At risk ka ba para sa Immunodeficiency? | RiteMED

At risk ka ba para sa Immunodeficiency?

October 15, 2021

At risk ka ba para sa Immunodeficiency?

Ang ating immune system ang naghahanap at pumupuksa sa mga infectious organisms sa ating katawan -- tulad ng bacteria, viruses, at fungi.

 

Ang ating immune system ay binubuo ng maraming magkakaibang uri ng white blood cells, at ang bawat uri nito ay may specialized functions. Halimbawa, ang neutrophils ay mahalaga upang labanan ang bakterya at fungi, habang ang lymphocytes ang nakikipaglaban sa viruses. Ang ilang T lymphocytes naman ang pumupuksa sa cells na nahawaan ng isang virus, at ang B lymphocytes ay gumagawa ng mga antibodies -- mga protina na lumalaban sa impeksyon. Karaniwang nagtutulungan ang iba't ibang uri ng white blood cells upang labanan ang lahat ng uri ng impeksyon sa katawan. Kaya naman masasabi natin ang immune system ay tunay na isang sistema.

 

Subalit may mga pagkakataon na nagkakaproblema ang ating immune system. Ang isang tao na may malfunctioning immune system ay sinasabing may "immunodeficiency."

 

Ano ang immunodeficiency?

 

Ang immunodeficiency, na kilala rin sa tawag na immunocompromisation, ay tumutukoy sa inability o kawalan ng kakayahan ng isang tao na mag-produce ng sapat na immune response dahil sa kakulangan o kawalan ng antibodies, immune cells, o pareho. Ang immunodeficiency disorders ay maaaring makuha sa pamamagitan ng impeksyon (tulad ng HIV), inherited o minana (tulad ng severe combined immunodeficiency), o maaari ding magresulta mula sa chemotherapy.

 

Signs ng Immunodeficiency

 

undefined

Source:

https://www.shutterstock.com/image-photo/asia-little-girl-cough-waer-hygienic-695505454

 

Ang isa sa mga pinaka karaniwang palatandaan ng immunodeficiency, maging sa bata man o matanda, ay ang pagkakaroon ng mga impeksyon na mas madalas, mas matagal, o mas mahirap gamutin kaysa sa mga impeksyon ng isang taong may normal na immune system. Maaari ring makakuha ang isang taong may weakened immune system ng mga impeksyon na hindi nakukuha ng isang taong may healthy immune system (tinatawag itong opportunistic infections).

 

Ang mga palatandaan at sintomas ng immunodeficiency ay magkakaiba, depende sa uri na mayroon ang isang tao.

 

Ngunit kadalasan, ang mga palatandaan at sintomas ng immunodeficiency ay:

  • Madalas at paulit-ulit na pneumonia, bronchitis, sinus infections, impeksyon sa tenga, meningitis, o impeksyon sa balat;
  • Pamamaga at impeksyon ng internal organs;
  • Blood disorders, tulad ng mababang bilang ng platelet o anemia
  • Digestive problems, tulad ng cramping, pagkawala ng gana sa pagkain, pagduduwal, at pagtatae;
  • Delayed growth and development; at
  • Autoimmune disorders, tulad ng lupus, rheumatoid arthritis, o type 1 diabetes

 

Prevention Tips

 

Ang immune disorders ay resulta ng genetic defects, kung kaya't walang paraan upang maiwasan ito. Ngunit kung ikaw o ang iyong anak ay may mahinang immunity, marami kang pwedeng gawin para maiwasan ang mga impeksyon, tulad ng sumusunod:

 

  • Practice good hygiene. Hugasan ang iyong mga kamay ng banayad na sabon pagkatapos gamitin ang banyo at bago kumain.
  • Ingatan ang ngipin. Magsipilyo ng iyong ngipin ng hindi bababa sa dalawang beses sa isang araw.
  • Kumain ng tama. Ang isang healthy, balanced diet ay maaaring makatulong na maiwasan ang mga impeksyon.
  • Mag-take ng vitamins araw-araw. Ang food supplements na may vitamin C at zinc tulad ng RM Ascorbic Acid+Zinc (Zinc-CTM) Syrup ay nakakatulong sa pagpapalakas ng ating immunity. Ang zinc + vitamin C supplement na ito ay naglalaman ng sodium ascorbate at zinc na mabisa sa pag-boost ng body resistance at immunity.
  • Maging physically active. Ang pag-maintain sa physical health ng iyong katawan ay mahalaga sa iyong pangkalahatang kalusugan. Tanungin ang iyong doktor kung anong mga aktibidad ang angkop para sa iyo.
  • Kumuha ng sapat na pagtulog. Subukang matulog at bumangon sa parehong oras araw-araw, at makuha ang parehong bilang ng mga oras ng pagtulog tuwing gabi.
  • I-manage ang stress. Maraming pag-aaral ang nagpapakita na ang stress ay maaaring makaapekto sa ating immune system. Para ma-manage ito, subukan ang regular na pag papamasahe, meditation, yoga, biofeedback, o pagkakaroon ng hobbies. Alamin kung ano ang effective para sa iyo.
  • Iwasan ma-expose sa mga taong may sakit. Lumayo mula sa mga taong may sipon o iba pang mga impeksyon at iwasan ang masyadong maraming tao o crowds.
  • Tanungin ang iyong doktor tungkol sa pagbabakuna. Alamin kung anong vaccine ang dapat mayroon ka.

 

 

Sources:

https://clinicalinfo.hiv.gov/en/glossary/immunodeficiency

https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/primary-immunodeficiency/symptoms-causes/syc-20376905

https://www.healthline.com/health/immunodeficiency-disorders#risk-factors

https://www.childrenshospital.org/conditions-and-treatments/conditions/p/primary-immunodeficiency/symptoms-and-causes

 



What do you think of this article?