Iba't-ibang Immune System Disorders | RiteMED

Iba't-ibang Immune System Disorders

October 15, 2021

Iba't-ibang Immune System Disorders

Ang ating immune system ang depensa ng ating katawan laban sa mga impeksyon at iba pang "harmful invaders." Kung wala ito, lagi tayong magkakasakit dahil sa mikrobyo tulad ng bacteria at virus.

 

Ang ating immune system ay binubuo ng special cells, tissues, at organs na nagtutulungan upang protektahan ang ating katawan. Kabilang na rito ang lymphatic vessels, white blood cells, at marami pang iba.

 

Ang lymphatic system ay isang pangunahing bahagi ng immune system. Ito ay isang network ng lymph nodes at vessels. Ang lymphatic vessels ay manipis na tubo na kumakalat sa buong katawan, tulad ng mga daluyan ng dugo. Sila ang nagdadala ng isang malinaw na likido na tinatawag na “lymph.” Naglalaman ang lymph ng tissue fluid, waste products, at immune system cells. Ang lymph nodes ay ang maliliit at hugis-bean na clumps ng immune system cells. Ang mga ito ay konektado sa pamamagitan ng mga lymphatic vessel. Naglalaman ang mga ito ng white blood cells na pumupuksa sa mga virus, bacteria, at iba pang invaders (tulad ng cancer cells).

 

Ang white blood cells ay mga selula ng immune system. Ginagawa ang mga ito sa isa sa ating lymph organs tulad ng spleen o thymus, at sa bone marrow.

 

Ano ang madalas na problema ng ating immune system?

 

undefined

Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/asian-men-cough-sneeze-because-they-1706844190

 

Kapag hindi gumana ang ating immune system sa paraang dapat, tinatawag itong isang immune system disorder. Maaaring:

  • Ipanganak ka na immunocompromised o may mahinang immune system. Tinatawag itong "primary immune deficiency."
  • Nakakuha ka ng isang sakit na nagpapahina sa iyong immunity, na tinatawag na "acquired immune deficiency."
  • Mayroon kang isang immune system na masyadong aktibo. Maaari itong mangyari sa isang allergic reaction.
  • Mayroon kang isang immune system na nilalabanan ka (o ang sarili mong katawan). Tinatawag itong "autoimmune disease."

 

Immune System Disorders

 

Narito ang ilang halimbawa ng immune system disorders:

 

Severe combined immunodeficiency (SCID)

Ito ay isang halimbawa ng isang immune deficiency na naroroon na sa pagsilang pa lamang. Ang mga bata ay prone sa panganib ng mga impeksyon mula sa bacteria, virus, at fungi. Ang karamdaman na ito ay tinatawag rin na "bubble boy disease.” Nagsimula ito ng ang isang batang lalaki noong 1970s ay kailangang mabuhay sa isang “sterilized environment” sa loob ng isang plastic bubble. Ang mga batang may SCID ay nawawala ang mahahalagang white blood cells. Nakamamatay ang sakit na ito nang walang paggamot.

 

Temporary acquired immune deficiencies

Ang ating immune system ay maaaring mapahina ng ilang mga gamot. Maaari itong mangyari sa mga tao sa chemotherapy o iba pang mga gamot na ginagamit upang gamutin ang cancer. Maaari rin itong mangyari sa mga tao pagkatapos ng mga transplant ng organ na kumukuha ng gamot upang maiwasan ang organ rejection. Gayundin, ang mga impeksyon tulad ng flu virus, mono (mononucleosis), at tigdas ay maaaring magpahina ng immune system sa loob ng maikling panahon. Ang ating immune system ay maaari ding humina dahil sa paninigarilyo, alkohol, at hindi magandang nutrisyon.

 

Acquired immunodeficiency syndrome (AIDS)

Ang human immunodeficiency virus (HIV), na sanhi ng AIDS, ay itinuturing na acquired viral infection na sumisira sa white blood cells at nagpapahina sa immunity ng isang tao. Maaaring lumala ang kalagayan ng mga taong may HIV/AIDS dahil sa impeksyon, na kayang labanan ng karamihang tao. Ang mga impeksyon na ito ay tinatawag na “opportunistic infections” sapagkat sinasamantala ng mga ito ang mahinang immune systems.

 

Overactive Immune System

Kung ikaw ay ipinanganak na may ilang tipo ng genes, ang iyong immune system ay maaaring tumugon sa mga bagay sa kapaligiran na karaniwang hindi nakakapinsala. Ang mga bagay na ito ay tinatawag na "allergens." Ang pagkakaroon ng allergic reaction ay ang pinaka karaniwang halimbawa ng isang sobrang aktibong immune system. Ang alikabok, amag, pollen, at pagkain ay mga halimbawa ng allergens.

 

Ang ilang mga kondisyon na dulot ng sobrang active na immune system ay:

  • Hika
  • Eczema
  • Hay fever (o allergic rhinitis)
  • Food allergy sa pagkain

 

Autoimmune Disease

Pagdating sa autoimmune diseases, inaatake ng katawan ang normal at malulusog na tissues. Hindi pa alam ng mga eksperto kung bakit ito nangyayari, ngunit marami ang nagsasabi na maaaring ang dahilan nito ay ang isang kumbinasyon ng genes ng isang tao at isang bagay sa kapaligiran na nagpapalitaw ng genes na iyon.

 

Ang karaniwang halimbawa ng autoimmune diseases ay:

  • Type 1 diabetes
  • Rheumatoid arthritis o rayuma
  • Lupus

 

Sources:

https://www.hopkinsmedicine.org/health/conditions-and-diseases/disorders-of-the-immune-system

https://www.nationwidechildrens.org/family-resources-education/family-resources-library/immune-system-disorders



What do you think of this article?