Mga Karaniwang Tanong tungkol sa Dengue | RiteMED

Mga Karaniwang Tanong tungkol sa Dengue

October 15, 2021

Mga Karaniwang Tanong tungkol sa Dengue

Ang dengue, na tina-transmit ng Aedes mosquito, ay isa sa pinakamabilis na kumalat na vector-borne communicable diseases sa WHO Southeast Asia Region. Ito ay nakamamatay kaya binibigyang-diin ang pag-iingat mula sa sakit na ito.

 

Sasagutin ng article na ito ng Ritemed ang ilan sa pinaka madalas na mga tanong tungkol sa dengue. Sa ganoong paraan, maraming tayong matutulungan na maging aware tungkol sa dengue.

 

Question No. 1: What is dengue?

 

Ang dengue fever ay isang malubhang sakit na dulot ng isang virus, na kumakalat sa pamamagitan ng kagat ng isang infected Aedes mosquito. Paminsan-minsan, ang pasyenteng dumaranas ng dengue ay maaaring magkaroon ng mga komplikasyon tulad ng pagdurugo mula sa ilong, gilagid o balat. Minsan rin, ang pasyente ay maaaring magkaroon ng pagsusuka na mukhang katulad ng giniling na kape. Ito ay nagpapahiwatig ng pagdurugo sa gastrointestinal tract at ito ay malubha. Ang isang pasyenteng may dengue na nakakaranas ng pagdurugo ay may dengue haemorrhagic fever (DHF). Sa mga bihirang pagkakataon, ang pasyenteng dumaranas ng dengue ay maaaring magkaroon ng shock o hindi sapat na sirkulasyon ng dugo, na tinatawag na dengue shock syndrome (DSS).

 

Question No. 2: Paano kumakalat ang dengue?

 

Ang dengue ay kumakalat sa pamamagitan ng kagat ng Aedes mosquito. Ang lamok ay nagta-transmit ng sakit sa pamamagitan ng pagkagat sa isang taong infected at pagkatapos ay pagkagat din sa iba. Para makaiwas, ugaliin ang paggamit ng mga RM Denguetrol. Mabisa itong panlaban sa dengue dahil nagbibigay ito ng 8 oras na proteksyon laban sa mga lamok na nagdadala ng virus.

 

Question No. 3: Gaano kabilis lilitaw ang dengue symptoms pagkatapos ng exposure?

 

Ang oras sa pagitan ng kagat ng lamok na may dalang dengue virus at ang simula ng mga sintomas ay nasa 4 hanggang 6 na araw, na may saklaw na 3-14 na araw. Hindi nakakahawa sa iba ang isang tao na infected ng virus sa pamamagitan ng direct contact, pero maaari silang maging source ng dengue virus ng mga lamok sa loob ng humigit-kumulang 6 na araw. Ang signs of dengue na ikinaiba nito sa iba pang sanhi ng lagnat ay ang pananakit sa likod ng mata, matinding pananakit ng kalamnan, matinding pananakit ng kasukasuan, at mga pantal sa balat.

 

Question No. 4: Sino ang nasa panganib para sa dengue?

 

undefined

Source:https://www.shutterstock.com/image-photo/little-girl-has-allergies-mosquitoes-bite-1463672858

 

Maaaring magkaroon ng dengue fever ang sinumang makagat ng dengue mosquito. Ang risk factors para sa dengue haemorrhagic fever ay kinabibilangan ng edad at immune status ng isang tao, pati na rin ang uri ng nakakahawang virus. Ang mga taong dati nang nahawaan ng isa o higit pang mga uri ng dengue virus ay sinasabing na mas malaki ang panganib na magkaroon ng dengue haemorrhagic fever kung muling mahawaan.

 

Question No. 5: Maaari bang mahawaan ng dengue virus ang isang tao pero hindi ito makakaramdan ng sintomas o magkakaroon ng sakit?

 

Oo. Maraming tao ang nahawaan ng virus at hindi dumaranas ng anumang mga palatandaan o sintomas ng sakit. Para sa bawat pasyente na may mga sintomas at senyales, maaaring mayroong apat o limang tao na walang sintomas o napaka banayad na sintomas.

 

Question No. 6: Paano gamutin ang dengue? Nalulunasan ba ito?

 

Wala pang dengue treatment na available sa panahon natin ngayon. Hindi nakakatulong ang mga antibiotic, at kailangang iwasan ang aspirin at ibuprofen dahil maari nilang dagdagan ang panganib ng pagdurugo. RM Paracetamol ang madalas na iniinom ng mga taong may dengue para mapababa ang lagnat at pananakit ng kasukasuan. Lubos na maingat ang mga doktor kapag nagrereseta ng mga gamot sa taong may dengue dahil ang anumang gamot na nagpapababa ng bilang ng platelet ay dapat na iwasan.

 

Question No. 7: Maaari bang gamutin ang dengue fever sa bahay?

 

Karamihan sa mga pasyente na may dengue fever ay maaaring gamutin sa bahay. Ang importante ay ang makapag pahinga sila, uminom ng maraming likido, at mapanatili ang kanilang nutritious diet.

 

Ilan lamang ito sa mga common questions tungkol sa dengue na kailangan natin malaman ang sagot nang sa gayon ay maging aware tayo sa ating kapaligiran at makapag-doble ingat.

 

Sources:

http://www.iictenvis.nic.in/Database/Dengue_1311.aspx

https://doh.gov.ph/sites/default/files/%5BFAQs%5D%20Dengue.pdf

https://apps.who.int/iris/handle/10665/205083



What do you think of this article?