First Aid Tips Para sa Gout | RiteMED

First Aid Tips Para sa Gout

November 15, 2021

First Aid Tips Para sa Gout

Ang gout ay isang uri ng inflammatory arthritis na mayroong mataas na lebel ng serum urate na nagdudulot ng swollen at stiff joints. Kadalasan itong nagdudulot ng matinding sakit sa may parte ng paa. Umaatake ang gout kapag ang mga crystals ng uric acid ay napunta sa mga tissue ng joints. Ito ang nagiging sanhi ng pamamaga at labis na pagsakit.

 

undefined

Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/young-thai-girl-business-woman-taking-1214757517

 

Dahil hindi masasabi kung kailan umaatake ang sakit ng gout, dapat ay alamin ang mga gout symptoms, gout remedy at first aid gout treatment bago dalhin sa ospital o doktor.

 

  1. Uminom ng painkillers –  Ugaliing suriin ang label ng gamot at kung may negatibong epektibo ito sa iyong katawan. Maigi pa rin na kumonsulta sa inyong doktor kung ano ang pinakamainam na painkiller para sa iyong gout.
  2. Gumamit ng yelo sa namamagang bahagi na may gout – Ang cold therapy o paglagay ng yelo o anumang malamig na bagay sa bahagi na tinamaan ng gout ay mabisang paraan upang maibsan ang sakit habang nasa bahay. Ilagay lamang ito sa may joint ng 20 minuto upang maiwasan ang pamamaga at sakit.
  3. Itaas ang paa – Mabisa ring first aid ang pag-angat ng bahagi ng katawan, kadalasan ang mga paa, na mayroong gout. Iniibsan nito ang pressure sa bahagi ng katawan at binabawasan ang nararamdamang sakit.
  4. Uminom ng tubig- Isa sa mga simple ngunit mabisang paraan ng gout remedy ang pag-inom ng sapat na tubig. Binababa ng tubig ang uric acid level sa katawan kaya’t mainam na tiyaking hydrated ka parati.
  5. Masustansya at balanseng pagkain – Tiyakin na hindi sumosobra ang pag-inom o pagkain mo ng mga pagkaing mataas sa uric acid. Ito ang nagdudulot ng biglaang pag-atake ng gout.

 

Mahalagang malaman ang importance ng first aid para sa gout remedy at treatment upang tiyak na mabibigyan ng agarang solusyon ang mga biglaang gout attack.

 

Sources:

https://www.webmd.com/arthritis/gout-attacks-at-home#:~:text=If%20your%20pain%20isn't,Rest%20the%20joint.

https://www.arthritis-health.com/blog/6-steps-gout-attack-relief

https://www.everydayhealth.com/gout/10-steps-to-ease-gout-attack.aspx


What do you think of this article?