RiteMED | Iba't Ibang Klase ng Infection
Iba't Ibang Klase ng Infection

November 20, 2017

Pwede tayong makakuha ng mga impeksyon sa iba’t ibang bahagi ng ating katawan. Nanggagaling ang ibang mga impeksyon na ito sa bacteria at virus kapag nagkaroon ng masamang strain nito sa ating katawan.

Ang bacteria at virus ay matatagpuan kung saan-saan. Ang bacteria ay naniniharan sa kahit anong klima at lokasyon sa mundo. Kadalasan ito ay airborne o kung di naman ay matatagpuan sa dagat o lupa. Karamihan sa mga bacteria ay hindi totally makakasama kaagad sa katawan. Kung minsan maaari ring makatulong sa immunity ng katawan at makatulong sa magandang pag-digest ng pagkain.

Ang mga bacteria at virus ay maaaring kumalat at makuha sa:

  • Pag-ubo

  • Contact mula sa mga infected na tao, lalo na sa pamamagitan ng halik at pakikipagtalik

  • Maaring makuha din ito sa mga kontaminadong pagkain, tubig, o hayop, kabilang na dito ang mga alagang hayop o insekto.

 

Anu-ano ang mga bacterial infections na madalas maranasan?

Maraming iba’t ibang uri ng infection. Bawat impeksyon ay may nakalaang paunang lunas upang maagapan at hindi na makagawa ng mga bagay na makakapagpalala nito.

 

Mga Karaniwang Bacterial Infection na Pwedeng Makuha

Skin Infections

Ang balat ang pinakamalaking organ ng katawan. Ang tungkulin nito ay protektahan ang katawan sa mga infection. Minsan, ang balat na mismo ang naaapektuhan. Ang mild infections ay maaring malunasan ng mga over-the-counter na gamot (hyperlink). Samantala, ang mga malalang kondisyon naman ay nangangailan ng matinding atensyon at paunang lunas.

 

Iba’t ibang uri ng Skin Infections

  1. Bacterial Skin Infections

    • Ang bacterial skin infections ay nagsisimula sa maliliit at namumulang bumps habang dahan-dahang lumalaki. Ang ibang bacterial infection ay hindi malala at maaaring magamot ng mga antibiotic. Ang iba’t ibang uri ng bacterial skin infection ay:

      1. Cellulitis - Impeksyon sa dermal skin layers na nagbibigay ng pamumula at pananakit sa balat.

      2. Impetigo - Impeksiyon ng bakterya na nagiging dahilan ng mabilis na pagkalat ng singaw

      3. Pigsa - Ang boils o pigsa ay isang masakit na bukol at puno ng nana na namumuo sa ilalim ng balat

      4. Leprosy - Ang leprosy o ketong ay malubha na sakit sa balat. Ang mga taong meron nito ay may malulubhang sugat, nakasisira mga ugat, at madalas ay nanghihina.

  2. Viral Skin Infections

    • Ang viral skin infection ay nagmumula sa virus. Ang iba’t ibang uri ng viral infection ay:

      1. Chickenpox - Ang chickenpox o mas kilala sa tawag na ‘bulutong’ ay isang sakit na nanggagaling sa impeksyon dulot ng virus na varicella zoster. Ito ay may incubation period na maaring umabot ng 7-21 na araw bago magpakita ang mga sintomas gaya ng pangangati, lagnat, at ang pamamantal (rashes) sa balat.

      2. Kulugo - Ang kulugo ay maliit at magaspang na bukol na kalimitang makikita sa mga paa at kamay.

      3. Tigdas - Ang tigdas ay isang karamdaman kung saan nagkakaron ng pamamantal o rashes sa buong katawan

  3. Fungal Skin Infections

    • Isa sa maituturing na dulot ng fungal infection ay ang buni o ringworm. Ang buni ay maaaring matagpuan sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Sa paa, ito ay tinatawag na alipunga o athlete’s foot. Ito ay naipapasa sa pamamagitan ng pagdikit sa balat na may impeksyon, lalo na kung ito ay nasa paa. Ang alipunga ay mas pangkaraniwan sa mga lalaki magmula pagbibinata hanggang sa mga edad 50.

  4. Parasitic Skin Infections

    • Ang uri ng skin infection na ito ay nagmumula sa mga parasites. Ito mga infection na ito ay maaaring kumalat mula sa balat papunta sa dugo.

 

 

URINE INFECTION o UTI

Ang normal na ihi o urine ay walang bacteria ngunit hindi maiiwasan na may mga nakakapasok na mikrobyo sa loob ng katawan na nagdudulot ng urinary tract infection o UTI. Maaari nitong maapektuhan ang iba’t-ibang bahagi ng urinary system katulad ng impeksyon sa bato, impeksyon sa pantog  at impeksyon sa daluyan ng ihi (ureter at urethra).

 

ANG MGA SINTOMAS NG URINE INFECTION

  • Masakit na pag-ihi

  • Madalas na pag-ihi

  • Dugo o nana sa ihi

  • Kaunting paglabas ng ihi

  • Masakit na pakikipagtalik

  • Pagkahilo at pagsusuka

  • Panghihina ng katawan

  • Mas mapanghing ihi

 

SANHI NG URINE INFECTION

    Ang sanhi ng UTI ay ang mga bacteria na nakapasok sa daluyan ng ihi. Ito’y maaaring mangyari kung hindi malinis ang bahagi ng katawan, o dahil sa pakikipagtalik o sex. Maaari ding dahilan ang pagbubuntis, diabetes o paggamit ng birth control pills.

 

GAMOT SA URINE INFECTION

Ang pangunahing sanhi kung bakit nagkakaroon ng Urine Infection ang isang tao ay dahil sa bacteria. At ang pinaka epektibong gamot para dito ay ang paginom ng antibiotic. Ang mga karaniwang nireresetang antibiotics ng mga doktor ay:

  • Amoxicillin

  • Cephalosporins

  • Doxycycline

  • Ciprofloxacin

Upang maiwasan ang pagkakaroon ng Urine Infection, dapat ay uminom ng 6 hanggang 8 na baso ng tubig sa isang araw. Ugaliing linisin nang maigi ang genital area at umihi bago at pagkatapos ng pakikipagtalik upang matanggal ang mga bacteria na posibleng pumasok sa urethra.

 

KIDNEY STONES

Ang kidney ang nagtatanggal ng sobrang tubig at basura sa katawan,  nagsasaayos ng likido at mga kemikal na kailangan sa ating katawan, sumusupil sa presyon ng dugo. Ang sakit sa bato ay isang panganib sa kalusugan at buhay ng tao kung hindi matutuklasan ng maaga at mabibigyan ng kaukulang lunas.

 

SINTOMAS

  • Masakit na pantog, likod, at tagiliran

  • Pagkakaroon ng UTI o Urinary Tract Infection

  • Dugo sa ihi

  • Panghihina at panlalambot

 

PAG-IWAS SA PAGKAKAROON NG KIDNEY STONES

undefined

  1. Manatiling fit at aktibo

  2. Uminom ng maraming tubig

  3. Ugaliing kumain ng masusutansyang pagkain

  4. Pagbawas sa paninigarilyo

 

Kapag nakakaramdam na ng sakit, marapat na kumonsulta sa doktor ng mabigyan ng paunang lunas at mapigilan ang paglala ng sakit na ito.

Kahit ang impeksyon ay hindi gaanong malubha, nararapat pa rin na hindi ito ipagsawalang bahala. Kapag nakakaramdam na ng sintomas, siguraduhing humingi ng konsulta sa doctor upang maagapan habang maaga ang pagkalat at paglala ng impeksyon. Panatilihing malakas ang resistensya at kumain ng mga pagkaing makapagpapalusog at makapagpapatibay ng ating katawan.

References:

  • https://www.healthline.com/health/skin-infection#types
  • https://www.webmd.com/a-to-z-guides/bacterial-and-viral-infections
  • https://patient.info/health/urine-infection-in-men
  • http://kalusugan.ph/uti-o-impeksyon-sa-ihi-sanhi-sintomas-gamot-at-kaalaman/
  • https://www.webmd.com/men/tc/male-genital-problems-and-injuries-topic-overview#1

What do you think of this article?
Thanks for your rating!

Mag-subscribe sa aming newsletter
Makatanggap ng exclusive articles at health information mula sa RiteMED.