Nagkakaroon ba ng Ringworm ang mga Bata? | RiteMED

Nagkakaroon ba ng Ringworm ang mga Bata?

October 15, 2021

Nagkakaroon ba ng Ringworm ang mga Bata?

Mahirap para sa mga bata ang magkaroon ng sakit sa balat tulad ng ringworm. Bukod sa pangangating dulot nito, ang ringworm din ay maaaring magdulot ng pagbaba ng self-confidence ng bata. Dahil sa mala-uod na itsura ng skin problem na ito, maaaring mahiya ang bata na humarap sa ibang tao.

 

Ang ringworm o buni ay isang uri ng rashes na mukhang mamula mulang uod. Isa itong nakakahawang fungal infection na tinatawag na tinea o dermatophytosis. Para mabigyan ng agarang treatment ang mga bata, mahalang maintindihan kung ano nga ba ang ringworm, mga sanhi nito, at mga ringworm symptoms.

 

What is Ringworm?

 

Maraming klase ng fungi ang maaaring magdulot ng buni. Ang klase ng fungi na nagdudulot ng impeksyon ng ringworm skin ay maaaring nakatira sa damit, tuwalya, at iba pa. Ang ganitong klase ng impeksyon ay maaaring kumalat mula sa isang tao papunta sa iba, lalo na kung nanghihiram ang mga gamit.

 

Para sa mga sanggol, ang buni ay isang mahinang impeksyon ngunit ito ay maaaring makati or masakit. Kung walang ringworm treatment, maaaring kumalat ang rash. Pag kinamot ng sanggol ang rashes, possible itong magdulot ng panibagong bacteria sa sugat at mauwi sa mas malalang impeksyon.

 

Tumataas ang peligro ng pagkakaroon ng buni ng isang bata kung siya ay:

  • Malnourished
  • Mababa ang hygiene
  • Nakatira sa mainit na klima
  • Nakikihalubilo sa ibang bata o alagang hayop na may ringworm
  • Mababa ang resistensya

 

Iba’t ibang ringworm skin infections

 

Isa sa mga madalas na klase ng buni ay ang scalp ringworm na madalas ay makikita sa mga batang nasa edad 2 hanggang 10 at madalang sa matatanda. Ang ganitong klase ng ringworm ay nagdudulot ng hair loss sa anit, pangangati ng anit, pamamantal ng anit at pagkalat ng rashes sa katawan. Ito rin ay maaaring humantong sa mas malalang impeksyon ng anit kung hindi  malulunasan.

 

Ang tinea corporis o tinatawag na body ringworm naman ay ang pagkakaroon ng ring-like rashes sa katawan o mukha. Ito ay maaaring makuha ng kahit na anong edad at mas madalas makuha ng mga taong nakatira sa lugar na may mainit na klima. Ang madalas na sintomas ng ganitong buni ay makati at namumulang pabilog na sugat.

 

undefined

Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/ring-worm-infection-dermatophytosis-on-skin-487261879

 

 

Ringworm treatment

 

Dahil ang fungi ay maaaring manatili sa balat ng mahabang panahon, at mataas ang tyansa na umulit ang buni, ang ringworm treatment ay maaaring kailanganing ulit-ulitin. Ang tiyak na lunas ay kailangan matukoy ng doktor base sa:

  • Edad, kalusugan, at medical history ng bata,
  • Lala ng buni,
  • Lokasyon ng ringworm,
  • Tolerance ng bata sa gamot, therapy, at procedure

 

Bilang lunas sa buni, maaaring gumamit ng RM Tolnaftate ointment. Ito ay isang anti-fungal topical cream na pumipigil sa paglaki at pagdami ng dermatophytes na sanhi ng buni. Maari ring iprescribe ng doktor ang clotrimazole, miconazole, at terbinafine, depende sa kalagayan ng bata.

 

 

Source:

https://www.medicalnewstoday.com/articles/324565

https://childrensnational.org/visit/conditions-and-treatments/skin-disorders/fungal-infections


What do you think of this article?