada araw upang makinig sa isang guided meditation, preferably bago ka kumain.

 

  1. Uminom ng Ritemed Fibermate.

How to lose weight effectively? Uminom ng Fibermate! Ang fiber supplement na ito mula sa Ritemed ay mabisa pagdating sa pagbabawas ng timbang at kapag ikaw ay may constipation. Uminom lang ng 1 sachet (5.4g) isa hanggang tatlong beses sa isang araw matapos kumain.

 

Conclusion

 

Ang pagtaas ng timbang ay humahantong sa obesity, na isang risk factor para sa sakit sa puso, stroke, diabetes, ilang uri ng cancer, Alzheimer's disease, at iba pang mga sakit. Mayroong mga argumento ang ilan sa atin tulad ng, “Maaari ka bang maging obese ngunit healthy pa rin?” Bagaman may mangilan-ngilan na tao na obese ngunit walang signs ng kahit anong health problems, mataas pa rin ang risk nila sa mga sakit na nabanggit.

 

In general, ang pagtaas ng timbang ay humahantong pa din sa obesity, na nagdadagdag ng panganib para sa iba pang mga problema sa kalusugan. Kung kaya, mag-exercise to lose weight at gawin ang mga tips na aming binanggit sa taas. Huwag ding kalimutan bumili ng Ritemed Fibermate upang mas mapabilis ang iyong pagpapayat. Ano pang hinihintay mo? Bangon na at simulan mo nang gawin ang aming mga advice.

 

Sources:

https://www.health.com/weight-loss/losing-weight-gained-during-the-pandemic

https://www.nhs.uk/live-well/healthy-weight/12-tips-to-help-you-lose-weight



What do you think of this article?