Mga Signs ng Pagbubuntis | RiteMED

Mga Signs ng Pagbubuntis

January 19, 2018

Mga Signs ng Pagbubuntis

Ang pagbuo ng pamilya ay isa sa mga pinaka-inaasam ng mga bagong kasal. Ang pagbubuntis ay isang maselang bahagi ng buhay ng isang babae, kung kaya’t importanteng malaman ang mga signs ng pagbubuntis at ano nga ba ang dapat gawin kapag buntis. Gayun pa man, hindi lahat ng mga babae ay magkaparehas at hindi lahat ng mga babae ay magkaparehas ng signs na ipinapakita tuwing buntis. Ang ilan sa mga ito ang mga common na signs ng pagbubuntis:

Signs and symptoms

Timeline (simula ng paglampas sa regla)

Pulikat at spotting

Week 1 to 4

Paglampas sa regla

Week 4

Fatigue o pagkapagod

Week 4 to 5

Nausea o pagkahilo

Week 4 to 6

Pagsakit ng breasts

Week 4 to 6

Dalas ng pag-ihi

Week 5 to 6

Bloating

Week 6

Motion sickness o pagkahilo dulot ng pag-galaw

Week 6

Mood swings o pagbago ng pakiramdam

Week 8

Extreme fatigue o matinding pagkapagod at heartburn

Week 9

Mabilis na pagtibok ng puso

Week 8 to 10

Pagbabago sa anyo ng breasts and nipple

Week 11

Weight gain o pagdagdag ng timbang

Week 11

Pregnancy glow

Week 12

Kung inaakalaa mo na ikaw ay buntis, maaari kang gumamit ng pregnancy test. Pagkatapos ma-fertilize ng egg, lumalakbay ito patungo sa uterus o womb kung saan idinidikit nito ang kanyang sarili. Sa stage na ito, mayroong maliliit na particles ng hormone na kung tawagin ay hCG na maaaring ma-detect sa ihi. At ang hormone na ito na dine-detect ng mga pregnacy test upang malaman kung ang isang babae ay buntis. May ilang mga pregnancy tests na masyadong sensitibo na maaari mo itong gamitin, anim na araw bago sa inaasahang bisita. Ang pregnancy test ay maaaring bilhin sa mga botika, subalit mas mabuti na gumamit ng higit sa isa bago kumonsulta sa Doktor upang makasigurado na ikaw ay nagdadalang tao. Kapag sigurado nang nagbubuntis, maaari nang pumunta sa Doktor para humingi ng pangalawang opinyon at magpasuri. Ang Doktor ang siyang mabibigay ng mga dapat at hindi dapat gawin ng mga buntis.

 

Sources:

  • http://uk.clearblue.com/pregnant/early-pregnancy-testing
  • https://www.healthline.com/health/pregnancy/early-symptoms-timeline#symptoms-timeline
  • https://www.webmd.com/baby/guide/pregnancy-am-i-pregnant#1
  • https://unsplash.com/photos/FKOjXAbJWlw

 

 

 



What do you think of this article?