Epekto ng Panahon at Klima sa Ating Katawan at Kalusugan | RiteMED

Epekto ng Panahon at Klima sa Ating Katawan at Kalusugan

July 21, 2021

Epekto ng Panahon at Klima sa Ating Katawan at Kalusugan

Ang mga gawain ng tao ay sadyang nakaaapekto sa pabago bagong klima o climate change na dinaranas natin ngayon saan mang sulok ng mundo. Sa parehas na kadahilanan, malaki rin ang epekto ng climate change sa good health ng marami sa atin. Ang climate change effects ay hindi lamang makikita sa panlabas na anyo, bagkus, malaki ang parte nito sa kabuuang estado at kalusugan natin.

Alamin ang ilang information about climate change at ang epekto nito sa ating kalusugan.

Ang Kalusugan at Climate Change Effects

Malaki ang pagpapahalaga ng tao sa health care. Kaya naman abala ang karamihan sa mga health and fitness programs. Ang iba naman ay nagsisikap umiwas sa unhealthy lifestyle. Ngunit lingid sa kaalaman ng ilan, sa kabila ng mga healthy habits, may ilang karamdaman pa rin na maaaring dulot ng climate change.

Ang climate change ay isang issue na kailangang pagtuunan ng pansin sapagkat bukod sa pagkasira ng natural habitat ng ilang mga hayop sa mundo, malaki rin ang negatibong health effects nito sa mga tao. Naaapektuhan ng climate change ang social and environment determinants ng kalusugan tulad ng malinis na hangin, malinis na inuming tubig, sapat na supply ng pagkain at matayog na tirahan.

Kasama sa epekto ng climate change ang pagtaas at pag-init ng temperatura, pagbabago sa pag-ulan, pagtaas ng water level at pagdalas ng mga malalang uri ng panahon.

undefined

Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/young-man-heat-stroke-1070758418

 

Public Health Impact

Ang climate change effects ay maaaring maramdaman sa pagbabago o kawalan ng mga basic necessities ng mga tao kabilang na ang tirahan, kalidad ng hangin, supply at kalidad ng inuming tubig, supply ng pagkain, at nutrition level sa mga pagkain.

Habang lumalala ang climate change, mas lalo ring nakararanas ng iba’t ibang health issues ang mga tao. Ayon sa World Health Organization (WHO), isang aral mula sa mga mananaliksik ang nagsasabi na makakaapekto ang climate change sa 250,000 deaths sa taong 2030-2050 mula sa mga kondisyong gaya ng heat stress, malnutrition, diarrhea, at malaria.

Ang climate change ay maaari ring magdulot ng migration, dahilan upang dumami ang mga nakatira sa mga lungsod at magdulot ng overcrowding sa mas mataas na temperatura.

Epekto sa Mental Health

Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC), ang mataas ng temperatura ay maaaring magdulot ng mas mataas na suicide rate, lalo na sa mga taong nakakaranas ng mental health conditions. Ayon sa CDC, may negatibong epekto ang climate change at mataas na temperatura sa mga taong may depression at iba pang mental health conditions.

Ang mga kalamidad na dulot ng climate change ay nagdudulot din ng negatibong epekto sa mga tao at maaaring maging dahilan ng post-traumatic stress disorder o PTSD at anxiety. Kagaya nito ang mga bagyo, pagbaha, heat wave, at maging wildfires.

Pagkakaroon ng Infectious Diseases

Isa ring dulot ng climate change ang mga nakakahawang karamdaman. Tumataas ang mga kaso ng insect-transmitted infections tulad ng dengue at malaria. Isa sa mga dahilan ng pagtaas ng mga kasong ito ay ang mas humabang panahon na kung saan maaaring makapag transmit ng infection ang mga insekto. Dahil sa climate change, tumataas din ang kaso ng water-borne diseases tulad ng amoebiasis, cholera, diarrhea at typhoid.

Sanhi ng Air Pollution

Dahil sa climate change, mas mataas ang posibilidad na tumaas ang  lebel ng pollutants sa hangin. Nagdudulot ito ng mga komplikasyon sa kalusugan ng mga tao, kagaya ng asthma, chest pain, ubo at sore throat, pamamaga ng baga, airway congestion, at maging lung cancer.

 

Kagaya ng pagpapanatili ng ating good health, mabuti ring isaisip ang pagpapabuti at pag-aalaga sa kalikasan upang mapigilan ang ilan sa mga climate change effects. Malaki ang papel na ginagampanan ng kalikasan at maging ng panahon sa ating pangkalahatang kalusugan at kabutihan.

 

Sources:

https://www.healthline.com/health/extreme-temperature-safety

https://www.medicalnewstoday.com/articles/climate-change-and-health

https://doh.gov.ph/climate-change



What do you think of this article?